^

PSN Showbiz

Binyag ng anak ni Jaya, gagawin sa mansyon ni Allan K!

-
Nagpadala pala ng demand letter si Jeremiah Rosales (kapatid ni Jericho Rosales) sa ina ng dalawa niyang anak na si Ethel Gonowon para kunin ang custody ng dalawang bata dahil hindi raw ito capable na maging ina dahil nagda-drugs.

Ayon naman kay Ethel ay si Jeremiah daw ang pumilit sa kanyang mag-take ng shabu, "Si Jeremiah po ang nagpilit sa aking gumamit nung time na kami pa, twice po akong nakagamit no’n at itinigil ko na, malinis na po ako at magpapa-drug test po ako bukas Lunes (September 18).

"Pera po ni Jeremiah ang pinambibili at kasama ko po siyang nagsa-shabu at tumigil na po ako talaga, nakahanda ko pong patunayan," paliwanag ni Ethel sa amin.

As of now ay nakasampa na ang kasong anti-law of violence against women and their children laban kay Jeremiah at frustrated intentional abortion laban naman sa ina ng actor na si Gng. Rose Rosales at isinama rin ang komadronang kasabwat sa nasabing abortion.

At kung hindi babaguhin ang plano ay nakatakda uling magsampa ng kasong kidnapping next week si Ethel laban uli kina Jeremiah dahil kinuha raw ang mga anak niya ng walang pahintulot.

To date ay nanatiling tahimik ang kampo ng mga Rosales at nakahanda naman daw harapin ni Ethel kung anuman ang plano sa kanya ng ama ng kanyang dalawang anak.
* * *
Gaano katotoo na ang huling grand finalist ng Pop Star Kids named Julie ay over age?

Narinig namin ang tsikahan ng mga staff ng Pop Star Kids ni Kyla na over-age na nga raw ang batang si Julie, pero ipinanalo dahil magaling at maganda raw yung bagets.

Pag nalaman ito ng ibang contestants, tiyak na magrereklamo sila dahil unfair nga naman ang ginawang ito ng staff.

So, hindi lang pala sa nakaraang WCOPA may scam, pati na rin sa Pop Star Kids contest?

Anyway, any feedback from Pop Star Kids?
* * *
Iiwan na pala ni Sexbomb Aira Cruz ang grupong Sexbomb dahil papunta na ito ng Japan para magtrabaho.

Nagpaalam na raw si Aira sa lahat ng talent coordinators ng GMA-7 para i-inform na matagal siyang mawawala dahil kailangan niyang rumaket sa ibang bansa dahil mahina ang kita ng grupo rito sa Pilipinas.

"Breadwinner kasi si Aira, siguro hindi sapat ang kinikita niya sa shows at Daisy Siete kasi hindi naman siya ang bida, kaya siguro nagpaalam sa manager niya," tsika sa amin ng taga-GMA.

Sinubukan naming tawagan ang manager ng Sexbomb na si Joy Cancio, pero hindi sinasagot ang cellphone, gayun din ang assistant niyang si Cris ay hindi rin kami sinagot.

Pero ang paliwanag sa amin ng taga-GMA ay, "Hindi pa naman buwag ang grupo, si Aira lang ang aalis."

At may kumalat ding tsika sa GMA compound na babalik si Jacque Estevez sa Eat Bulaga dahil wala na siya sa Sexbomb, pero matinding pinabulaanan naman ito ng over-all chairman ng programa na si Ms. Malou Choa-Fagar, "No, it’s not true, sinong maysabi?" say sa amin.

Marahil ay pinapa-float lang ito ng kampo ni Jacque para magpa-pansin sa EB since wala na naman siya sa poder ni Joy.
* * *
Sobrang close talaga nina Allan K at Jaya dahil in-offer ng una ang kanyang mansion para doon ganapin ang binyag ng anak ng huli.

Isang intimate garden ceremony para sa binyag ng anak ni Jaya ang gaganapin at abalang-abala raw ang buong SOP staff sa okasyong ito dahil iko-cover ito at super excited din ang bagong mommy sa mangyayari.

Hindi pa nababanggit sa amin kung sinu-sino sa showbiz friends ni Jaya ang ninongs at ninangs, but definitely, kasama raw ang mga SOP host. —REGGEE BONOAN

AIRA

ALLAN K

DAHIL

JAYA

NAMAN

POP STAR KIDS

SEXBOMB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with