Komedya, pinalitan na ng moro-moro
September 17, 2006 | 12:00am
Buhay na buhay pa ang theater art form na moro-moro na nauso pa noong panahon ng Kastila. Kaya lang pinalitan na ang tawag dito ng komedya, upang maalis ang dating na pagmamaliit sa mga Muslim ng mga prayle noong panahong nagdaan.
Sa bayan ng San Dionisio sa Parañaque nagmula ngayon ang magagandang komedya na patuloy na pinalalabas sa mga malalaking venue tulad ng Perlita ng Silangan, na itatanghal simula Oktubre 12-15, 10NU, 2NH sa Olivares Coliseum, Sucat, Parañaque.
Mga taga-Parañaque rin ang mga lalabas sa mga pangunahing tauhan sa nasabing komedya tulad nina Nikkie Hernandez, Bobby Ferrer, Dexter Santos, Frederick de Leon, Detdet Legaspi at Elleen Guerrero.
Kung noon ay palaging tema ng mga moro-moro ang labanang Kristiyano at Muslimna palaging panalo ang mga Muslim syempre, ngayon naman ay ang panalo ng kabutihan laban sa kasamaan ang tema ng mga komedya.
Ang Komedya ay sinaunang arte ng drama na ang gamit at musika, sayaw, drama at komedyana ang patulang mga linya ay binibigyan ng higit na kulay sa mga ibang istilong mga labanan, subalit laging natatapos ng positibo at masaya.
Noong panahon ng Kastila ay nakita ng mga prayle na ang moro-moro ay epektibong paraan upang palaganapin ang Kristyanismo, kayat sa mga palabas noon, palaging talo ang "moro."
Butit nabago na ang konseptong ito ngayon sa komedya at natigil na ang nakakainsultong porma para sa ating ibang kababayan.
Sa San Dionisio, Parañaque, patuloy na pinagyayabong ang orihinal na arte ng teatrong Pinoy. Sa bayang ito sinusulat ang mga orihinal na dulang komedya simula pa noong 1962.
Ang Perlita ng Silangan ay unang sinulat ni Dra. Felicidad Mendoza at nagkaroon ng malayang salin ni Rodante Hernandez. Sa dula, kumakatawan si Perlita sa ating Inang Bayan, na dahil sa kanyang natural na alindog ay nililigawan ng mga banyagang Hapon, Intsik, Ingles, Arabo, Pranses, Kastila at Kano (lahat ayon sa ating kasaysayan).
Si Kimberly Diaz ang gumaganap na Perlita at ilan sa kanyang mga manliligaw na Pinoy sa dula ay sina Prinsipe Magiting (Wowie de Guzman), Prinsipe Bayani (Marcus Madrigal) at Prinsipe Dakila (Allan Paule).
Si Perlita na isang mahinhing dalaga ay nagpapakita rin ng kanyang kagitingan sa nasabing komedya. Minsan ay nagsusuot din siyang mandirigma upang ipagtanggol ang Inang Bayan. Base na rin sa mga kwentong Prinsesa Urduja, Gabriela Silang at Tandang Sora.
Kahit masasabing sina-una ang kwento at porma ng Perlita ng Silangan ginawang kontemporaryo ang mga ginamit na linya dito at iba pang musika at interpretasyon ni Direktor Soxy Topacio.
Sa mga artistang kasama sa Perlita ng Silangan, isa na namang pagkakataon ito upang mahubog ng husto ang sariling disiplina at higit na mapagbuti ang kanilang pag-arte.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
November 14, 2024 - 12:00am
November 13, 2024 - 12:00am