Actress, tsinitsismis ang kasama sa show
August 21, 2006 | 12:00am
Isang beses ay nagkita ang isang beteranang aktres at reporter sa mall. Tigas ng kwentuhan ng dalawa. Pinuri ng reporter ang kanyang balat dahil banat pa rin ito.
Biglang nag-dialogue ang beteranang aktres ng "Hindi yan nireretoke huh! Healthy living kasi ako. Hindi katulad ng isa kong kasama sa show na retokado ang mukha."
Visible pa rin sa telebisyon ang aktres at mainstay ng isang sitcom sa malaking network.
Idolo ng aming kaibigang si Mynne Mesa, account executive ng Solar Entertainment ang big winner ng Pinoy Big Brother Teen Edition na si Kim Chui kaya nag-request ito na sanay makita niya at makausap ng personal ang magandang young actress.
Walang taping sa Aalog-alog kaya ang napuntahan namin ay ang pagta-turn-over ng susi para sa bagong condo unit na natanggap niya sa PBB last August 16. Ang condo ay one-bedroom lang pero ang cute, fully-furnished at matatagpuan sa Chateau Valenzuela ng Barangay Lingunan. Nagkakahalaga ito ng more or less na P1.3 milyon.
"Ano ang feeling na meron ka nang condo unit?" tanong namin.
"Ang ganda po at ang cute-cute ng kuwarto. Magkakaroon na ako ng pahingahan kapag libre sa aking commitment," aniya.
Umuupa ng apartment sa Cubao si Kim kasama ang kanyang ama samantalang ang apat nitong kapatid ay naninirahan naman sa Cebu.
Gustong linawin ng ABS-CBN na wala na sa poder ng manager na si Jun Reyes ang alagang si Joross Gamboa. Wala namang awayang nangyari sa dalawa at mananatili naman ang kanilang mabuting pagkakaibigan. Ang mga magulang ni Joross ang nag-decide na ipa-manage na lang ang anak sa Talent Center.
"Noon kasing pumirma ako ng kontrata kay Kuya Jun ay menor de edad pa ako at di alam ng parents ko na sumali ako sa Star Circle Quest. Malaki naman ang naitulong sa akin ni Kuya Jun para makilala sa showbiz. Pero pwede pa rin akong kunin yun nga lang ipagpapaalam niya muna ako sa ABS-CBN," sey ng aktor.
Ratsada ang career ni Joross at halos wala na nga itong pahinga sa dami ng commitment. Minabuti niyang mag-cool off muna sila ng girlfriend na si Roxanne Guinoo para makapag-concentrate sa trabaho.
Sinabi ni Joross na mas marami silang bagay na pinag-aawayan ni Roxanne kaya minabuting maghiwalay muna ng landas.
Natutuwa kami para kay Valerie Concepcion dahil hindi man siya ang bida ay marami naman ang TV guestings nito ngayon. Suportado ang magandang aktres ng Siete kaya inspirado ito ngayon sa kanyang trabaho. Wala munang pag-ibig ang drama nito dahil umiikot ang kanyang buhay sa lumalaking anak na gusto niyang pag-ipunan.
Kasama ito sa Atlantika na tinatampukan nina Dingdong Dantes at Iza Calzado.
Magaling na artista si Angelu de Leon kaya kahit anong role ang ibigay sa kanya ay buong husay niyang nagagampanan. Hindi rin siya namimili ng papel kahit mother role pa ito. Siya kasi ang gaganap na ina ni Makisig Morales sa fantaseryeng Super Inggo.Tutal sa tunay na buhay ay may mga anak na rin ito.
Naniniwala si Angelu na pana-panahon lang ang pagsikat at sa dami ngayon ng mga baguhang artista ay ilan lang ang may talento sa akting ayon sa actress.
Biglang nag-dialogue ang beteranang aktres ng "Hindi yan nireretoke huh! Healthy living kasi ako. Hindi katulad ng isa kong kasama sa show na retokado ang mukha."
Visible pa rin sa telebisyon ang aktres at mainstay ng isang sitcom sa malaking network.
Walang taping sa Aalog-alog kaya ang napuntahan namin ay ang pagta-turn-over ng susi para sa bagong condo unit na natanggap niya sa PBB last August 16. Ang condo ay one-bedroom lang pero ang cute, fully-furnished at matatagpuan sa Chateau Valenzuela ng Barangay Lingunan. Nagkakahalaga ito ng more or less na P1.3 milyon.
"Ano ang feeling na meron ka nang condo unit?" tanong namin.
"Ang ganda po at ang cute-cute ng kuwarto. Magkakaroon na ako ng pahingahan kapag libre sa aking commitment," aniya.
Umuupa ng apartment sa Cubao si Kim kasama ang kanyang ama samantalang ang apat nitong kapatid ay naninirahan naman sa Cebu.
"Noon kasing pumirma ako ng kontrata kay Kuya Jun ay menor de edad pa ako at di alam ng parents ko na sumali ako sa Star Circle Quest. Malaki naman ang naitulong sa akin ni Kuya Jun para makilala sa showbiz. Pero pwede pa rin akong kunin yun nga lang ipagpapaalam niya muna ako sa ABS-CBN," sey ng aktor.
Ratsada ang career ni Joross at halos wala na nga itong pahinga sa dami ng commitment. Minabuti niyang mag-cool off muna sila ng girlfriend na si Roxanne Guinoo para makapag-concentrate sa trabaho.
Sinabi ni Joross na mas marami silang bagay na pinag-aawayan ni Roxanne kaya minabuting maghiwalay muna ng landas.
Kasama ito sa Atlantika na tinatampukan nina Dingdong Dantes at Iza Calzado.
Naniniwala si Angelu na pana-panahon lang ang pagsikat at sa dami ngayon ng mga baguhang artista ay ilan lang ang may talento sa akting ayon sa actress.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended