Naka-orange uniform sa loob ng kulungan ang apat na Baywalk Bodies!
August 25, 2006 | 12:00am
GUAM, USA - Habang sinusulat namin ito ay nakakulong pa rin sa Department of Corrections Immigration Detention Facility sa Guam ang apat na myembro ng Baywalk Bodies na binubuo nina Clarissa Mercado, Jeanette Joaquin, Laxx Laurel at Palmolive Palma na inaresto nung nakaraang Huwebes, Agosto 18 sa kanilang tinutuluyang hotel sa Mai Ana Hotel. Ang apat ay nagtatrabaho sa Alindog Karaoke Lounge na pag-aari ni Zenaida Heidi Reyes sa isa rin sa mga inaresto for visa fraud at bribery of a public official pero siyay pinakawalan.
Tulad noon nina Alma Concepcion at Anjanette Abayari, naka-orange uniform sa loob ng kulungan ang apat na Baywalk Bodies kasama ang limang iba pang Pinay na nagmula sa Pilipinas na nagtatrabaho bilang GRO sa Alindog Karaoke Lounge.
Ang Immigration lawyer na si Atty. Nelson J. Xu ng LA Baumann & Associates ng Hagatna, Guam ang siyang nag-aasikaso ngayon sa agarang paglaya ng mga nakakulong na siyam na Pinay sa Guam. Tumutulong din ang Consul General ng Pilipinas sa Guam at ang businessman na si G. Emelio Uy.
Dahil sa tight ng aming schedule sa Guam, hindi na namin nakuha pang makipagkita pa sa dating sexy starlet na si Aila Marie na naka-base na sa Guam pero nagkaroon kami ng pagkakataon na makausap ito sa telepono.
Si Aila Marie ay may asawa na at tatlong anak. Isang diborsiyadong Pinoy policeman ang kanyang mister. Limang taon na ang kanilang panganay, four ang kasunod at 6 months naman ang bunso.
Hindi rin kami nagkaroon ng chance na makipagkita sa dating aktor at ex-boyfriend ni Rica Peralejo na si Bojo Molina na naka-base na rin sa Guam. Teacher ang misis ni Bojo at may anak na rin sila.
Hindi kumpleto ang aming pagbisita sa Guam kung hindi kami makikipagkita sa aming kaibigan at dating Zodiac Records hitmaker nung dekada 70 na si Rosalie Robles na sa Guam na rin naka-base magmula nung 1977. Divorced na si Rosalie sa una niyang mister na isang local sheriff. May anak siya sa kanyang unang mister, si Jay na 24 na ngayon at nagtapos ng Business Management sa University of Santa Clara sa Santa Clara, California.
Nagtatrabaho na ito ngayon sa Earns and Young auditing firm. Ang mister ngayon ni Rosalie ay isang telecom magnate sa Guam at may isa rin silang anak, si John (21) na senior student ng Computer Engineering & Business Management sa University of San Francisco.
Kay Rosalie namin nalaman na na-stroke ang dati niyang publicist, ang dating entertainment writer na si Mama Celso Sabiniano ng Paquil, Laguna na kanyang tinutulungan financially. Paralyzed na umano ang kalahating katawan ni Mama Cel sanhi ng stroke.
Isang warm welcome ang ibinigay ng Guam-based Filipino-Chinese businessman na si Emelio Uy sa mga visiting Filipino artists na sina Renz Verano, ang Aegis Band at ang Piccolo Band nung nakaraang Biyernes (Aug. 18) ng tanghali na ginanap sa Fiesta Resort Hotel na dinaluhan din ng First Lady ng Guam na si Gng. Joann Camacho at iba pang dignitaries ng Guam. Naroon din siyempre ang producers ng Royal Star Productions na sina Jemuel at Joan Luciano at si Gng. Flor Luciano, mga local media (radio, TV, print) at iba pang bisita.
Ginanap sa University of Guam Fieldhouse ang back-to-back major concert ng Aegis Band at Renz Verano at ang Piccolo Band naman ang nag-back-up kay Renz. Punum-puno ang nasabing gym at doon lamang nalaman na very strong pala ang following sa Guam ng Aegis at ni Renz. Sa sobrang tuwa ng audience, walang patid ang pagbibigay nila ng pera (US dollars) kina Renz at Aegis Band.
Pagkatapos ng matagumpay na back-to-back concert, extended ang kanilang stay sa Guam dahil may magkahiwalay silang side shows.
[email protected]
Tulad noon nina Alma Concepcion at Anjanette Abayari, naka-orange uniform sa loob ng kulungan ang apat na Baywalk Bodies kasama ang limang iba pang Pinay na nagmula sa Pilipinas na nagtatrabaho bilang GRO sa Alindog Karaoke Lounge.
Ang Immigration lawyer na si Atty. Nelson J. Xu ng LA Baumann & Associates ng Hagatna, Guam ang siyang nag-aasikaso ngayon sa agarang paglaya ng mga nakakulong na siyam na Pinay sa Guam. Tumutulong din ang Consul General ng Pilipinas sa Guam at ang businessman na si G. Emelio Uy.
Si Aila Marie ay may asawa na at tatlong anak. Isang diborsiyadong Pinoy policeman ang kanyang mister. Limang taon na ang kanilang panganay, four ang kasunod at 6 months naman ang bunso.
Hindi rin kami nagkaroon ng chance na makipagkita sa dating aktor at ex-boyfriend ni Rica Peralejo na si Bojo Molina na naka-base na rin sa Guam. Teacher ang misis ni Bojo at may anak na rin sila.
Nagtatrabaho na ito ngayon sa Earns and Young auditing firm. Ang mister ngayon ni Rosalie ay isang telecom magnate sa Guam at may isa rin silang anak, si John (21) na senior student ng Computer Engineering & Business Management sa University of San Francisco.
Kay Rosalie namin nalaman na na-stroke ang dati niyang publicist, ang dating entertainment writer na si Mama Celso Sabiniano ng Paquil, Laguna na kanyang tinutulungan financially. Paralyzed na umano ang kalahating katawan ni Mama Cel sanhi ng stroke.
Ginanap sa University of Guam Fieldhouse ang back-to-back major concert ng Aegis Band at Renz Verano at ang Piccolo Band naman ang nag-back-up kay Renz. Punum-puno ang nasabing gym at doon lamang nalaman na very strong pala ang following sa Guam ng Aegis at ni Renz. Sa sobrang tuwa ng audience, walang patid ang pagbibigay nila ng pera (US dollars) kina Renz at Aegis Band.
Pagkatapos ng matagumpay na back-to-back concert, extended ang kanilang stay sa Guam dahil may magkahiwalay silang side shows.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended