Masakit lang ang ulo, ibinalita nang unconscious
September 10, 2006 | 12:00am
Nakita namin ang magkapatid na Maricel Soriano at Becbec Soriano sa may lobby ng ABS-CBN noong isang araw. Nagkakwentuhan ng konti at narinig naming naglambing ng empanaditas si Maria kay Joebert Sucaldito. Papunta si Maricel sa taping ng John En Shirley at sinamahan siya ng kapatid.
Kahit kaharap namin si Becbec, hindi kami nagkaroon ng lakas ng loob na kumustahin sa kanya si Meryll Soriano. Hindi ba nasulat ang diumanoy pag-alis ng anak sa bahay nila para makipag-live in kay Bernard Palanca at nagbabalak na nga raw pakasal ang dalawa o kasal na nga ba?
Marami ang nanghihinayang kung ngayon mag-aasawa si Meryll dahil bata pa at maganda ang takbo ng career. Sunud-sunod ang gawa niya ng digital movies at may regular show sa ABS-CBN. Bakit nga ba nagmamadali siyang mag-asawa?
Galit na tinawagan ni Dorothy Laforteza ang Emergency Room ng Cardinal Santos Medical Center para ireklamo ang careless reporting ng isa sa diumano sa mga hospital personnel na nag-attend kay Sunshine Dizon last Friday morning. Dinala niya ang anak sa hospital para magpa-injection sa matinding atake ng migraine. Kailangang maalis agad ang pananakit ng ulo nito dahil may taping ng Bakekang that day. Takot na ang actress na masabihang pasaway.
Hindi akalain ni Dorothy na agad makakarating sa press ang pagpunta nila ni Sunshine sa hospital. Ang nakakaloka, migraine ang ipinagamot ng anak pero, ang nakarating sa press, unconscious. May tumawag sa amin at ganoon daw ang kondisyon ng actress kaya, hinagilap namin agad si Dorothy na nagulat din sa balita.
Gumaling ang migraine ni Sunshine after two injections at dumiretso sa taping sa Mowelfund. Ano ba yan, bukas pa lang ang simula ng airing ng Bakekang pero, sunud-sunod na ang intriga at kontrobersya sa lead star nito.
Sa launching ng kanyang "Sa Di Kalayuan" album ng GMA Records, napag-usapan ang SOP at nabanggit ni Gabby Eigenmann na bothered siyat baka alisin siya sa show. Bukod kina Janno Gibbs at Ogie Alcasid, siya na lang ang natitirang original dito at naiisip niyang baka gusto ng tao ng bagong performers na mapapanood sa Sunday show ng GMA-7.
Hindi siya threatened sa new talents na pumapasok at mas tama raw sabihing bothered siya at talagang nagwo-worry. Hindi na namin dinagdagan ang pinoproblema ni Gabby at di na ipinaalam na isa siya sa ipini-petition ng viewers na alisin at palitan ng iba.
Nagpakatotoo rin si Gabby nang amining ginusto niyang mapasama sa Atlantika. Sumabay daw siya kay Dingdong Dantes sa pagwo-workout thinking na maisasama siya pero, nang lumabas ang final cast ay di siya ka-join.
Samantala, sana matuloy ang plano ni Gabby na pagpapa-publish ng sexy magazine na magpi-feature sa mga lalaki sa Eigenmann clan. Maganda ang naisip nitong title na EigenMen at kapapalooban ng sexy pictorials nilang magpipinsan.
Tumitindi ang showdown ng Five Grand Contenders ng Pop Star Kids habang nalalapit ang grand finals. Gaya na lang ngayong Linggo, sa last leg ng PSK on the road sa SM North Edsa, tiyak na isang bonggang pasiklaban ang magaganap kina Rita Iringan, Pocholo Bismonte, Vanessa Ranadhol, Renzo Almario at Julie Ann San Jose.
Bukod sa kani-kanyang biritan, mapapanood din ang musical numbers ng lima kasama ang PSK host na si Kyla, Gerald Santos at Dulce. Kaya, wag palalampasin this Sunday, 7 p.m. sa QTV 11 ang muling paghaharap ng mga bagets.
Kahit kaharap namin si Becbec, hindi kami nagkaroon ng lakas ng loob na kumustahin sa kanya si Meryll Soriano. Hindi ba nasulat ang diumanoy pag-alis ng anak sa bahay nila para makipag-live in kay Bernard Palanca at nagbabalak na nga raw pakasal ang dalawa o kasal na nga ba?
Marami ang nanghihinayang kung ngayon mag-aasawa si Meryll dahil bata pa at maganda ang takbo ng career. Sunud-sunod ang gawa niya ng digital movies at may regular show sa ABS-CBN. Bakit nga ba nagmamadali siyang mag-asawa?
Hindi akalain ni Dorothy na agad makakarating sa press ang pagpunta nila ni Sunshine sa hospital. Ang nakakaloka, migraine ang ipinagamot ng anak pero, ang nakarating sa press, unconscious. May tumawag sa amin at ganoon daw ang kondisyon ng actress kaya, hinagilap namin agad si Dorothy na nagulat din sa balita.
Gumaling ang migraine ni Sunshine after two injections at dumiretso sa taping sa Mowelfund. Ano ba yan, bukas pa lang ang simula ng airing ng Bakekang pero, sunud-sunod na ang intriga at kontrobersya sa lead star nito.
Hindi siya threatened sa new talents na pumapasok at mas tama raw sabihing bothered siya at talagang nagwo-worry. Hindi na namin dinagdagan ang pinoproblema ni Gabby at di na ipinaalam na isa siya sa ipini-petition ng viewers na alisin at palitan ng iba.
Nagpakatotoo rin si Gabby nang amining ginusto niyang mapasama sa Atlantika. Sumabay daw siya kay Dingdong Dantes sa pagwo-workout thinking na maisasama siya pero, nang lumabas ang final cast ay di siya ka-join.
Samantala, sana matuloy ang plano ni Gabby na pagpapa-publish ng sexy magazine na magpi-feature sa mga lalaki sa Eigenmann clan. Maganda ang naisip nitong title na EigenMen at kapapalooban ng sexy pictorials nilang magpipinsan.
Bukod sa kani-kanyang biritan, mapapanood din ang musical numbers ng lima kasama ang PSK host na si Kyla, Gerald Santos at Dulce. Kaya, wag palalampasin this Sunday, 7 p.m. sa QTV 11 ang muling paghaharap ng mga bagets.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended