Cesar, pinalitan ang totoong apelyido
August 28, 2006 | 12:00am
Manhilot ang tunay na apelyido ni Cesar Montano pero ngayon ay legal nang gamit ni Cesar at ng kanyang pamilya ang Montano dahil pina-legalize na niya ito. Bukod kay Cesar, ang kanyang misis na si Sunshine Cruz at mga anak nila ay pare-parehong Montano na ang apelyidong dala-dala.
Sa isang taon pa ang halalan pero maugong ang balita na papasukin na rin umano ni Buboy (Cesar) ang mundo ng pulitika. Hindi man niya ito tahasang dinenay, sinabi nito na mukhang malabo dahil marami siyang projects na sisimulan sa isang taon.
Samantala, kasalukuyang tinatapos ni Buboy ang pelikulang Ligalig kung saan niya mga kabituin sina Sunshine Cruz, Johnny Delgado, Celia Rodriguez, Carlo Aquino, Rebecca Lusterio at iba pa. Si Buboy rin ang director nito.
Bale comeback movie ni Sunshine ang Ligalig at may isa pa siyang digital movie na tinatapos ngayon sa ilalim ng Unitel Pictures, ang Inang Yaya na pinagsasamahan nila ni Maricel Soriano na pinamamahalaan naman ng TV commercial director na si Pablo Biglang-Awa.
Mukhang nakapag-move on na ang ex-boyfriend ni Pops Fernandez na si Brad Turvey dahil nakahanap na ito ng bagong girlfriend sa katauhan ng ex-girlfriend nina Luis Manzano at Paolo Contis na si Nancy Castiglione.
Inamin mismo ni Brad na girlfriend na niya si Nancy.
Pagkatapos ma-link kina JC de Vera, Mark Herras at Keempee de Leon, kay Marvin Agustin naman nali-link ngayon ang magandang si Pauleen Luna.
Hindi ikinakaila ni Marvin na dumadalaw siya lately kina Pauleen at marangal umano ang kanyang intention sa dalaga kaya niya ito dinadalaw sa bahay.
Bukod kay Pauleen, inspired si Marvin dahil sa kanyang one-year-old twins na sina Santiago at Sebastian at sa magandang takbo ng kanyang career at mga negosyo.
Samantala, showing pa rin hanggang ngayon ang horror-comedy movie na Oh My Ghost na pinagtatambalan nila ng sexy star na si Rufa Mae Quinto na dinirek ni Tony Y. Reyes sa ilalim ng OctoArts Films.
Nakatakda naman niyang simulan ang Short Time na ididirek ni Joey Javier Reyes sa ilalim ng Virgin Films habang malapit na ring magtapos ang I Luv NY nila nina Jolina Magdangal, Jennylyn Mercado at Mark Herras.
Si Benjie Paras ang ispesyal na panauhin bukas (Martes) ng gabi ng TV sitcom na Bahay Mo Ba To na pinagbibidahan nina Ronaldo Valdez, Tessie Tomas, Wendell Ramos, Gladys Reyes, Keempee de Leon, Mike `Pekto Nacua, Sherilyn Reyes, Sunshine Dizon, Francine Prieto, Dino Guevarra at iba pa mula sa direksiyon ni Al Quinn.
Hindi nakikialam ang magkapatid na Danica at Oyo Boy Sotto sa mga nakakarelasyon ng kanilang amang si Vic Sotto in the same manner na hindi rin naman nakikialam ang kanilang ama sa kanilang respective lovelife.
Ayaw mag-comment ni Oyo Boy sa bagong girlfriend ng kanyang daddy na si Pia Guanio. Kung saan umano masaya ang kanyang ama ay masaya rin siya para rito.
Although matagal nang annulled ang kasal ni Vic sa kanyang ex-wife na si Dina Bonnevie, wala pa rin itong ibang babaeng pinapakasalan. Bago si Pia Guanio, matagal ding nakarelasyon ni Vic ang anak ni Director Danny Carbrera na si Pia.
Speaking of Vic, malapit na rin nitong simulan ang ikatlong yugto ng Enteng Kabisote na muli nilang pagtatambalan ni Kristine Hermosa mula pa rin sa direksiyon ni Tony Y. Reyes at joint production ng OctoArts Films at M-Zet Productions.
E-mail: [email protected]
Sa isang taon pa ang halalan pero maugong ang balita na papasukin na rin umano ni Buboy (Cesar) ang mundo ng pulitika. Hindi man niya ito tahasang dinenay, sinabi nito na mukhang malabo dahil marami siyang projects na sisimulan sa isang taon.
Samantala, kasalukuyang tinatapos ni Buboy ang pelikulang Ligalig kung saan niya mga kabituin sina Sunshine Cruz, Johnny Delgado, Celia Rodriguez, Carlo Aquino, Rebecca Lusterio at iba pa. Si Buboy rin ang director nito.
Bale comeback movie ni Sunshine ang Ligalig at may isa pa siyang digital movie na tinatapos ngayon sa ilalim ng Unitel Pictures, ang Inang Yaya na pinagsasamahan nila ni Maricel Soriano na pinamamahalaan naman ng TV commercial director na si Pablo Biglang-Awa.
Inamin mismo ni Brad na girlfriend na niya si Nancy.
Hindi ikinakaila ni Marvin na dumadalaw siya lately kina Pauleen at marangal umano ang kanyang intention sa dalaga kaya niya ito dinadalaw sa bahay.
Bukod kay Pauleen, inspired si Marvin dahil sa kanyang one-year-old twins na sina Santiago at Sebastian at sa magandang takbo ng kanyang career at mga negosyo.
Samantala, showing pa rin hanggang ngayon ang horror-comedy movie na Oh My Ghost na pinagtatambalan nila ng sexy star na si Rufa Mae Quinto na dinirek ni Tony Y. Reyes sa ilalim ng OctoArts Films.
Nakatakda naman niyang simulan ang Short Time na ididirek ni Joey Javier Reyes sa ilalim ng Virgin Films habang malapit na ring magtapos ang I Luv NY nila nina Jolina Magdangal, Jennylyn Mercado at Mark Herras.
Ayaw mag-comment ni Oyo Boy sa bagong girlfriend ng kanyang daddy na si Pia Guanio. Kung saan umano masaya ang kanyang ama ay masaya rin siya para rito.
Although matagal nang annulled ang kasal ni Vic sa kanyang ex-wife na si Dina Bonnevie, wala pa rin itong ibang babaeng pinapakasalan. Bago si Pia Guanio, matagal ding nakarelasyon ni Vic ang anak ni Director Danny Carbrera na si Pia.
Speaking of Vic, malapit na rin nitong simulan ang ikatlong yugto ng Enteng Kabisote na muli nilang pagtatambalan ni Kristine Hermosa mula pa rin sa direksiyon ni Tony Y. Reyes at joint production ng OctoArts Films at M-Zet Productions.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended