^

PSN Showbiz

Jennylyn/Mark, tutulungan ang Cogie/Lovi loveteam na talunin ang Kim/Gerald duo!

-
"Wow, nakakatakot naman, kasi hindi pa ako artista, nasa Cebu palang ako, idol ko na sina Mark Herras at Jennylyn Mercado, tapos ngayon, makakatapat na namin sila?  Unbelievable but true!" ito ang pahayag ni Kim Chiu nang hingan namin ng reaksyon tungkol sa pagpasok nina Mark at Jen sa Love to Love nina Cogie Domingo at Lovi.

Hindi na raw kasi kaya nina Cogie at Lovi na talunin sa ratings game ang Love Spell nina Kim at Gerald Anderson kaya ipinasok na ang pinakasikat na loveteam ng GMA-7.

Naaliw lang kami dahil survivor talaga sina Mark at Jennylyn, imagine ang Love to Love naman nina Cogie at Lovi ang susubukan nilang iligtas.

Going back to Kim ay very honest siyang hindi niya alam ang resulta ng ratings game ng Love to Love at Love Spell dahil nga super busy siya sa tapings at shooting ng First Day High na first movie nila ni Gerald under Star Cinema.

And speaking of First Day High, walang nagawa ang GMA-7 dahil pino-promote sa kanila ang nasabing pelikula ng Star Cinema dahil bayad sila ng Unilever na major sponsor ng Rexona ‘no?
* * *
Kung hindi uli babaguhin ang plano ay sa Huwebes sa ganap na 1:30 ng hapon na ang filing ni Ethel Gonowon ng kasong Violence Against Women and Children laban kay Jeremiah Rosales na kapatid ni Jericho at Intentional Abortion laban naman sa ina ng dalawang aktor na si Gng. Rose Rosales.

Ang hindi pagbibigay ng buwanang sustento sa dalawang anak nila ni Jeremiah ang rason ng demanda at ang kamuntikang pagkawala ng bunsong anak naman ang dahilan ng asunto sa ina.

Itinanggi rin ni Ethel ang bintang na kaya raw siya magdedemanda ay sa dahilang galit siya sa tatay ng mga anak niya dahil may iba na raw itong girlfriend. – REGGEE BONOAN

COGIE DOMINGO

ETHEL GONOWON

FIRST DAY HIGH

GERALD ANDERSON

INTENTIONAL ABORTION

LOVE

LOVE SPELL

LOVI

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with