^

PSN Showbiz

Lovi, nagiging paborito ng GMA!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Napaluha si Lovi dahil sobrang suporta ang ibinibigay sa kanya ng Siete. Bukod sa TV show na Love To Love Musicale (Jass Got Lucky), siya rin ang gaganap na Kristal na anak ni Bakekang na tatampukan ni Sunshine Dizon sa bagong teleserye ng GMA.

Sa kabilang banda, ayaw na nitong paapekto sa mga naninira at bumabatikos sa kanya na nagsasabing hindi naman siya gaanong close sa namayapang ama.

"Hindi po ako pumasok ng showbiz para gamitin ang aking ama. Gusto ko lang po na matupad ang aking mga pangarap," aniya.
Gladys, May Negosyo Na
Nakausap namin sa phone si Gladys Reyes at masaya nitong ibinalita na balik soap opera siya via Bakekang kung saan isa siya sa kontrabida ni Sunshine Dizon.

Sinabi rin nito na meron na siyang bagong negosyo, ang KSA Whitening Soap kung saan nanggaling pa sa Kingdom of Saudi Arabia ang ingredients.

Sawa na si Gladys sa kapapahid ng kalamansi sa balat kaya nagpasyang magnegosyo na lang ng sabong pampaputi. Tutulungan siya ng asawang si Christopher Roxas pagbalik ng bansa.

Nasa Japan ang aktor kung saan nagtatrabaho ito sa restoran ng kanyang auntie bilang chef. Magaling magluto ang asawa ni Gladys. Nami-miss ni Chris ang asawa at ang pagkagwapu-gwapong baby nila kaya uuwi na rin ito.
Blind Item: Suspendido Rin Ang Isang Young Actor
Hindi lang pala yung dalawang pasaway na aktres ang suspended ng isang TV network kundi maging ang young actor na kasamahan nila. Nagreklamo kasi ang pasaway na aktres kung bakit siya lang ang pinarusahan gayong may ginawa ring di maganda ang kasamahan nilang young actor.

Ang ending, suspendido rin ito! Yun nga lang imbes na isa o dalawang buwan ay naging tatlong linggo lang.

BAKEKANG

BLIND ITEM

CHRISTOPHER ROXAS

GLADYS

GLADYS REYES

JASS GOT LUCKY

KINGDOM OF SAUDI ARABIA

LOVE TO LOVE MUSICALE

SUNSHINE DIZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with