^

PSN Showbiz

Pumunta ng libre sa New York!

- Veronica R. Samio -
Sa pagtatapos sa susunod na linggo ng I Luv NY ng GMA Network, magkakaro’n ito ng engrandeng Big Apple finale, pwede ring manalo ang isang manonood ng palabas ng isang libreng biyahe sa New York na kung saan ay matagal na nag-shoot ang serye.

Trip for two sa New York na may kasamang $1,000 na pocket money. Alamin ang mechanics at kung paano makakasali sa texting promo na ito.

Kailangan lang manood Lunes hanggang Biyernes at i-text ang sagot sa trivia questions. Sa SOP sa Linggo, malalaman kung sino ang mananalo.

Sa susunod na linggo, malalaman na kung may resolusyon ang kaguluhang nagaganap sa buhay at pag-ibig nila Polly (Jolina), Albert (Marvin), Natalie (Jennylyn) at Baste (Mark). Matalo kaya ni Polly si Chi Chi (Arnel), ang pinakamatindi niyang kumpetisyon sa big time fashion show? At ligtas na kaya si Albert sa kanyang sakit? Matuloy kaya ang kasal nina Natalie at Seb (Alfred)? Masasagot lahat ito ngayong linggo.

Samantala, nakatakdang mapanood na sa Miyerkules, Setyembre 6 ang Eternity na kung saan ay tampok ang tambalan nina Mark at Jennylyn at ang isa pang tambalan nina Iza Calzado at Dingdong Dantes. Matatandaang, inurong ni Mother Lily ang playdate ng kanyang pelikula para hindi sila magkasakitan ng Star Cinema na ipinalabas naman ang You Are The One nina Sam Milby at Toni Gonzaga.

Napaganda pa ang Eternity dahil nag-reshoot si direk Mark Reyes ng ilang mga eksena na inaakala niyang kailangan pa ng konting kilig sa mga eksena ng dalawang magkapareha.
* * *
Matanda na siguro talaga ako dahil nung Miyerkules ko lang nakilala ang Callalily na isa palang banda na popular sa mga bagets. Naimbita ako sa launching ng grupo na akala ko ay isang teleserye ang ilulunsad. Nagalit pa ako dahil medyo ako na-vertigo sa lakas ng sigawan na sumalubong sa Callalily nang ipakilala na sila at sa patay sindi ng mga ilaw habang hinihintay silang makapasok ng stage.

Di naman masyadong maingay ang tunog ng banda at good looking lahat ng myembro na pawang mga mag-aaral sa mga pangunahing unibersidad sa Maynila.

Di pangalan ng bulaklak ang pangalan nila kundi pangalan ng tinapay na kinain nila minsan sa isa nilang rehearsal. Nasarapan sila sa tinapay kaya tinanong ang nagluto nito kung ano ang pangalan at Callalily nga raw.

Isa nang recording artist ang grupo ng Sony BMG, ang debut album nila ay pinamagatang "Destination XYZ" na lahat ng kantang nakapaloob ay gawang lahat ng myembro (Kean Cipriano, 18, vocals; Aaron Paul Ricafrente, 19, bass; Tatsi Jamnaque, 18, guitars; Alden Acosta, 17, guitars at Lemuel Belaro, 19, drums). Tulad ng "Stars" ni Lemuel na nag-no. 1 sa MYX. Siya rin ang sumulat ng "Magbalik", at "Pasan", adaptation ng "Footprints in the Sand". Kontribusyon naman ni Kean ang "Kung Kaya Ko Lang", "Sanctuary", "Cool Off", "Yakap" at "Take My Hand". Ang babaeng bumigo naman sa puso ni Alden ang naging inspirasyon niya sa pagsulat ng "The Final Song" at "Insane".

Bawa’t kopya ng album ng Callalily ay may kasamang dog tag sa mga Odyssey at O Music stores.
* * *
[email protected]

AARON PAUL RICAFRENTE

ALDEN ACOSTA

BIG APPLE

CALLALILY

CHI CHI

COOL OFF

DINGDONG DANTES

FINAL SONG

NEW YORK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with