Di lang taba, pati mukha, ni Aiai, ginalaw ni Vicki Belo!
August 11, 2006 | 12:00am
Maraming nag-text sa amin kung totoong isa kina Angel Locsin at Jolina Magdangal ang gaganap sa role na Bakekang sa GMA-7 dahil nabasa raw ito sa isang broadsheet kahapon, Huwebes na hindi naman inilagay ang name ng nagsulat.
Nagulat din kami dahil paano nga naman nasama ang pangalan ng dalawa gayung may existing shows pa silang umeere, ang Majika at I Luv NY?
Base kasi sa pagkakaalam namin ay si Sunshine Dizon na ang gaganap sa role na Bakekang at pinapa-ingay lang ang name ni Sheryl Cruz para pag-usapan daw ang project.
At ang sagot sa amin ng taga-Siete tungkol sa Angel at Jolina issue, "Ma! Baka pinapa-ingay din para bongga ang Bakekang."
Ganon? Ibig sabihin ay hindi matunog ang Bakekang? Abay magdagdag ang Siete ng publicist para umingay ang bagong programa ng GMA-7 no!
Mahigit tatlong oras na tumagal sa operating room si Aiai delas Alas last Tuesday night para sa isinagawang Smart Lipo laser lypolisis to melt fat sa abdomen, waist, hips, arms at bra lines.
At ang kanyang mukha ay sumailalim din sa Thermage upper eye lids na ayon kay Ms. A nung kumustahin namin nung Miyerkules ng tanghali ay, "Eto, konti lang ang sakit, di tulad ng traditional lipo at saka parang ang fresh ng mukha ko ngayon paggising ko, ano ba ginawa?" balik tanong sa amin na hindi pala alam ng komedyana kung anong ginawa sa mukha niya.
Ayon pa kay Dra. Vicki Belo ay less bruising, less swelling, less painful at better skin contraction ang Smart Lipo laser na kailangan gawin ni Aiai dahil hindi siya pwedeng mag-exercise ng matagalan tulad ng paglalaro ng badminton dahil ang mga paa niya ay nananakit at namamaga sa matagal na nakatayo.
Hindi raw pupwedeng mag-diet si Aiai dahil wala na siyang gall bladder.
At higit sa lahat ang paliwanag ni Aiai kaya siya muling nagpabawas ng "taba" ay "Para maging fresh uli ako at maraming papa, tsaring lang. Hindi no, ayaw ko na, susundin ko ang payo ni Ama (Boy Abunda) na huwag daw muna akong mag-aasawa, ayokong masabihang matigas ang ulo ko," paliwanag pa ng komedyana na mukhang may pinatatamaan.
Anyway, makikita raw ang resulta na maganda na ang katawan ni Aiai in 3 months pero in two days ay puwede na siyang magtrabaho, unlike the tradional lipo na buwan ang kailangang pahinga bago makakilos ng normal. Reggee Bonoan
Nagulat din kami dahil paano nga naman nasama ang pangalan ng dalawa gayung may existing shows pa silang umeere, ang Majika at I Luv NY?
Base kasi sa pagkakaalam namin ay si Sunshine Dizon na ang gaganap sa role na Bakekang at pinapa-ingay lang ang name ni Sheryl Cruz para pag-usapan daw ang project.
At ang sagot sa amin ng taga-Siete tungkol sa Angel at Jolina issue, "Ma! Baka pinapa-ingay din para bongga ang Bakekang."
Ganon? Ibig sabihin ay hindi matunog ang Bakekang? Abay magdagdag ang Siete ng publicist para umingay ang bagong programa ng GMA-7 no!
At ang kanyang mukha ay sumailalim din sa Thermage upper eye lids na ayon kay Ms. A nung kumustahin namin nung Miyerkules ng tanghali ay, "Eto, konti lang ang sakit, di tulad ng traditional lipo at saka parang ang fresh ng mukha ko ngayon paggising ko, ano ba ginawa?" balik tanong sa amin na hindi pala alam ng komedyana kung anong ginawa sa mukha niya.
Ayon pa kay Dra. Vicki Belo ay less bruising, less swelling, less painful at better skin contraction ang Smart Lipo laser na kailangan gawin ni Aiai dahil hindi siya pwedeng mag-exercise ng matagalan tulad ng paglalaro ng badminton dahil ang mga paa niya ay nananakit at namamaga sa matagal na nakatayo.
Hindi raw pupwedeng mag-diet si Aiai dahil wala na siyang gall bladder.
At higit sa lahat ang paliwanag ni Aiai kaya siya muling nagpabawas ng "taba" ay "Para maging fresh uli ako at maraming papa, tsaring lang. Hindi no, ayaw ko na, susundin ko ang payo ni Ama (Boy Abunda) na huwag daw muna akong mag-aasawa, ayokong masabihang matigas ang ulo ko," paliwanag pa ng komedyana na mukhang may pinatatamaan.
Anyway, makikita raw ang resulta na maganda na ang katawan ni Aiai in 3 months pero in two days ay puwede na siyang magtrabaho, unlike the tradional lipo na buwan ang kailangang pahinga bago makakilos ng normal. Reggee Bonoan
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended