^

PSN Showbiz

Phoemela, expert humawak ng marijuana

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Impressive ang pelikulang Ang Pamana (The Inheritance) starring Darrel Gamotin, Nadine Villasin and Phoemela Barranda.

Not really familiar sa industry ang mga pangalan nila pero naka-deliver sila sa Ang Pamana na Graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB) nang i-review last Tuesday.

Kung napa-scream kayo sa Sukob, mas nakakatakot ang pelikulang ito ng Global Reach Canada Inc., isang global data and internet services organization na nag-produce ng pelikula na ang alam ko ay matagal nang nagawa.

Si Phoemela Barranda lang ang kilala ko sa movie na mahaba ang role and Victor Neri and Ketchup Eusebio.

In fairness, maayos naman ang acting ni Phoemela na isang durugista na may taniman ng marijuana sa namana nilang 19-hectares na lupain sa kanilang lola sa Bulacan.

Maayos din ang direction, sounds and other technical aspects except sa ilang camera works - medyo may naa-out of focus, although mas maraming magandang factor ang pelikula.

Maraming maganda sa mga eksena sa pelikula na tungkol sa pamana (obvious ba sa title) na 19 hectares mula sa kanilang lola na favorite apo na si Junjun (na Johnny ang pangalan nang maging binata at bumalik sa Pilipinas from Canada) kasama ang isang parang drawing book ba yun na may kuwento tungkol sa aswang, kapre, manananggal at kung anu-ano pang nakakatakot na totoo pala lahat sa namana nilang lupain.

Mahaba ang participation ni Phoemela na surprisingly ay nakakaarte naman pala. Pero siguradong maiintriga siya dahil role niya ay isang spoiled girl na sa 19 hectares na property na gustong pagkaperahan ang marijuana.

Impressive din ang presence ng character ng retarded na may third eye na nakatira sa farm at kasama sa mga nagmana ng 19 hectares na lupain.

Sa opening sina Tirso Cruz III and Jaclyn Jose as parents nina Johnny and Ana (Nadine) sa Canada - ‘yun lang ang participation ng dalawang beteranong actor.

Basta, nakakatakot ang movie na nagsimula sa kuwento ng kanilang lola na nang bumalik sa bansa ang kanyang apo ay nangyari lahat ang kuwento sa nasabing drawing book.

Scary ang movie na ito tungkol sa age-old Filipino folklore na new ang approach ng attack.

Watch n’yo pag nagkaroon ng showing sa Metro Manila ang Ang Pamana.

Wala lang akong idea kung kailan ang commercial exhibition nito.

By the way, si Darrel, ang main protagonist ay stage and theatre production ang references bago ginawa ang pelikulang ito. Naka-appear na siya sa Candy Factory Productions kasama na ang Romeo and Juliet among others.

Impressive din ang credential ni Nadine Villasin as Ana na currently the Artistic Director ng Carlos Bulosan Theatre and involved sa company over a decade now, ang longest running Filipino theatre company in Canada.

And of course si Phoemela na segment host ng TV Patrol at madalas na nababalitang nagdo-droga. Hindi kaya ang nasabing movie ang rason kaya siya naiintrigang durugista?
* * *
In a way, disappointed kami sa concert ng Westlife sa Araneta Coliseum last Wednesday night. Hindi namin narinig lahat ng song sa previous and latest album nila. Saka chubby na ang dalawang member ng group. Pero siyempre andun pa rin naman ‘yung mga kanta nilang "Seasons In the Sun," "You Raise Me Up," "Up Town Girls" among others. Saka magaling talaga si Shane, ang vocalist ng grupo. Sayang lang at hindi niya iniwan ang grupo as in hindi siya nag-solo. Kung siguro naging solo artist siya, malamang nakaabante ang career niya.

Anyway, grabe rin kasi ang traffic last Wednesday night kaya siguro hindi nakarating on time ang manonood kaya hindi napuno ang Araneta.

Pero grabe ang tilian ng mga nanonood. Sus, nakakabingi. Pero ang classic na kuwento ay ang isang fan na kahit walang kamera ang cellphone, kinukunan ang grupo, nakapansin ‘yung mga kasama kong nanood.

Next year, nag-promise ang Westlife na babalik sila ng bansa para mag-concert ulit.

ANG PAMANA

ARANETA COLISEUM

ARTISTIC DIRECTOR

CANDY FACTORY

CARLOS BULOSAN THEATRE

NADINE VILLASIN

PERO

PHOEMELA

PHOEMELA BARRANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with