^

PSN Showbiz

Gusto ng Aussie na makatambal si Jericho!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Nainterbyu namin ang ilang dayuhang scholar sa Pinoy Dream Academy. Una na si Gemma Fitzgerald (New South Wales, Australia). Mahilig talaga ito sa pag-awit, pag-sayaw, pag-arte kaya masasabing isang total performer. Hindi gaanong marunong sa Tagalog ang dalaga kahit Pinay ang ina. Ang kanyang ama ay isang Australian. May TFC sila kaya nang malaman ng kanyang ina ang pagbubukas ng Pinoy Dream Academy ay pinag-audition nito si Gemma sa Australia.

Nag-audition din ito sa Miss Saigon Australia pero nauna siyang natanggap sa PDA. Nag-aaral ito sa Newtown School of Performing Arts at tumuntong ng unang taon sa Business Administration. Pero gusto niyang kumuha ng medisina balang araw.

Nang makapasa sa audition at final interview sa pamumuno ni Direk Lauren Dyogi ay nakipag-compete siya sa Cebu at out of 38 semi-finalist ay pumasok siya sa 20 scholars.

"I was overwhelmed and very happy. People are very warm, friendly in this country unlike in Australia. Even though you are famous they won’t notice you even you’re on television everyday," aniya.

Nakasali na ito sa singing competition na Australian Idol 2003 at pumasok siya sa top 75. Seventeen lang siya nun at pinakabata sa mga kandidata.

Paborito niya si Jericho Rosales at kapag may offer ay gusto niyang makapareha ito. Nami-miss nito ang kanyang mommy dahil dalawa lang silang magkapatid at bilang panganay, close siya sa ina.
Fatima Irish Fullerton (California, USA)
Marunong ng Tagalog si Irish dahil gamit nila ang wikang ito sa kanilang bahay. Pinay ang ina nito na tubong Pangasinan at German naman ang ama. Kumukuha siya ng nursing sa umaga at nagtatrabaho bilang server sa isang malaking restoran sa hapon hanggang gabi.

May passion siya sa musika at mahilig kumanta kahit noong bata pa. Umiyak ito nang hindi makapasok sa final round ng American Idol sa San Francisco audition. Napaiyak naman siya sa katuwaan nang malamang patungo siya ng Maynila para sa Pinoy Dream Academy.
Michelle Bond (Amsterdam, Netherlands)
Nagtatrabaho si Michelle bilang hotel front desk officer. Nagpi-perform din sila sa Amsterdam dahil mayroon siyang group of dancers. Nakapag-show na rin sila sa Germany at Holland. Pero hindi naman ito madalas. Ang pangalan ng kanilang grupo ay Minh-Zone All Stars.
Jun Hirano (Totiori-Ken, Japan)
Hindi marunong ng English si Jun at konti lang ang naiintindihan nito kapag paisa-isang salita ang sinasabi sa kanya.

Mahilig siya sa musika at nakakapagsulat na ng mga awitin mula pa noong third grade. Tinuturuan naman siya ng Tagalog ng Pinay na mommy pero talagang nahihirapan siya sa wikang ito. Natuto siyang tumugtog ng gitara at drums sa sariling sikap.

Sinabi nitong may girlfriend na siya kaya pipilitin niyang hindi ma-in love sa kasamahang babae sa Academy. Gusto niyang malaman ang maraming bagay tungkol sa Pilipinas at maging matagumpay sa larangan ng musika.

AMERICAN IDOL

AUSTRALIAN IDOL

BUSINESS ADMINISTRATION

DIREK LAUREN DYOGI

DREAM ACADEMY

FATIMA IRISH FULLERTON

PINAY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with