LJ, inamin na si Alfred!
August 31, 2006 | 12:00am
Nakausap ko si LJ Reyes sa 5th anniversary ng Sis at tinanong kung bakit umamin na sila ng nobyong si Alfred Vargas.
"Hindi naman po ako nag-deny nang tanungin kung totoong may relasyon kami ni Alfred. Pero, nitong Agosto ko lang siya sinagot. Napag-kasunduan naming dalawa na huwag nang itago ang relasyon namin dahil wala namang masama. Mabait si Alfred, malambing at concerned talaga sa akin. Tinutulungan niya ako sa aking trabaho bilang artista at higit sa lahat, sa aking pag-aaral. Isa pa, boto sa kanya ang mommy ko at maganda rin ang pakikitungo sa akin ng kanyang pamilya," anang aktres.
Inamin din ni LJ na may bahagyang kirot sa puso kapag nalamang may passionate kissing scene ang nobyo sa ibang kapareha gaya ni Katrina Halili sa pelikulang Gigil.
"Normal naman na magselos ako dahil mahal ko si Alfred kaya lang, kailangang intindihin ko ang trabaho ng isang artista," sey pa nito.
After I Luv NY ay naghihintay pa ng bagong project si LJ.
Inamin ni Direk Louie Ignacio na isa siyang disciplinarian. Galit siya sa mga artistang nali-late sa taping at pinaghihintay ang mga kasamahan nito. Mas mabuti pa nga ang mga sikat na artista dahil professional sila at walang kaere-ere kumpara sa mga baguhang artista ngayon.
"Talagang naninigaw ako kapag na-late ang artista ko. Walang super-superstar sa akin. Gusto ko kasi silang matuto at bigyan ng halaga ang kanilang mga trabaho. Kaya makikita mo na ang ibang artista ay nami-maintain ang kasikatan dahil mahal nila ang kanilang trabaho. Yung iba akala moy wala nang katapusan ang kasikatan kaya hindi minahal ang trabaho. O, nasaan na sila ngayon?" anang director.
Sa mga kabataang artista, saludo si Direk Louie kina Mark Herras, Jennylyn Mercado at Marky Cielo dahil mahal nila ang trabaho nila.
Bukod sa Sis na nagdiwang ng 5th anniversary ngayon, siya pa rin ang director ng Pinoy Pop Superstar, Mel & Joey, SOP Gigsters at I Luv NY.
Isa sa produkto ng StarStruck 3 si Rea Nakpil. Nang magdiwang ito ng kanyang 17th birthday, halos lahat ng mga kasamahang artista sa kanyang batch ay dumating.
"Sana narito si Daddy para makapiling ko. Nasa Japan ito at dun nagtatrabaho at siyam na taon na kaming hindi nagkikita. Tuluy-tuloy naman ang komunikasyon namin. Wish ko na sanay dumalo siya sa aking debut next year," aniya.
Mainstay si Rea ng Posh ng QTV 11 at paboritong i-guest sa Maynila at SOP Gigsters. Model siya ni Rusty Lopez dahil bukod sa maganda ay matangkad pa rin ito. Pangarap niyang maging stewardess kaya lang inagaw siya ng showbiz.
Galit na galit ang isang director sa isang young actress, pinaghintay nito ang maraming tao kabilang na ang mga beteranong artista.
Late nang dumating sa taping ang aktres at nang tanungin kung bakit siya late ay sinabi nitong "Nagpa-foot spa pa kasi ako."
Lalong naimbyerna ang director kaya sinermunan ang pasaway na aktres.
"Hindi naman po ako nag-deny nang tanungin kung totoong may relasyon kami ni Alfred. Pero, nitong Agosto ko lang siya sinagot. Napag-kasunduan naming dalawa na huwag nang itago ang relasyon namin dahil wala namang masama. Mabait si Alfred, malambing at concerned talaga sa akin. Tinutulungan niya ako sa aking trabaho bilang artista at higit sa lahat, sa aking pag-aaral. Isa pa, boto sa kanya ang mommy ko at maganda rin ang pakikitungo sa akin ng kanyang pamilya," anang aktres.
Inamin din ni LJ na may bahagyang kirot sa puso kapag nalamang may passionate kissing scene ang nobyo sa ibang kapareha gaya ni Katrina Halili sa pelikulang Gigil.
"Normal naman na magselos ako dahil mahal ko si Alfred kaya lang, kailangang intindihin ko ang trabaho ng isang artista," sey pa nito.
After I Luv NY ay naghihintay pa ng bagong project si LJ.
"Talagang naninigaw ako kapag na-late ang artista ko. Walang super-superstar sa akin. Gusto ko kasi silang matuto at bigyan ng halaga ang kanilang mga trabaho. Kaya makikita mo na ang ibang artista ay nami-maintain ang kasikatan dahil mahal nila ang kanilang trabaho. Yung iba akala moy wala nang katapusan ang kasikatan kaya hindi minahal ang trabaho. O, nasaan na sila ngayon?" anang director.
Sa mga kabataang artista, saludo si Direk Louie kina Mark Herras, Jennylyn Mercado at Marky Cielo dahil mahal nila ang trabaho nila.
Bukod sa Sis na nagdiwang ng 5th anniversary ngayon, siya pa rin ang director ng Pinoy Pop Superstar, Mel & Joey, SOP Gigsters at I Luv NY.
"Sana narito si Daddy para makapiling ko. Nasa Japan ito at dun nagtatrabaho at siyam na taon na kaming hindi nagkikita. Tuluy-tuloy naman ang komunikasyon namin. Wish ko na sanay dumalo siya sa aking debut next year," aniya.
Mainstay si Rea ng Posh ng QTV 11 at paboritong i-guest sa Maynila at SOP Gigsters. Model siya ni Rusty Lopez dahil bukod sa maganda ay matangkad pa rin ito. Pangarap niyang maging stewardess kaya lang inagaw siya ng showbiz.
Late nang dumating sa taping ang aktres at nang tanungin kung bakit siya late ay sinabi nitong "Nagpa-foot spa pa kasi ako."
Lalong naimbyerna ang director kaya sinermunan ang pasaway na aktres.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended