Shaina, ayaw sa older guys, manliligaw man o loveteam!
August 15, 2006 | 12:00am
Kahapon, nakatanggap kami ng balitang tinalo na ng pelikulang Sukob ang pelikulang Anak nina Claudine Barretto at Vilma Santos na nasa number 2 slot ng Star Cinema at by Friday ay posibleng maabutan na rin nito ang nangungunang Tanging Ina ni Aiai delas Alas.
Wala pang ibinigay na exact figures sa amin ang taga-Star Cinema dahil still counting pa raw at marami ring nagulat na maabutan na nito ang Tanging Ina na kumita ng P240M.
Sabagay, nung huling isulat namin ang Sukob na magda-dalawang linggo palang sa takilya ay nasa P168M na ito, e, nasa pang-apat na linggo nang palabas ngayon ang Kris at Claudine movie.
Ano kayang masasabi rito nina Direk Wenn Deramas at Aiai na nagtulong para maging number one ang Tanging Ina na naabutan na sila ng Sukob?
Bisi-bisihan ngayon si Aiai sa rehearsal ng Showgirl concert ni Vina Morales this coming Friday, August 18 kaya hindi namin siya makausap bukod pa sa iniinda rin niya na medyo masakit pa ng konti ang katawan niya dahil katatapos lang niyang magpa-Smart Lipo kay Dra. Vicki Belo.
Going back to Tetay and Claudine ay may comment ang taga-ABS-CBN sa kanila, "Talagang pinatunayan nila na sila ang reyna, kaya maski na 48 years natapos ang shooting, worth it naman."
Hindi nagustuhan ni Shaina Magdayao ang comment ng fans ni Joross Gamboa na tinawag siyang "kiri" dahil nga bukod kay Rayver Cruz ay ipina-partner din siya kay Joross na kasama rin sa Rounin na next year pa yata ipalalabas.
"Paano ako naging kiri?Si Rayver talaga ang ka-partner ko at idinagdag lang si Joross, alangan namang tanggihan ko, e, desisyon yun ng management?" kunot noong pahayag ng dalaga.
Payo namin kay Shaina ay huwag na lang intindihin ang mga naririnig na comment ng fans dahil ibig sabihin ay apektado ang loyal supporters nina Joross at Roxanne Guinoo kasi nag-break na sila at inisip na baka si Shaina ang dahilan ng break-up kaya sila nagagalit.
Pero sana naisip din ng fans na masyadong malayo ang agwat ng edad nina Joross at Shaina at kung makikilala ninyo rin ng personal ang bagets ay tiyak na magugulat kayo dahil ang ugali ni Shaina ay hindi pumapatol sa malaki ang agwat sa kanya at higit sa lahat, hindi siya nang-aagaw ng ka-loveteam ng iba.
Nakakaaliw talaga ang bunsong kapatid ni Vina Morales, hindi rin showbiz dahil kapag may nababasa o naririnig na hindi niya gusto, mega-react siya, di tulad ng ate Vina niya na maski super-negative na ang write-ups sa kanya, dedma at naka-smile pa rin sa nagsulat.
Anyway, abut-abot pala ang nerbyos ni Shaina sa production number nila ng ate Vina niya sa Showgirl concert this Friday dahil may eksenang iiwanan siyang mag-isa sa stage, e, na-syokot ang bagets, hindi raw niya alam ang gagawin niya, ha, ha, ha.
Pinatatapos na lang pala ang kontrata ng mga programang hindi nagri-rate sa QTV 11 at papatayin na ito sa ere dahil mas malaki raw ang nagagastos ng GMA-7.
Iilang programa lang pala ang matitira sa nabanggit na sister station ng Siete kapag tsinugi ang mga show na hindi nagri-rate bukod pa sa hindi kumikita at ang mga iiwanang timeslot ay doon naman isasalpak ang canned shows na nabili nina Ms. Wilma V. Galvante nung nagpunta sila ng Amerika kamakailan lang.
Nasabi na sa amin ang mga programang mawawala, pero minabuti namin hindi na muna pangalanan dahil napansin namin na kapag inuunahannaming isulat ay biglang nae-extend ito.
Say nga ng taga-GMA-7, "Okey nang puro canned shows ang isalpak, mura kasi walang mga staff na babayaran at hindi na rin kailangan ng publicist dahil puwedeng padala na lang ng press releases ang corporate pr namin."
At natatanging ang programang Posh lang daw ang may pinakamataas na ratings na nakukuha ng QTV, pero ang problema, block timer naman daw ito dahil produced ito ng Viva Entertainment. REGGEE BONOAN
Wala pang ibinigay na exact figures sa amin ang taga-Star Cinema dahil still counting pa raw at marami ring nagulat na maabutan na nito ang Tanging Ina na kumita ng P240M.
Sabagay, nung huling isulat namin ang Sukob na magda-dalawang linggo palang sa takilya ay nasa P168M na ito, e, nasa pang-apat na linggo nang palabas ngayon ang Kris at Claudine movie.
Ano kayang masasabi rito nina Direk Wenn Deramas at Aiai na nagtulong para maging number one ang Tanging Ina na naabutan na sila ng Sukob?
Bisi-bisihan ngayon si Aiai sa rehearsal ng Showgirl concert ni Vina Morales this coming Friday, August 18 kaya hindi namin siya makausap bukod pa sa iniinda rin niya na medyo masakit pa ng konti ang katawan niya dahil katatapos lang niyang magpa-Smart Lipo kay Dra. Vicki Belo.
Going back to Tetay and Claudine ay may comment ang taga-ABS-CBN sa kanila, "Talagang pinatunayan nila na sila ang reyna, kaya maski na 48 years natapos ang shooting, worth it naman."
"Paano ako naging kiri?Si Rayver talaga ang ka-partner ko at idinagdag lang si Joross, alangan namang tanggihan ko, e, desisyon yun ng management?" kunot noong pahayag ng dalaga.
Payo namin kay Shaina ay huwag na lang intindihin ang mga naririnig na comment ng fans dahil ibig sabihin ay apektado ang loyal supporters nina Joross at Roxanne Guinoo kasi nag-break na sila at inisip na baka si Shaina ang dahilan ng break-up kaya sila nagagalit.
Pero sana naisip din ng fans na masyadong malayo ang agwat ng edad nina Joross at Shaina at kung makikilala ninyo rin ng personal ang bagets ay tiyak na magugulat kayo dahil ang ugali ni Shaina ay hindi pumapatol sa malaki ang agwat sa kanya at higit sa lahat, hindi siya nang-aagaw ng ka-loveteam ng iba.
Nakakaaliw talaga ang bunsong kapatid ni Vina Morales, hindi rin showbiz dahil kapag may nababasa o naririnig na hindi niya gusto, mega-react siya, di tulad ng ate Vina niya na maski super-negative na ang write-ups sa kanya, dedma at naka-smile pa rin sa nagsulat.
Anyway, abut-abot pala ang nerbyos ni Shaina sa production number nila ng ate Vina niya sa Showgirl concert this Friday dahil may eksenang iiwanan siyang mag-isa sa stage, e, na-syokot ang bagets, hindi raw niya alam ang gagawin niya, ha, ha, ha.
Iilang programa lang pala ang matitira sa nabanggit na sister station ng Siete kapag tsinugi ang mga show na hindi nagri-rate bukod pa sa hindi kumikita at ang mga iiwanang timeslot ay doon naman isasalpak ang canned shows na nabili nina Ms. Wilma V. Galvante nung nagpunta sila ng Amerika kamakailan lang.
Nasabi na sa amin ang mga programang mawawala, pero minabuti namin hindi na muna pangalanan dahil napansin namin na kapag inuunahannaming isulat ay biglang nae-extend ito.
Say nga ng taga-GMA-7, "Okey nang puro canned shows ang isalpak, mura kasi walang mga staff na babayaran at hindi na rin kailangan ng publicist dahil puwedeng padala na lang ng press releases ang corporate pr namin."
At natatanging ang programang Posh lang daw ang may pinakamataas na ratings na nakukuha ng QTV, pero ang problema, block timer naman daw ito dahil produced ito ng Viva Entertainment. REGGEE BONOAN
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended