^

PSN Showbiz

Jonalyn, Brenan, humamig ng medalya sa WCOPA sa H’wood!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio -
May dahilan para magmalaki ang GMA Artists Center na pinamumunuan ni Ida Henares. Nagwagi ng maraming awards ang dalawa na ipinadala nila para lumaban sa 2006 World Championships of the Performing Arts (WCOPA). Sa mahigit na 50 awards na iniuwi ng Philippine Team, ang lahat nito ay mga gold medals, kabilang na ang napanalunan ng mga Pinoy Pops Superstars na sina Jonalyn Viray at Brenan Espartinez para sa iba’t ibang kategorya sa Vocal Senior Div.

Three times tinanghal na Overall Champion Female Vocal Solo si Jonalyn sa mga kategoryang Broadway, Pop at Original. Limang gold naman ang nakuha nito sa kategoryang Broadway, Original Pop, R&B/Jazz at Variety, siya rin ang tinanghal na Industry Award Female Vocal Solo. Kinanta niya ang "Close To Where You Are", carrier single ng kanyang "On My Own" album para sa Original category.

Kahit runner-up lamang sa PPS, nag-uwi si Brenan ng limang gold at apat na plaque. Tinanghal siyang Overall Champion Male Vocal Solo at Industry Award Male Vocal Solo.

Sina Jonalyn at Brenan din ang nanalo ng Industry Award Vocal Duet/Trio at plaque bilang Overall Champion Vocal Duet/Trio.

Isang engrandeng selebrasyon at homecoming ang handog ng SOP sa dalawa ngayong Linggo.

Ang iba pang myembro ng Philippine Team ay ang QTV11 Famjam’s Cercado Sisters (Grand Champion Vocal Group, Overall Champion Vocal Group For Pop, Gold Medalist sa Broadway, Gospel, Original at Pop); Jon Joven, Gold Medal Broadway at 2 Silver Pop at Opera, Overall Champion Male Vocal Broadway.
* * *
Nagsimula silang mahigit sa apat pero sa ngayon, tanging sina Aia de Leon, lead vocalist, Tim Cacho, guitarist, Myrene Academia, bassist at Zach Lucero, drummer ang tanging nagbibigay ningning sa grupong Imago, pinaka-bagong dagdag sa humahabang roster of artists ng Universal Records.

"Blush" ang unang album nila sa UR pero ikatlong album nila ito, ang naunang dalawa ay ang "Probably Not But Most Definitely" at ang "Take 2" na nagbigay sa kanila ng mga awards mula sa Awit, Katha at NU107 Rock Awards kasama na ang Best Vocalist at Best Drummer trophies para kina Aia at Zach.

Para sa "Blush", napakabilis ng arangkada ng "Tara Lets", isang awitin na nagpapakita ng kaligayahang nadarama ng grupo. Ang iba pang awitin sa album ay ang "Sundo", "Zelo", "Lula" at "Under Repair".

Di tulad ng maraming grupo na nagsasabing di maasahan ang kita ng nagbabanda, sinabi ng Imago na pawang nagtapos ng kurso sa kolehiyo na mas pinili nila ang mag-banda dahil masaya sila rito at maganda ang kita.
* * *
[email protected]

AIA

ARTISTS CENTER

BEST VOCALIST

BRENAN

BRENAN ESPARTINEZ

CERCADO SISTERS

CLOSE TO WHERE YOU ARE

PHILIPPINE TEAM

VOCAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with