^

PSN Showbiz

Bago si Kim, may naunang crush na si Gerald!

- Veronica R. Samio -
Inamin ni Gerald Anderson na bago si Kim Chui ay si Niña Jose ang crush niya na ka-triangle naman nun sa Pinoy Big Brother nina Boom Romana at Fred Payawan. Totoo man o hindi ang nasabing triangle, the three have remained friends hanggang ngayon.

Eighteen na si Niña pero, sa halip na magkaro’n ng malaking party, mas minabuti niyang itago na lamang ang pera na dapat sana ay gastusin niya sa kanyang debut. Happy na siya na nakasama ang family & friends niya nung birthday niya last Aug. 26.

Endorser si Niña ng Penshoppe at nasa cast ng Pedro Penduko kasama ang isa pang PBB housemate na si Matt Evans.

Balak ni Niña na kumuha ng kursong European Studies sa La Salle.
* * *
Si Manny Pacquiao ang tuwang-tuwa sa victory ni Jennifer Bautista sa World Championship of the Performing Arts (WCOPA) na ginanap sa Hollywood, Calif. nung Aug. 5-15.

Anim na karangalan (3 gold, isang bronze at 2 plaques) ang nakamit ni Jennifer na itinuturing ni Manny na kanyang lucky charm. Kung natatandaan n’yo, si Jennifer ang umawit ng Pambansang Awit ng Pilipinas sa laban nito kay Erik Morales sa Las Vegas. Ngayon ay pareho na silang world champions.

Binati ni Pacquiao si Jennifer na apo ni dating senador Ramon Revilla, Sr. sa pamamagitan ng telepono.

Bahagi ng tagumpay ni Jennifer ang kanyang arranger na si John Garcia.
* * *
Isa sa mga baguhang artista na hahangaan sa Twilight Dancers na nakatakdang ilahok sa maraming filmfests sa abroad ay ang 1st runner-up sa Close-Up To Fame 1 ng ABSCBN na si Kris Martinez. Bukod sa talagang may pigura ito ay magaling pa sa macho dancing. Marami sa nakapanood ng pelikula ang nagsasabing parang professional macho dancer ito kung gumalaw.

Sa Twilight Dancers, magkaibigan sila ni Tyron Perez na nakatakdang pumalit sa mga nalalaos ng macho dancer sa club na kanilang pinaglilingkuran.

Bagaman at maganda ang role ni Kris sa Twilight Dancers, sa pelikula ni Gil Portez na Barcelona siya pormal na makikilala. Introducing siya rito bilang asawa ni Alessandra de Rossi. Regular cast din siya sa Super Inggo, bilang boytoy o boylet ni Nova Villa. Kapamilya na rin siya nina Alfred Vargas, Jericho Rosales at Dion Ignacio sa Walker Underwear.
* * *
Twenty years old na si Rachelle Ann Go ngayon. May Blow Out concert siya ngayong gabi sa Virgin Cafe na kung saan ay kakantahin niya ang pinaka-bago niyang single, ang "Bakit" na kinompos para sa kanya ng dating child actor na si Chuckie Dreyfuss. Pangatlong awitin ito na lumabas sa kanyang "I Care" album.
* * *
[email protected]

vuukle comment

ALFRED VARGAS

BLOW OUT

BOOM ROMANA

CENTER

CLOSE-UP TO FAME

DION IGNACIO

JENNIFER

TWILIGHT DANCERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with