^

PSN Showbiz

Jennylyn, dinalaw ni Patrick sa ospital

RATED A - Aster Amoyo -
Hindi ikinakaila ng TV host-actress na si Kris Aquino na tinatrabaho na nila ng kanyang mister na si James Yap ang kanilang unang baby. Although isang taon nang kasal sina Kris at James, hindi sila nagkaroon ng pagkakataong magkaroon ng honeymoon dahil pareho silang busy sa kanilang respective careers—si Kris sa TV at pelikula at sa basketball naman si James.

Nang magkaroon ng pagkakataon ang dalawa na magtungo ng Amerika dahil sa international premiere night ng Sukob na pinagbidahan nina Kris at Claudine Barretto, nag-paiwan ang dalawa for a much-needed rest and vacation. Ang buong akala ng mag-asawa ay nakabuo na sila pero nung nakaraang Sunday sa The Buzz ay si Kris mismo ang nagbalita na ang kanyang pagkahilo at pagsusuka ay dahil marahil sa trabaho at hindi dahil siya’y buntis. Negative din ang lumabas sa pregnancy test at dinatnan din siya ng kanyang monthly period.

Sinabi rin ni Kris na hindi umano siya nagti-take ng birth control pills dahil gustung-gusto niyang muli siyang mabuntis para magkaroon na rin ng kapatid si Joshua, ang kanyang 10-year-old son kay Phillip Salvador at anak kay James.

Samantala, sinabi rin ni Kris na ang mommy (dating Pangulong Cory Aquino) na mismo niya ang nakikiusap sa kanya na i-consider ang muling paggawa ng pelikula laluna ngayong isasapelikula na ang buhay ng kanyang ama, ang pinaslang na dating senador na si Benigno ‘Ninoy’ Aquino. Gusto ng dating pangulo na si Kris ang gumanap sa kanyang papel. Syempre pa, hindi puwedeng mapahindian ni Kris ang kanyang mahal na ina.

Sabagay, pumayag naman na si James na ipagpatuloy ni Kris ang paggawa ng pelikula pero pagkatapos umano nilang magkaroon ng baby. Pero ang pelikula about Ninoy ay sisimulan na sa buwan ng Enero 2007 na nakatakdang idirek ni Marilou Diaz-Abaya.
* * *
Nang ma-ospital si Jennylyn Mercado sa St. Luke’s Medical Center ay walang patlang na dumalaw sa kanya ang aktor na si Patrick Garcia. Dumalaw din sa kanya sina Victor Neri, Jake Cuenca at ang representative naman ni Mark Herras ay ang kanyang Daddy Jun.

Marami ang naniniwala na may unawaan na sina Jennylyn at Patrick dahil nakikita na ang dalawa na madalas na magkasama sa mga lakaran. Hindi naman isinasara ni Mark ang posibilidad na muli silang magkabalikan ni Jen dahil hindi na ito nagpatuloy ng kanyang panliligaw kay Marian Rivera dahil gusto pa rin niyang alagaan ang tambalan nila ni Jen.

Pero paano kung si Patrick na nga ang boyfriend ngayon ni Jen? Hindi rin ikinakaila ni Jake na posible siyang mainlab sa dati niyang kapareha sa Love to Love. At si Victor ay dumalaw bilang kaibigan lamang.

Samantala, napapadalas yata ang pagkaka-ospital ng ating mga artista. Bukod kay Jennylyn, na-ospital din sina Diana Zubiri at Sunshine Dizon.
* * *
Personal: Ang aking taos-pusong pakikiramay sa mga mahal sa buhay na naulila ni Gng. Estella ‘Telly" Anacta-Breuer, tubong Borongan, Eastern Samar na naka-base na si Hamburg, Germany na binawian ng buhay nung nakaraang Agosto 6 sa sakit na cancer sa liver sa edad na 61. Kanyang iniwan ang German husband na si Hans Breuer, mga anak na sina Lani, Byron at Christian, mga kapatid na sina Gracia (Dayday), Letecia (Letty) Corazon (Yaying) at Claire (Baby).

Ang mga labi ni Mana Telly ay darating galing Germany at nakatakdang iburol sa Funeraria Nacional sa Araneta Avenue Quezon City bukas. Siya’y nakatakdang ihatid sa kanyang huling hantungan sa Loyola Memorial Park sa Marikina sa Aug. 19 (Sabado) pagkatapos ng 1:00 p.m. mass.
* * *
E-mail: [email protected]

ARANETA AVENUE QUEZON CITY

CENTER

CLAUDINE BARRETTO

DADDY JUN

DAHIL

DIANA ZUBIRI

KANYANG

KRIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with