^

PSN Showbiz

Pinoy, namayani na naman sa Hollywood!

PARINIG NGA! - Lanie M. Sapitanan -
Hanggang Aug. 23 pa si Patricia Javier o Genesis sa bansa na ngayon ay tatlong buwan nang buntis. Sinasamantala ni Patricia ang kumain ng talbos ng kamote, kangkong at tuyo habang nandito pa siya sa Pilipinas. Ito raw ang mga hinahanap niyang kainin nung nasa States siya, nakakakain naman siya ng mga ito sa US, kaso nga nasa lata, iba pa rin nga naman yung sariwa.

Pero ang talagang pinaglihian daw niya at madalas niyang ipabili sa kanyang asawang doktor ay hamburger at French fries na wala raw paltos na pasalubong nito sa kanya. Excited na rin siyang umalis dahil na-miss niya agad ang kanyang asawa at ipagluluto raw niya ito ng adobong manok pagdating niya ng bahay nila sa States.

Hindi na raw nali-late si Patricia sa lahat ng kanyang lakad at gawain niya dahil nahawa siya sa kanyang asawang American doctor. Hindi na rin siya matampuhin ngayon dahil prangka na rin siya at expressive, na-adopt niya sa kulturang Kano.

Kahit pala manganak na si Patricia next year ay magpapahinga lang siya ng konti, pero tuloy pa rin ito sa kanyang singing sa club na kinakantahan niya sa US. Wala naman itong problema sa kanyang asawa at supportive pa nga ito sa kanya.

"Syempre iba na ang priority ko, pero hindi ko talaga maiwan ang singing. Ibang level na kasi ang performance ko at mas meaningful na ngayon," paliwanag ni Patricia.

Busy pa rin si Patricia sa paglilibot sa promotion ng kanyang album na "Genesis Songs From My Heart" na naglalaman ng 10 kanta, dalawa rito ay minus one na may carrier single na "Sa Iyo Lang Ibibigay," meron ding "Pagmamahal na Tunay," "How Can I Let You Go," at iba pa na release ng Viva Records.
* * *
Parehong busy ang magkapatid na Jeffrey at Arnee Hidalgo sa bago nilang recording venture na may label na Music Link.

Syempre si Arnee ang kanilang first recording artist na may album na "Arnee You Got It All" na merong 12 cuts. Si Arnee ang namili ng lahat ng mga songs na puro revivals pero binigyan ng bagong timpla niJeffrey tulad ng "Miss You Like Crazy," at "What Might Have Been".

Si Jeffrey ang in-charge sa lahat sa kanilang recording business. At in fairness, maganda ang cover ng "Arnee You Got It All" na si Jeffrey din ang may concept.

Graduate ng chemical engineering si Jeffrey sa UP Diliman. Katunayan, may negosyo ito na distributor ng mga cleaning products, pero hindi talaga mabitawan nito ang recording.

"Singing pa rin ang love ko. Kahit sa background ay gusto ko pa ring magtabaho sa recording, mag-produce ng albums or show. Pero nag-iipon pa ako ng mga bagong songs for my coming album," paliwanag ni Engr. Jeffrey.
* * *
Nag-text si Jon Joven mula sa kanilang World Championships of the Performing Arts na ginanap sa Hollywood, California. Sinabi nito na out of 51 countries ay muling namayani ang Pilipinas sa pag-uwi ng karangalan sa ating bansa. Katunayan, among Filipino delegates ay paramihan pa raw sila ng bitbit na medals.

Ilan sa nanalo ay sina Jonalyn Viray, Brenan Espartinez at si Jon Joven na nagwagi rin ng gold medal sa Broadway category, silver sa Pop category, at silver din sa Opera category.

Bukas, Miyerkules ay uuwi na ang grupo ni Jonalyn dahil sa meron pa raw itong shows. Pero si Jon Joven at ang iba pa nitong kasama ay sa Saturday pa magbibiyahe pauwi ng Pilipinas.

vuukle comment

ARNEE HIDALGO

ARNEE YOU GOT IT ALL

BRENAN ESPARTINEZ

GENESIS SONGS FROM MY HEART

JEFFREY

JON JOVEN

PERO

PILIPINAS

RIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with