^

PSN Showbiz

Gary V., kaya nang tapatan ng mga anak

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -
Tuloy pa rin ang intriga kina Ogie Alcasid at Michelle Van Eimeren. Para bang hinihintay ng lahat ang tuluyang paghihiwalay nila Ogie at Michelle. Sanay naman si Ogie sa intriga pero ang inaalala lang niya ay ang kapakanan ng kanyang mga anak. Ayaw siyempre ni Ogie na masaktan ang mga ito.

Kung anuman yung problema nila Ogie at Michelle, ipaubaya na lang natin ito sa kanila. Sabi nga ni Ogie, ibalato na lang natin ito sa kanya at sa kanyang pamilya lalo na sa kanyang mga anak. Mahal na mahal ni Ogie ang kanyang mga anak.

Pagkaganda-ganda pa naman ang ipinagawa nitong bahay sa Australia at panay din naman ang uwi nito roon.

Pagbigyan na lang natin ang kahilingan ni Ogie!
* * *
Matagumpay ang show ni Gary Valenciano nung Biyernes ng gabi sa Music Museum. As usual punung-puno ang venue. Hindi lang ang kaarawan ni Gary ang ipinagdiwang kundi maging ang b-day ng asawa niyang si Angeli sa nasabing concert. Pagkatapos ng show ay nagkaroon pa ng konting salu-salo para sa kanilang kaarawan.

Dumating sila Jericho Rosales at Heart Evangelista sa nasabing concert at naki-join din siyempre sa kainan ni Angeli.

Kinaugalian na ni Gary na magkaroon muna ng show dito sa bansa bago siya tuluyang tumulak papuntang US para sa kanyang mga singing engagement doon. Matatagalan uli bago siya masilayan ng mga kababayan natin dito sa bansa.

Sa Music Museum show ni Gary ay nag-perform ang anak niyang sina Kiana at Gabriel na may kanya-kanyang talent na ipinamalas na dati ay kasa-kasama lang ni Gary. At kung dati rin ay siya ang pinanonood ng mga ito, ngayon si Gary na ang nanonood sa kanyang mga anak habang nagpi-perform. Siyempre pa, namana ng mga ito ang kagalingan sa pagsayaw at pagkanta sa kanilang ama.
* * *
Mabuti naman at natapos na ang intriga kina Rufa Mae Quinto at Erik Santos. Kung bakit naman kasi pilit na inuungkat ang mga buhay-buhay ng ibang tao. At mas nakikita ang ibang tao samantalang hindi makita ang mga kani-kanilang deperensiya.

Bakit hindi na lang tayo maging masaya sa kaligayahan ng ibang tao? At maging kuntento sa anumang meron tayo sa buhay, eh di lahat magiging masaya.

ANGELI

ERIK SANTOS

GARY VALENCIANO

HEART EVANGELISTA

JERICHO ROSALES

KANYANG

LANG

OGIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with