May manood pa kaya ng Regine/Robin movie?
September 18, 2006 | 12:00am
Nakakatuwang pagmasdan na sinundo ng karwahe ang mga artista na naka-Filipiniana sa katatapos na Luna Awards kamakalawa ng gabi. Last year, limousine ang naghatid sa mga stars na nag-attend sa awards night na ginanap sa isang hotel.
Sabi nga ng mga umattend ay kakaiba ang Luna Awards ngayon dahil sa magandang trato sa mga dumalong artista.
In fairness, maganda at successful naman ang event. Maaga pa lang, nagdatingan na ang mga hosts na sila Marvin Agustin, Jolina Magdangal, Claudine Barretto, John Lloyd Cruz, Bong Revilla, Lani Mercado, Lara at mga bisita. Kumpleto rin ang grupo nina Bong, Jinggoy, Phillip at Daboy. Dumating din siyempre si Maricel Soriano para tanggapin ang award ng kino-consider niyang nanay na si Nida Blanca na pinagkalooban ng posthumous award ng Film Academy of the Philippines.
Congrats sa matagumpay na Luna Awards. At sa tanong kung sino ang mahusay na producer, kayo na ang bahalang sumagot. Si Albert Martinez na producer ng Luna for 2 years ba o ang grupo nina Romnick and Harlene Bautista na first timer nag-produce ng Luna Awards?
Ilang beses nang napabalita na buntis si Kris Aquino. Hindi ko na tuloy maintindihan kung sino ang mas excited na magkaroon ng anak si Kris, ang taong malalapit sa kanya o ang mismong may katawan.
Sino nga ba ang hindi excited para kay Kris kung magbuntis na nga siya? Pero wag naman nating unahan. Hintayin nating maging totoo ang lahat bago ibalita.
Ang galing naman ng pelikulang Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros na hinahangaan sa ibang bansa hanggang sa kasalukuyan.
Pero biro nga nila, hanggang ngayon ay nagdadalaga pa rin si Maximo dahil ipalalabas itong muli sa ating mga sinehan.
Muling masasaksihan ng ating mga kababayan kung bakit pinarangalan ang pelikulang ito sa ibang bansa.
Marami tuloy ang nagtatanong kung nagdadalaga nga ang bida sa pelikulang si Nathan Lopez ang gumanap sa karakter ni Maximo dahil sa mahusay nitong pagganap.
Tangkilikin po natin ang pelikulang Pinoy dahil sinaluduhan ito sa ibang bansa, marapat lang na suportahan din natin ito.
Ano kaya ang kahihinatnan ng reunion movie nila Regine Velasquez at Robin Padilla na Till I Met You? Maraming issue kay Binoe, ganundin naman sa sangkatutak na intriga ang dinaanan ni Songbird. Ano kaya ang makakatawag pansin sa movie nila Regine at Robin? Ang makatotohanang kayang halikan nila ang magbibigay hatak sa takilya upang manood ang mga fans?
Malampasan kaya ng tambalang Regine at Robin ang kita ng pinalabas na sinasabing naagaw sa no. 1 na trono in terms of box office success, ang Sukob?
Kaya sa mga fans nila Regine at Binoe, sugod na po sa sinehan at i-enjoy ang sinasabing kilig na samahan ng dalawa.
Sabi nga ng mga umattend ay kakaiba ang Luna Awards ngayon dahil sa magandang trato sa mga dumalong artista.
In fairness, maganda at successful naman ang event. Maaga pa lang, nagdatingan na ang mga hosts na sila Marvin Agustin, Jolina Magdangal, Claudine Barretto, John Lloyd Cruz, Bong Revilla, Lani Mercado, Lara at mga bisita. Kumpleto rin ang grupo nina Bong, Jinggoy, Phillip at Daboy. Dumating din siyempre si Maricel Soriano para tanggapin ang award ng kino-consider niyang nanay na si Nida Blanca na pinagkalooban ng posthumous award ng Film Academy of the Philippines.
Congrats sa matagumpay na Luna Awards. At sa tanong kung sino ang mahusay na producer, kayo na ang bahalang sumagot. Si Albert Martinez na producer ng Luna for 2 years ba o ang grupo nina Romnick and Harlene Bautista na first timer nag-produce ng Luna Awards?
Sino nga ba ang hindi excited para kay Kris kung magbuntis na nga siya? Pero wag naman nating unahan. Hintayin nating maging totoo ang lahat bago ibalita.
Pero biro nga nila, hanggang ngayon ay nagdadalaga pa rin si Maximo dahil ipalalabas itong muli sa ating mga sinehan.
Muling masasaksihan ng ating mga kababayan kung bakit pinarangalan ang pelikulang ito sa ibang bansa.
Marami tuloy ang nagtatanong kung nagdadalaga nga ang bida sa pelikulang si Nathan Lopez ang gumanap sa karakter ni Maximo dahil sa mahusay nitong pagganap.
Tangkilikin po natin ang pelikulang Pinoy dahil sinaluduhan ito sa ibang bansa, marapat lang na suportahan din natin ito.
Malampasan kaya ng tambalang Regine at Robin ang kita ng pinalabas na sinasabing naagaw sa no. 1 na trono in terms of box office success, ang Sukob?
Kaya sa mga fans nila Regine at Binoe, sugod na po sa sinehan at i-enjoy ang sinasabing kilig na samahan ng dalawa.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended