^

PSN Showbiz

Umalis ng air force dahil sa showbiz!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Ang karate champion ng Pinoy Big Brother na si Gretchen Malalad ay gusto nang mag-concentrate sa showbiz kaya nag-resign na sa air force. Isa siya sa apat na regular teachers sa Pinoy Dream Academy. Magtuturo ito ng physical fitness sa 20 scholars ng PDA. Kasama niya si Jim Paredes na magiging headmaster or principal, Moy Ortiz ng The Company para sa music and voice lessons samantalang dance instructress naman si Maribeth Bichara.

Ayon kay Director Lauren Dyogi, napili nila si Gretchen na magturo ng physical fitness dahil talagang nagtuturo ito ng martial arts at taebo sa mga sundalo sa Villamor air base.

"The curriculum I prepared is suited to the needs of the PDA students. More on cardio exercises for them," says Gretchen.
Takbuhan Si Rustom Kapag May Problema
Inamin ni Keanna Reeves na hindi pa rin nagbabago ang pagiging bestfriends nila ni Rustom Padilla. Hanggang ngayon ay mayroon pa rin silang komunikasyon kahit abala ang dalawa sa showbiz commitment.

Nang maintriga ang aktres sa modelong si Andrew Wolfe kung saan sinabing ginagatasan siya ng nobyo at parang bad girl ang naging dating niya sa lahat at si Rustom ang napaghihingahan niya ng lahat ng sama ng loob.

"Sabi niya (Rustom) sa akin ay huwag kong intindihin ang intriga at mga negatibong isyu dahil lalamig din yun. Maghinay-hinay daw ako pagdating sa pag-ibig. Kaya minabuti kong hiwalayan na lang si Andrew. Higit sa lahat, nagdarasal ako sa EDSA Shrine at naniniwala ako sa kabutihan ng Our Lady of Guadalupe dahil pinapagaan niya ang kalooban ko kapag may problem, kaya matibay ang paniniwala ko sa kanya," aniya.

Bida si Keanna sa Binibining K at nakalinya na ang Reyna ng Viva Films.
Kakaibang Talino Ni Nikki Gil
Sa nakaraang 20 yrs. ay nanatiling paborito ng makabagong henerasyon ang Penshoppe. Kaya naman di kataka-taka kung maging mag-partner ang Penshoppe at ang latest prime time reality show na Pinoy Dream Academy.

Ang Penshoppe din ang magiging official clothing partner ng PDA kung saan ang Club Pen na si Nikki Gil ang magiging host sa weekday run.

Higit na maganda ngayon si Nikki. Kakaiba rin ang talino niya. Nang magtapos ng high school ay nakatanggap siya ng dalawang highest honor bilang valedictorian– The Gloria Macapagal Arroyo Presidential Award for Academic Excellence at The Gloria Macapagal Arroyo Award for Leadership.
Blind Item: Sikat Na Banda, Nag-Walk-Out Sa Concert
Naisyete ng aking source na isang sikat na banda na tatawaging A ang magsisilbing front act ng pamoso ring banda (Banda B). Maloko raw ang manager ng bandang magko-concert dahil napaglaruan ang front act na banda. Habang nagre-rehearsal sila sa venue ng concert dahil maaga pa naman ay inaasar ng manager ng Banda B ang grupo ng Banda A kung saan iniiba-iba nito ang sound system.

Sa inis ng magpo-front act na banda ay nag-walk-out na lang sila dahil di matagalan ang pang-aasar ng manager ng bandang B na sikat na sikat ngayon.

ACADEMIC EXCELLENCE

ANDREW WOLFE

ANG PENSHOPPE

BANDA

BANDA A

BANDA B

BINIBINING K

BLIND ITEM

DREAM ACADEMY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with