^

PSN Showbiz

Rica, kailangan ng leading man para sa isang Korean movie

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Nakausap ko sa phone si Alice mommy ni Rica Peralejo para tanungin kung ano ang naging reaksyon ng anak sa kasalang Bernard Palanca at Meryll Soriano.

Sey ni Mommy Alice, "Bakit naman maapektuhan pa si Rica. Matagal na silang hiwalay ni Bernard. Walang anuman sa kanya kung magpakasal man ito. Matagal na panahon nang burado siya sa puso ng anak ko. Bumilang na rin ito ng maraming nobya gaya nina Phoemela Barranda, kapatid ni Aubrey Miles at iba pa kaya nabaon na sa limot ang kanilang relasyon. Matagal nang naka-move on ang aking anak at mas masaya siya sa kanyang buhay ngayon," ani Alice.

Endorser ng Smart Talk and Text ang aktres kaya kagagaling lang ng Vigan para sa promosyon nito. Magsisimula na rin ito ng syuting para sa entry ng Canary Films sa darating na Metro Manila Film Festival tentatively titled Karma at nakalinya na ang proyektong pagsasamahan nila ni Eddie Garcia. Naghahanap pa ng leading man na makakapareha ni Rica para sa isang pelikula under Korean Production.
Na-Realize Ang Pagkakamali
Mabilis na bwelta ng magandang karma ngayon kay Iwa Moto. Naikwento ng aking source na palasagot sa kanyang ina ang young actress na ito. Hindi lang siya pasaway kundi wala pa ring galang sa ina kaya daw ito naglayas at iniwan ang anak.

Pero noong nakaraang kaarawan ni Iwa ay dumating ang ina nito sa party. Sabi nga, walang inang di makakatiis sa anak at nagkasundo sila ni Iwa. Marahil na-realize ng young actress ang pagkakamali kaya ngayong magkasundo na ay magkasama na sila sa bahay.

Kasama si Iwa sa Bakekang bilang si Jenny na kaibigang matalik ni Kristal.
Evening Gown Olympics
Beauty and elegance sa evening gown competition ang mapapanood sa Sis bukas. Suot ang mga evening gown ng mga guests na sina Cristine Reyes, Ella V., Jen Rosendahl, IC Mendoza, Giselle Sanchez at Wilma Doesnt, makikipagpaligsahan sila sa iba’t ibang Sis challenges.

Mapapanood din natin sila sa iba’t ibang dance number na akma sa suot nilang sopistikadang evening gowns.
Movie Ni IC, Triple X
Ipinagmamalaki ni IC Mendoza ang pelikulang Twilight Dancers dahil talagang ipinamalas niya rito ang kakayahan sa akting.

Kaya lang nakakuha ito ng triple-X rating mula sa MTRCB kaya nanganganib na di maipalabas sa mga sinehan sa Metro Manila.

Ang pelikula’y sinulat ni Ricky Lee sa direksyon ni Mel Chionglo. Ang ikinatutuwa lang ni IC ay naimbitahan ang pelikula for exhibition sa Toronto Film Festival pero di siya nakasama.

"Aside from this, may imbitasyon din ang Twilight Dancers para lumahok for exhibition sa Chicago International Film Festival," aniya.

AUBREY MILES

BERNARD PALANCA

CANARY FILMS

CHICAGO INTERNATIONAL FILM FESTIVAL

CRISTINE REYES

EDDIE GARCIA

ELLA V

MATAGAL

TWILIGHT DANCERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with