Pops, nagkapasa-pasa sa harness
August 20, 2006 | 12:00am
May nag-forward sa amin ng text message na puro pasa raw ang likod ni Pops Fernandez sa shooting ng Zsa Zsa Zaturnnah dahil humampas sa pader ang likod habang naka-harness. Agad naming tinanong si Manny Valera, ang supervising producer ng movie tungkol sa kumalat na text message at itinanggi ang balita.
Normal lang daw sa hina-harness ang magka-pasa dahil napo-force ang katawan. Very noticeable ito sa babae dahil fragile ang skin. Nasa shooting daw siya nang kunan ang harness scene ni Pops at wala itong inireklamo. Saka, kumuha ang Regal ng two Singaporean male staff na in-charge sa harness.
Itinanong naman ni Dinno Erece kay direk Joel Lamangan ang tungkol sa tsismis at nag-deny din. Paano raw hahampas sa pader si Pops eh, wala namang pader nang kunan ang eksena nitong naka-harness?
Ibig sabihin, false alarm ang balita kaya, hindi bothered ang mga taga-Regal. Sabagay, magandang publicity ito sa pelikula na isa sa mga entry sa Metro Manila Film Festival. Nakita namin ang picture nina Pops at Zsa Zsa Padilla at sexy nga ang girlfriend ni Jomari Yllana.
Gusto naming maniwalang mas serious ang offense ni Jackie Rice kesa kay Iwa Moto dahil kahit lifted na ang six weeks nilang suspension, ang huli ang talagang nakabalik. Maraming show si Iwa kumpara kay Jackie na sa SOP Gigsters pa lang namin napanood.
Tingnan nyo naman ito, si Iwa ay kasama sa Season 12 ng Love to Love at nasa cast din ng Bakekang. May Posh din siya sa QTV 11 at kung ibabalik, may Nuts Entertainment pa siya.
Si Jackie, inalis na sa Fantastikids at wala na kaming nababalitaang iba niyang show. Mabuti na lang at introducing sila ni Marky Cielo sa pelikulang Til I Met You nina Regine Velasquez at Robin Padilla at magkaka-exposure siya.
Ano na ang mangyayari sa dalawang itot nalalapit na ang StarStruck 4? Ilang months na lang at may papalit na sa kanila at hindi pa sila masyadong nagmamarka sa tao maliban sa pagiging pasaway at mahilig gumimik.
Inalam namin sa isang taga-GMA-7 kung ano ang plano nila kay Alyssa Alano na sa rami ng exposure, obvious na ang dalaga ang bagong flavor of the month ng network. Baka raw papirmahin ito ng exclusive contract dahil shell be doing more than three shows. Kapag ganoon na karami ang show, kailangan na ng kontrata.
Hindi pa masabi ng kausap namin ang lalabasang show ni Alyssa pero, nasa SOP at Startalk na siya at kasama pa sa cast ng Season 12 ng Love to Love. Last Thursday, ang life story niya ang featured sa Magpakailanman considering na bago pa lang siya sa showbis.
Ang unsolicited advice ng aming kausap, i-improve ni Alyssa ang kanyang craft bago magsawa ang tao sa pagkanta niya ng mali-maling pronunciation ng English language.
Naka-puruntong shorts na naman si Uma Khouny sa presscon ng Trip Na Trip: Dos ng ABS-CBN na magpa-pilot this Sunday, midnight. Comfortable at favorite niyang suot ang ganoon at wala nang magagawa ang mga nagsasabing hindi ito nagbibihis ng tama pag presscon.
Dagdag na co-hosts nina Katkat de Castro at Franzen Fajardo sina Uma at Jayson Gainza sa second season ng show para raw mas masaya. May kanya-kanya silang segment para maiwasan ang sapawan.
Normal lang daw sa hina-harness ang magka-pasa dahil napo-force ang katawan. Very noticeable ito sa babae dahil fragile ang skin. Nasa shooting daw siya nang kunan ang harness scene ni Pops at wala itong inireklamo. Saka, kumuha ang Regal ng two Singaporean male staff na in-charge sa harness.
Itinanong naman ni Dinno Erece kay direk Joel Lamangan ang tungkol sa tsismis at nag-deny din. Paano raw hahampas sa pader si Pops eh, wala namang pader nang kunan ang eksena nitong naka-harness?
Ibig sabihin, false alarm ang balita kaya, hindi bothered ang mga taga-Regal. Sabagay, magandang publicity ito sa pelikula na isa sa mga entry sa Metro Manila Film Festival. Nakita namin ang picture nina Pops at Zsa Zsa Padilla at sexy nga ang girlfriend ni Jomari Yllana.
Tingnan nyo naman ito, si Iwa ay kasama sa Season 12 ng Love to Love at nasa cast din ng Bakekang. May Posh din siya sa QTV 11 at kung ibabalik, may Nuts Entertainment pa siya.
Si Jackie, inalis na sa Fantastikids at wala na kaming nababalitaang iba niyang show. Mabuti na lang at introducing sila ni Marky Cielo sa pelikulang Til I Met You nina Regine Velasquez at Robin Padilla at magkaka-exposure siya.
Ano na ang mangyayari sa dalawang itot nalalapit na ang StarStruck 4? Ilang months na lang at may papalit na sa kanila at hindi pa sila masyadong nagmamarka sa tao maliban sa pagiging pasaway at mahilig gumimik.
Hindi pa masabi ng kausap namin ang lalabasang show ni Alyssa pero, nasa SOP at Startalk na siya at kasama pa sa cast ng Season 12 ng Love to Love. Last Thursday, ang life story niya ang featured sa Magpakailanman considering na bago pa lang siya sa showbis.
Ang unsolicited advice ng aming kausap, i-improve ni Alyssa ang kanyang craft bago magsawa ang tao sa pagkanta niya ng mali-maling pronunciation ng English language.
Dagdag na co-hosts nina Katkat de Castro at Franzen Fajardo sina Uma at Jayson Gainza sa second season ng show para raw mas masaya. May kanya-kanya silang segment para maiwasan ang sapawan.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended