Imbes na tumulong na ayusin ang kaso ng kapatid, Jericho tinakot pa ang babaeng naanakan ni Jeremiah!
August 31, 2006 | 12:00am
Tinawagan ni Jericho Rosales at ng Ate Lot niya si Ethel Gonowon, ang ex-girlfriend ni Jeremiah Rosales na ina ng dalawa niyang anak na sina Justine Angelo Rosales, 4 na taon at Juliana Rosales, 1 taong gulang dahil natanggap na raw nila ang demand letter na ipinadala sa kanila ng legal counsel na si Atty. Rizal Balbin.
Imbes na makipag-areglo sina Echo at ate Lot niya kay Ethel ay kung anu-ano raw ang masasakit na salitang sinabi sa ina ng dalawang bagets.
"Tinatakot pa po nila ako, sabi nila, ako raw ang idedemanda nila, kapag kinasuhan ko si Jeremiah. Sabi ko, ang hinihingi ko lang ay para sa mga bata dahil nangako si Jeremiah na magbibigay siya, P6 thousand na nga lang para sa dalawang bata, hindi pa niya magawa?
"Ang sabi po nila, ibigay ko na lang sa kanila ang dalawang bata at sila na ang bahala, ano ba ako, sira ulo na ipamimigay ko ang mga anak ko?" galit na galit na tinig ni Ethel nang makausap namin kahapon.
E, bakit hindi si Jeremiah ang tumawag at makipag-usap sa kanya, bakit si Echo?
"Ewan ko po," sambit pa sa amin.
To make the story short, ayaw magbigay ng sustento ang mga Rosales sa magkapatid na Justine Angelo at Juliana kayat tuloy ang demanda.
"Nakakainis pa po dahil sabi ng ate Lot ni Jeremiah, gagamitin daw nila ang lahat ng kuneksyon nila para ako ang madiin. Ako na nga ang inapi. Mga anak ko ang kinakawawa, ako pa ang gusto nilang madiin," malungkot pang sabi ni Ethel.
At mukhang hindi lang si Jeremiah ang kakasuhan ni Ethel kundi ang mommy Rose Rosales din ng magkakapatid dahil may ginawa raw itong hindi maganda sa kanya.
"Akala ko po, magmo-malling lang kami nina mommy Rose kasama yung isang katulong nilang si Liza nung November 2004 yun pala, dinala ako sa isang clinic sa NGI, Parang Marikina, lying-in po yun gusto pong ipalaglag ko yung pangalawa naming anak, tatlong buwang buntis po ako.
"Nagpupumiglas po ako, pero malakas sila at dinugo ako. Fourteen thousand nga po ang nagastos nila. Buti na lang malakas ang kapit ng bata at nabuhay ang anak ko, daming dugo ang nawala sa akin, na-confine pa ako. Ipinanganak ko siya ng May 2005 sa awa ng Diyos, wala naman pong diperensiya si Juliana ko.
"Ideya po ito ng mommy ni Jeremiah at alam din niya, ayaw ko po sanang ilabas ito pero sobra na sila sa trato nila, kaya nabanggit ko na po ito kay Atty. Balbin at criminal case ang ikakaso sa mommy ni Jeremiah," detalyadong kwento sa amin ni Ethel Gonowon.
Shocking to the max ang rebelasyong ito ng ex-girlfriend ni Jeremiah, kailangan pa bang humantong sa ganitong usapin para lumabas sa publiko ang hindi dapat?
Papayagan din ba ni Jericho na masira ang pangalan ng pamilya nila sa halagang anim na libo lang?
Bumilib naman kami kay Roxanne Guinoo nang makausap namin sa presscon ng Crazy For You sa 9501 last Tuesday night dahil very apologetic siya kay Shaina Magdayao at sa pamilya nito dahil nadadamay daw siya sa isyu nila ni Joross Gamboa.
"Gusto ko pong i-clear na hindi po kasali si Shaina sa paghihiwalay namin ni Joross, wala po siyang kinalaman sa gulo namin, hindi namin close si Shaina kaya hindi po siya dapat idawit.
"Nakakahiya naman po kay Shaina at sa family niya dahil nadamay siya, wala pong katotohanan yun.
"Nagkaroon po kami ng isyu noon ni Shaina, pero okey na kami, nagbabatian na pero hindi kami close. Sana huwag na siyang idamay.
"Personal po ang problemang pinaghiwalayan namin ni Joross pero okey na kami ngayon dahil nag-usap na kami at mutual decision na mag-part ways kami.
"Im moving on now and siya rin. I think hes okey at ganun din ako. Aaminin ko na umiyak ako dahil nasaktan ako, first boyfriend ko at first love ko si Joross, in time siguro pupwede na akong mag-entertain ng suitors," mahabang paliwanag ni Roxanne.
Maganda ang ginawa sa kanila ng Star Magic dahil pinaghiwalay sila sa projects like si Joross ay nasa Rounin at si Roxanne ay nasa Crazy For you with a new loveteam, si John Pratts na mukhang type ang dalaga dahil lahat pala ng qualities nito ay gusto niya at take note, knows ni John ang ugali ni Roxanne dahil matagal na raw niya itong ino-obserbahan. Reggee Bonoan

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended