^

PSN Showbiz

Makisig, gagawa ng recording!

PARINIG NGA! - Lanie M. Sapitanan -
Narinig n’yo na ba ang kantang "Bitiw" ang theme song ng Pedro Penduko (Komiks) ng ABS-CBN at ang isa pang song na naririnig ngayon sa radio na "Tuliro"? Ilan lang ito sa mga kantang kinababaliwan ngayon ng mga bagets mula sa bandang Sponge Cola.

Ang malakas na impact ng Sponge Cola sa kanilang mga fans ang dahilan kung kaya sila pinapirma ng Universal Records.

Limang taon na ang Sponge Cola pero, kahit noong independent pa lang sila ay sikat na ang kanilang mga kantang "Gemini," "Una," "Lunes," "Jeepney," "KSLP" at talagang dinudumog ang kanilang mga gigs.

Ang mga myembro ay mga newly graduate last year ng Ateneo De Manila tulad nila Yael Yuzon (lead vocals & guitars), Gosh Dilay, 21 yrs. old (bass & vocals) at tapos ng kursong Information Design, Erwin Armovit (guitar), 21 yrs. old, graduate naman ng Interdisciplinary course at Chris Cantada (drums & vocals) 21 yrs. old, graduate din ng Information Design.

Sa "Transit" album ng Sponge Cola na kahit alternative music at pop rock ang dating ng mga kanta nila ay lumalabas pa rin ang pagiging romantic at makata ng grupo kaya siguro patok sila sa mga girls.
* * *
Nakita ko minsan si Makisig Morales na akala ko ay umiiyak dahil sa naluluha ang mga mata niya, yun pala may trangkaso. Binawasan na ang kanyang taping ng Super Inggo kaya tuwing Tuesday lang siya absent sa kanyang klase.

Nakapirma ng 2 yrs. contract si Makisig sa Star Records at nagsisimula nang maghanap ng kantang babagay sa kanya para sa kanyang album. Ibig bang sabihin nito, mauunahan na naman niya si Sam Concepcion na magkaroon ng sariling album na siyang naging champion sa Little Big Star?

ATENEO DE MANILA

CHRIS CANTADA

ERWIN ARMOVIT

GOSH DILAY

INFORMATION DESIGN

LITTLE BIG STAR

MAKISIG MORALES

SPONGE COLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with