^

PSN Showbiz

Franco Laurel, makabagong Joseph The Dreamer

KWENTONG SHOWBIZ - Ernie Pecho -
Nakakatuwang masaksihan ang papalaking publiko ng mga musical stage plays. Over the years, simula pa noong Dekada ’60, mahilig na kaming manood ng mga ganitong palabas. Noong mga taong ‘yon tunay na maliit pa lamang at piling-pili ang mga nanonood nito.

Kahit sabihin pang ubod ng ganda ang mga tinanghal ni Fr. James Reuter sa Fleur De Lis auditorium sa St. Paul’s Manila, limitado lang talaga ang audience. Doon namin napanood ang mga sumisibol na talentong sina Celeste Legaspi, June Keithley, Jeanne Young at Robert Arevalo, sa mga musicals tulad ng Showboat at South Pacific.

Nang pumasok naman sa eksena ang Jesus Christ Superstar at Godspell sumulpot ang mga singing rock stars tulad ni Boy Camara at ang opera singer na ngayong si Dodo Crisol. Naging tampok din si Christopher de Leon sa isang version ng Godspell at They’re Playing Our Song. Pero hindi pa rin masasabing lumaki na ang crowd para sa ganitong tunay na magagandang palabas.

Sa henerasyon ng mga artista sa entablado ngayon, naging higit na maswerte sila, dahil marami na talaga ang mga tumatangkilik sa kanilang palabas.

Noong Huwebes nga ng gabi ay kabilang kami sa nakipagsiksikan sa SM Megamall Cinema 4 upang panoorin ang bagong version ng Joseph The Dreamer, directed by the ever reliable man of the theater na si Freddie Santos.

Buti na lang may isang theater group na tulad ng Trumpets na patuloy na nagdudulot sa atin ng maganda at makabuluhang mga stage musicals tulad ng Joseph The Dreamer, na malapit nang mag-dalawang dekadang itinatanghal sa ating bansa.

Napanood ko ang mga gumanap sa title role ng Joseph tulad nina Audie Gemora, Carlo Orosa at pati na ang 10th anniversary version nito featuring Gary Valenciano. Bumili pa nga ako ng t-shirt na hanggang ngayon ay buhay pa.

Naiiba ang kasalukuyang version ni Freddie Santos ng Joseph The Dreamer, bida si Franco Laurel. Mahusay naman nagampanan ni Laurel ang very familiar na role sa isang very familiar na story na ilang beses na natin napanood, nabasa o narinig.

Iba ang personalidad ni Franco Laurel, kaya’t iba ang naging treatment niya sa kasalukuyang Joseph o Joey. Meron pang hip hop dancing, gymnastics at iba pang nakatutuwang pagkilos ang pinakita ng buong cast sa bagong Joseph The Dreamer.

Kaya naman ang maraming mga batang nakita ko sa audience ay super enjoy sa buong palabas. Mahusay si Raymond Concepcion (tatay ng Little Big Star champion na si Sam) bilang Jacob, ang ama ni Joseph sa istorya.

Kahit ilang ulit ninyong panoorin ang bagong Joseph The Dreamer, hindi kayo magsasawa at mag-e-enjoy kayo palagi. Patuloy na itatanghal ito sa SM Megamall Cinema 4 sa Setyembre 3, 8, 9, 10, 15, 16, 17, 22, 23, 24, 29 at 30. Pwedeng tumawag sa 635-4478 at 636-2842 for further inquiries. Very affordable ang tickets, kaya’t pwede ninyong dalhin ang buong pamilya.

AUDIE GEMORA

BOY CAMARA

CARLO OROSA

CELESTE LEGASPI

DODO CRISOL

FRANCO LAUREL

FREDDIE SANTOS

JOSEPH

MEGAMALL CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with