Luna Awards ngayon!
September 16, 2006 | 12:00am
Ngayon na, Set. 16, ang ika-24th Luna Awards sa pakikipagtulungan ng Film Academy of the Philippines at ng Eight Elephants Productions ng mag-asawang Harlene Bautista at Romnick Sarmenta, Carlos de Leon, Al Cordova, Hubert Navarro at Hero Bautista.
Ang mabituing pagdiriwang na tatampukan nina Jolina at Marvin, John Lloyd at Claudine, Bong at Lani bilang mga hosts, Precious Lara Quigaman, trivia host, G Toengi, red carpet host at Eula Valdez, taga-recap ng winners bawat gap, ay magaganap sa PAGCOR Grand Theater, Airport Casino Filipino, Parañaque City sa direksyon ni Al Quinn at mapapanood sa RPN9.
Hindi na maiintriga ang mga producer na mahigit sa isang entry ang mapipili para sa MMFFP 2006. Nagdesisyon ang mga namamahala ng taunang pista ng pelikula na wala nang limitasyon sa mga mapipiling pelikula nila. Kung karapat dapat na mapili ang mahigit sa isang entry ng isang prodyuser ay yun ang gagawin ng mga namamahala. Basta, ang mahalaga raw ay ang istorya, maganda ba at panonoorin ba ng tao?
Ibinabalik na rin ang pa-raffle sa mga manonood na tatlong taon ding nawala. Pero, di tulad ng dati, walang nang ticket stubs na kakailanganin. Bawat manonood ay bibigyan ng MMFFP movie cards na kung saan isusulat ang pelikula na pinanood at kung saan.
Tatlong movie ang kailangang mapanood para maka-qualify sa raffle promo na pinamagatang Cash sa Pelikula. Bawat karagdagang pelikula ay nagkakahalaga ng P5 thousand. Kung anim na movie ang napanood ng nanalong MMFFP movie card, may P30 thousand siya, P5 thousand para sa bawat isang movie na lumampas sa required 3 movies. Ang awarding nito ay isasabay sa MMFFP awards night.
May gaganapin ding docu competition kasabay ng MMFFP 2006. Tema ay tungkol sa kasaysayan ang Filipino films at kasaysayan at evolution ng MMFF.
Deadline ng submission ng projet proposal ay sa Set. 23. Deadline ng finished product na kailangang bago at hindi pa naisa-submit sa anumang competition ay sa Oct. 30. P800,000 ang major prize at may apat na consolation prizes na tig-P50 thousand each. VERONICA R. SAMIO
Ang mabituing pagdiriwang na tatampukan nina Jolina at Marvin, John Lloyd at Claudine, Bong at Lani bilang mga hosts, Precious Lara Quigaman, trivia host, G Toengi, red carpet host at Eula Valdez, taga-recap ng winners bawat gap, ay magaganap sa PAGCOR Grand Theater, Airport Casino Filipino, Parañaque City sa direksyon ni Al Quinn at mapapanood sa RPN9.
Ibinabalik na rin ang pa-raffle sa mga manonood na tatlong taon ding nawala. Pero, di tulad ng dati, walang nang ticket stubs na kakailanganin. Bawat manonood ay bibigyan ng MMFFP movie cards na kung saan isusulat ang pelikula na pinanood at kung saan.
Tatlong movie ang kailangang mapanood para maka-qualify sa raffle promo na pinamagatang Cash sa Pelikula. Bawat karagdagang pelikula ay nagkakahalaga ng P5 thousand. Kung anim na movie ang napanood ng nanalong MMFFP movie card, may P30 thousand siya, P5 thousand para sa bawat isang movie na lumampas sa required 3 movies. Ang awarding nito ay isasabay sa MMFFP awards night.
May gaganapin ding docu competition kasabay ng MMFFP 2006. Tema ay tungkol sa kasaysayan ang Filipino films at kasaysayan at evolution ng MMFF.
Deadline ng submission ng projet proposal ay sa Set. 23. Deadline ng finished product na kailangang bago at hindi pa naisa-submit sa anumang competition ay sa Oct. 30. P800,000 ang major prize at may apat na consolation prizes na tig-P50 thousand each. VERONICA R. SAMIO
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended