Ayon sa SWS survey: Sine sa TV na lang pinapanood
August 17, 2006 | 12:00am
Kung noon, sinasabing bakya ang audience ng pelikulang Tagalog, iba na ngayon. Karamihan sa mga nagpupunta sa sinehan ay nag-aaral o graduate ng high school o kolehiyo. Marami sa kanila ay high school graduates and high school and college students, college graduate and post graduates. Ito ang lumabas sa survey na isinagawa ng Social Weather Station commissioned by the Film Development Council of the Philippines headed by Mr. Jackie Atienza.
Sa educational attainment umabot ang Elem Grad/HS sa 55%; 57% HS Grad/Some Coll 57%; and Coll Grad/Post 51% and 36% ang None/Some elem ang nanonood ng Tagalog movie once a week or more.
Samantalang 49.4% or 1,653 ang High School graduate/Some College at sa None/Some Elem. 18.9% or 633, Elem grad/Some HS 17.8% or 595 and Coll. Grad/Post-grad 14.0% or 468 ang mga typical na nanonood ng movies sa moviehouses by locale and educational attainment.
"Educated na ang audience ng Filipino films kaya hindi na puwedeng bakya ang mga pelikulang gagawin ngayon," comment ni Mr. Atienza after niyang pag-aralan ang resulta ng survey ng SWS.
Lumabas din sa nasabing survey na isinagawa noong June 2006 na 52% ang adult Filipinos nationwide ang nagsasabi na nanonood sila ng sine isang beses o higit pa sa loob ng isang linggo.
Sa survey, na-reveal din na 52% ang once a week or more ang nanonood, 2-3 times a month 16%, Once a month 15%, Several times a year 8%, Not even once a year 5% and Never 4%.
Lumabas din na mas maraming nanonood ng local movies sa Mindanao na umabot sa (61%) - once a week or more kumpara sa Metro Manila, Luzon and Visayas na umabot lang sa 49%.
Ayon pa sa survey by socio-economic class, ang viewership ng Philippine movies hardly vary among the upper-middle, compared sa masa, class D and lower class E.
At ito ang nakakagulat. Mas marami palang nanonood na males with 55% kumpara sa kababaihan na umabot lang sa 49%. Mas madalas manood ang mga men ng since once a week or more.
Nasa edad 18-24 ang mahilig manood ayon pa sa survey na umabot sa 59%, 56% ang 25-34 years old, 57% ang 35-44 years old, 53% ang 45-54 years old and 35% ang 55 and up.
Action-Adventure ang paborito ng manonood ng pelikulang Tagalog 37% ang nanonood ng action-adventure most of the time na sinundan ng Drama (29%) and Comedy (15%).
Ang akala nating hit sa karamihan na romance ay 3% lang nakuha, War movies (2%) True-to-Life (2%), Horror (1%), Science Fiction and fantasy (1%), Documentary (1%), Martial Arts (0.5%) Any movie of favorite actor/actress (0.4%), Musical (0.3%) and Sports (0.3%).
Pero ito ang the height, lumabas sa respondents ng SWS na 77% ang nagsabi mula NCR, Luzon, Visayas and Mindanao ang nanonood lang ng sine pag ipinalabas na ito sa TV, 29% sa VCD, 7% sa sinehan, 6% sa DVD and 2% sa pamamagitan ng VHS.
Sa 29% na nanonood ng VCD, 7% ang legal copy, 19% ang pirated copy, unspecified 3%. Samantalang sa DVD, 3% lang ang legal copy, 3% ang pirated copy and 0.3% ang unspecified.
"Majority across location and class typically watch Philippine movies through TV stations, with relatively higher proportion in Metro Manila (875) compared to other areas," ayon pa sa report ng SWS.
Pinaka-marami namang nanonood ng pirated VCD sa Balance Luzon and Mindanao.
At kahit nasa kabilang buhay na si Da King Fernando Poe Jr., siya pa rin ang lumalabas na favorite actor ng mga respondent ng SWS as of June 22 to 28 nakakuha siya ng 16%, second si Megastar Sharon Cuneta with 9%, Bong Revilla Jr. (6%), Robin Padilla (5%), Angel Locsin (3%), Vilma Santos (3%), Dolphy (3%), Cesar Montano (3%) and Nora Aunor (2%).
Paborito si FPJ mula Luzon, Visayas at Mindanao at siya ang binoto ng some high school level education.
Ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng survey ang SWS tungkol sa pelikulang Tagalog.
Hindi isinama sa survey ang foreign films.
Nadukutan ng mamahaling cellphone the other night after ng premiere night ng Oh My Ghost sa SM Megamall si Rufa Mae Quinto.
Ayon sa isang source, habang nakiki-tsika ang sexy actress sa mga fans niya after ng palabas ng pelikula niya na nag-start ipalabas sa Metro Manila theaters kahapon, hindi niya namalayan na na-lost na pala ang mamahalin niyang cellphone. Na-realize na niyang wala na ito nang paalis na sila ng Megamall dahil dali-dali silang lumayas ng dyowa niyang si Erik Santos at dumiretso sa Morato.
Hay ang mga mandurukot talaga, kahit ang idolo nila hindi sinasanto.
Salve V. Asis e-mail - [email protected]

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended