Maja, di pinayagan ng manager na makapareha ni Sam!
August 15, 2006 | 12:00am
Nakita namin ang pagkagulat ni Rufa Mae Quinto nang mabalitaang babalik ang ex-boyfriend na si Rudy Hatfield sa August 28 para muling maglaro sa PBA. Hindi nito naitago ang nerbyos sa harap ng mga reporter sa presscon ng Oh, My Ghost.
Pero, wala palang dapat ikabahala si Rufa Mae dahil sa huli naming nabasa, hindi na matutuloy bumalik ng bansa si Rudy. Hindi na raw ito interesadong maglaro sa PBA dahil kontento ito na sa pagiging fireman sa Michigan. May bago na rin daw itong girlfriend na ayaw pumayag umalis si Rudy sa Amerika.
Matuloy mang bumalik ng Pinas si Rudy, wala na sigurong balikang mangyayari sa kanila ni Rufa Mae dahil naka-move on na itot masaya na sa piling ni Erik Santos. Kahit marami ang hindi naniniwala, seryoso ang relasyon ng dalawa at sa premiere night ng movie mamaya sa SM Megamall, baka ito ang escort ng dalaga. Kaya lang, mapapanood nito ang rape scene ni Rufa Mae kung saan, muntik ma-expose ang maputing puwit.
Sang-ayon si Dingdong Dantes sa pagbabago ng playdate ng Eternity na sa halip na August 30 ay September 6 na ang showing nito. Naniniwala itong mas makakatulong sa box office chances ng movie kung wala itong katapat na locally produced movie.
"Bihira na ang gumagawa ng movie at konti na lang ang nanonood ng local movies, hahatiin pa ba? Thankful ako that Mother Lily is here and still producing movies. Wish ko na lang, sana maging successful ito at maganda ang feedback sa tao," sabi nito.
Nagpapasalamat din ito na kahit girlfriend niya si Karylle at may boyfriend naman si Iza ay tanggap ng fans ang kanilang loveteam. Nasubukan ito sa fantaseryeng Encantadia at nasundan ng pelikulang Moments of Love at hindi sa Eternity magtatapos ang kanilang tambalan dahil may Atlantika pa sila. Nabanggit din ni Direk Mark Reyes na kung maghi-hit ang Regal movie, tiyak na may kasunod silang pelikula either sa Regal o sa GMA Films.
Samantala, natanong pa rin si Dingdong tungkol kay Antoinette Taus pero, wala itong maikuwento dahil di pa sila nagkikita mula nang dumating ang dalaga. Hindi rin sure ang actor kung nag-text ito sa kanya sa birthday niya last August 2. May nangyari raw sa kanyang mobile phone that day at may bulk ng text messages na di niya nabasa. Kung binati siya nitoy ia-acknowledge raw niya.
Kasama pala dapat sa cast ng soap opera ng ABS-CBN na Maging Sino Ka Man si Maja Salvador. Siya dapat ang love interest ni Sam Milby pero, pinul-out siya ng manager niyang si Chit Ramos dahil nakitang walang chemistry ang dalawa.
Ayon kay Chit, tinitingnan niya ang dalawa sa test make-up pa lang at wala siyang nakitang anumang koneksyon. Kahit medyo kinapalan na ang make-up ng dalaga, wala pa rin siyang makitang chemistry kaya, siya na ang nag-request na alisin si Maja. Nahiya man kay direk Erik Reyes, no choice si Chit kundi alisin sa soap ang alagat baka makasira lang daw sa istorya.
Si Anne Curtis ang ipinalit kay Maja na sabi ni Chit, bumagay kay Sam. Nag-taping na raw ang dalawa at gandang-ganda ito sa bagong magka-loveteam. Maghihintay na lang daw siya ng bagong soap sa alagat alam na di ito pababayaan ng Ch. 2 lalot magaganda ang review bawat labas nito.
Pero, wala palang dapat ikabahala si Rufa Mae dahil sa huli naming nabasa, hindi na matutuloy bumalik ng bansa si Rudy. Hindi na raw ito interesadong maglaro sa PBA dahil kontento ito na sa pagiging fireman sa Michigan. May bago na rin daw itong girlfriend na ayaw pumayag umalis si Rudy sa Amerika.
Matuloy mang bumalik ng Pinas si Rudy, wala na sigurong balikang mangyayari sa kanila ni Rufa Mae dahil naka-move on na itot masaya na sa piling ni Erik Santos. Kahit marami ang hindi naniniwala, seryoso ang relasyon ng dalawa at sa premiere night ng movie mamaya sa SM Megamall, baka ito ang escort ng dalaga. Kaya lang, mapapanood nito ang rape scene ni Rufa Mae kung saan, muntik ma-expose ang maputing puwit.
"Bihira na ang gumagawa ng movie at konti na lang ang nanonood ng local movies, hahatiin pa ba? Thankful ako that Mother Lily is here and still producing movies. Wish ko na lang, sana maging successful ito at maganda ang feedback sa tao," sabi nito.
Nagpapasalamat din ito na kahit girlfriend niya si Karylle at may boyfriend naman si Iza ay tanggap ng fans ang kanilang loveteam. Nasubukan ito sa fantaseryeng Encantadia at nasundan ng pelikulang Moments of Love at hindi sa Eternity magtatapos ang kanilang tambalan dahil may Atlantika pa sila. Nabanggit din ni Direk Mark Reyes na kung maghi-hit ang Regal movie, tiyak na may kasunod silang pelikula either sa Regal o sa GMA Films.
Samantala, natanong pa rin si Dingdong tungkol kay Antoinette Taus pero, wala itong maikuwento dahil di pa sila nagkikita mula nang dumating ang dalaga. Hindi rin sure ang actor kung nag-text ito sa kanya sa birthday niya last August 2. May nangyari raw sa kanyang mobile phone that day at may bulk ng text messages na di niya nabasa. Kung binati siya nitoy ia-acknowledge raw niya.
Ayon kay Chit, tinitingnan niya ang dalawa sa test make-up pa lang at wala siyang nakitang anumang koneksyon. Kahit medyo kinapalan na ang make-up ng dalaga, wala pa rin siyang makitang chemistry kaya, siya na ang nag-request na alisin si Maja. Nahiya man kay direk Erik Reyes, no choice si Chit kundi alisin sa soap ang alagat baka makasira lang daw sa istorya.
Si Anne Curtis ang ipinalit kay Maja na sabi ni Chit, bumagay kay Sam. Nag-taping na raw ang dalawa at gandang-ganda ito sa bagong magka-loveteam. Maghihintay na lang daw siya ng bagong soap sa alagat alam na di ito pababayaan ng Ch. 2 lalot magaganda ang review bawat labas nito.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended