^

PSN Showbiz

Kris, pinayagan ni James i-continue ang kanyang movie career

-
Presscon ng pelikulang Sukob nang ibalita ni Kris Aquino na ito na ang kanyang magiging huling pelikula bilang pangako niya sa kanyang mister na si James Yap at magku-concentrate na lamang siya bilang TV host. Pero ang pangakong ito ni Kris ay mukhang mababago dahil pumayag na umano si James na ipagpatuloy niya ang paggawa ng pelikula provided na gagawa lamang siya ng kanyang next movie kapag nagkaroon na sila ng baby, bagay na tinatrabaho na nila ngayon. Natutuwa naman si Kris sa naging desisyon ng kanyang mister, ganoon din ang mga taga-Star Cinema at si Direk Chito Roño.
* * *
Sampung taon na ang anak ni Jamie Rivera na si Reign pero kung papahintulutan pa siya ng Diyos, gusto pa sana nitong madagdagan ang anak nila ng kanyang mister na si Dr. Rey Mendoza at ito’y patuloy niyang ipinagdarasal. Kung sila’y mabibiyayaan pa ng isa panganak ay gusto nilang mag-asawa na maging baby boy naman.

Kahit isa lang ang anak ni Jamie, hindi umano nila ito ini-spoil.

Parehong successful sina Jamie at ang kanyang mister na si Rey sa kanilang respective careers - si Jamie sa kanyang singing career at si Rey naman bilang isang negosyante.
* * *
Ngayong gabi ay kaabang-abang na naman ang paglu-launch sa Bitoy’s Funniest Videos ng mga nakakatuwang eksena ng tagalized version ng Planet’s Funniest Animals at ang pagiging Annabelle Rama at Rocker ni Bitoy (Michael V.). Hindi rin siyempre pahuhuli ang grupo ng Yari Ka dahil muling nagbabalik si Manong taxi driver para sa Bitoy on the Road. Sino naman kaya ang bagong recruit ng samahan ng Alpha Kappal Muks sa "student bike driver"? Sa gimik ng mga kikays, abangan sila sa "heartbroken kikay sit sa lap".
* * *
Hanggang ngayon ay hindi pa rin kami lubos na makapaniwala na may relasyon ang dalawang kilalang TV host na matagal nang nati-tsismis sa kabila na may asawa ang male TV host. Kilala kasi namin ang pagiging isang responsableng family man ng male TV host at walang mag-iisip na tatalikuran nito ang kanyang misis na nasa ibang bansa kasama ang kanilang mga anak.

Ayon sa aming source, naghihintay na lang na ma-annul ang marriage ng male TV host at tuluyan na umanong pakikisamahan nito ang female TV host.

Matagal nang natitsismis ang dalawa dahil three years na ang relasyon nila na hindi pa rin mamatay-matay hanggang ngayon pero’y ito’y kanila lamang tinatawanan lang. — ASTER AMOYO

vuukle comment

ALPHA KAPPAL MUKS

ANNABELLE RAMA

BITOY

DIREK CHITO RO

DR. REY MENDOZA

FUNNIEST ANIMALS

FUNNIEST VIDEOS

JAMES YAP

KANYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with