Foundation para sa mga bata ang tinatarget ni Iza!
August 15, 2006 | 12:00am
Birthday ni Iza Calzado nung August 12, twenty four years old na siya at bagaman at marami na ang nagsasabi sa kanya na ito na ang right age for marriage, wala pa sa plano ni Iza ang mag-asawa ngayon. Maganda ang takbo ng kanyang career at sa panahon ngayon, ang ganitong edad ay lubhang napaka-bata pa, lalo na sa mga career women na tulad niya.
Magkakaron siya ng isang celebration for family and friends on August 20 pero, inuna na niyang makipagsaya nung mismong birthday niya sa kanyang mga tagahanga at maging sa maraming bata na siyang pinagmimithian niyang matulungan pero dahilan sa wala pa siyang malaking pondo kung kaya hindi niya maitodo ang pagtulong sa kanila.
"Pero tumutulong ako sa mga batang nangangailangan sa abot ng aking makakaya. Isa rin sila sa mga dahilan kung bakit pursigido ako sa pagtatrabaho, gusto ko ring makapagpatayo ng isang foundation para sa kanila," sabi ng napaka-gandang babae sa pa-presscon ng Regal para sa kanila ni Dingdong Dantes, para sa kanilang pelikulang Eternity na inurong ni Mother Lily ang pagpapalabas, from August 30 to September 6 para lamang di sila magkasakitan ng isa pang local film na makakasabay niya ng playdate.
At kahit na sinasabi ng marami na nakakalamang ang Eternity dahil bukod kina Iza at Dingdong ay kasama pa rin sina Jennylyn Mercado at Mark Herras, nagpasya na si Mother Lily na huwag nang makipagbungguan ng playdate. Oo nga naman!
Samantala, palabas na sa August 16 ang Oh My Ghost na pinagtatambalan nina Rufa Mae Quinto at Marvin Agustin, with Paolo Contis, Carlos Agassi, Uma Khouny, Jose Manalo sa direksyon ni Tony Y. Reyes from OctoArts Films.
Nakikisabay ang pelikula sa trend na mga horror films na gustung-gusto ng mga manonood ngayon. At may bentahe pa ang Oh My Ghost dahil nakakatakot na ito, nakakatawa pa.
"Sulit ang perang ibabayad nila sa movie. Pinaghirapan namin ng husto ito at lalo na sa hirap ng buhay ngayon, swak na swak ito sa panlasa ng publiko," pagmamalaki ni Rufa Mae na naging mas masaya nang malamang di na matutuloy ang pagdating ng kanyang ex-boyfriend dito.
E-mail: [email protected]
Magkakaron siya ng isang celebration for family and friends on August 20 pero, inuna na niyang makipagsaya nung mismong birthday niya sa kanyang mga tagahanga at maging sa maraming bata na siyang pinagmimithian niyang matulungan pero dahilan sa wala pa siyang malaking pondo kung kaya hindi niya maitodo ang pagtulong sa kanila.
"Pero tumutulong ako sa mga batang nangangailangan sa abot ng aking makakaya. Isa rin sila sa mga dahilan kung bakit pursigido ako sa pagtatrabaho, gusto ko ring makapagpatayo ng isang foundation para sa kanila," sabi ng napaka-gandang babae sa pa-presscon ng Regal para sa kanila ni Dingdong Dantes, para sa kanilang pelikulang Eternity na inurong ni Mother Lily ang pagpapalabas, from August 30 to September 6 para lamang di sila magkasakitan ng isa pang local film na makakasabay niya ng playdate.
At kahit na sinasabi ng marami na nakakalamang ang Eternity dahil bukod kina Iza at Dingdong ay kasama pa rin sina Jennylyn Mercado at Mark Herras, nagpasya na si Mother Lily na huwag nang makipagbungguan ng playdate. Oo nga naman!
Nakikisabay ang pelikula sa trend na mga horror films na gustung-gusto ng mga manonood ngayon. At may bentahe pa ang Oh My Ghost dahil nakakatakot na ito, nakakatawa pa.
"Sulit ang perang ibabayad nila sa movie. Pinaghirapan namin ng husto ito at lalo na sa hirap ng buhay ngayon, swak na swak ito sa panlasa ng publiko," pagmamalaki ni Rufa Mae na naging mas masaya nang malamang di na matutuloy ang pagdating ng kanyang ex-boyfriend dito.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am