^

PSN Showbiz

Umiinom na, naninigarilyo pa!

-
Sa totoo lang, awang-awa kami sa mga baguhang sina Jackie Rice at Iwa Moto. Kung noong nakaraang panahon ay matinding build up ang natanggap nila, lalo na noong panahong may Starstruck pa, ngayon ay parang binuhusan ng malamig na tubig ang kanilang career dahil kumalat na nasuspinde sila ng anim na linggo ng kanilang network mismo dahil sa maling attitude.

Sa halip na itago yon para huwag nang makasira sa kanilang stars, inilabas pa nila ang kwentong yon, at ipinaamin sa dalawa ang kanilang kasalanan.

Inamin ni Iwa Moto na may kakulitan siya sa set, at medyo unprofessional din.

Inamin ni Jackie Rice na ang problema ay ang kanyang paninigarilyo at ang kanyang pag-inom na hindi yata nagustuhan ng kanilang network dahil hindi bagay sa kanyang image. Eh ano ngayon ang aasahan mo sa image niya lalo’t siya pa mismo ang nagbulgar doon sa masamang bisyo niya?

Talagang naawa kami doon sa dalawang bata dahil hindi nila alam ang kanilang ginagawa. Noong aminin nila ang mga bagay na yon sa national television, siniraan na rin nila ang kanilang sarili. Admission of guilt ‘yon eh. Inamin na nila sa fans na hindi nga sila iyong mga kahanga-hangang mga artista. Hindi ba mas mahusay sana kung nasuspinde na rin lang, huwag nang pag-usapan pa ‘yon in public para mabigyan sana ng proteksiyon ang kanilang magandang image?
* * *
Isang hapon na napakalakas ng ulan at hindi kami nakalabas ng bahay, wala kaming naging choice kundi ang manood ng telebisyon. Pero napansin namin, ang palabas pala sa tv ay puro mga cartoons na nagpapakita ng violence. Naglipat kami ng channel pero ganoon din ang palabas sa kabila, violent cartoons.

Noon pang 1975, nagpalabas na ng isang pag-aaral ang information ministry ng Japan na nagsasabing ang mga batang exposed sa mga cartoons na nagpapakita ng karahasan ay malamang maging juvenile delinquents. Kasi nga nakakasanayan nilang makita at parang nagiging normal na sa kanila ang violence.

Sa Japan mismo binawasan nila ‘yan, pero ang mga violent cartoons na gawa sa Japan ay itinatambak at inilalabas sa telebisyon dito sa Pilipinas. Nakakatawa di ba? — Ed De Leon

vuukle comment

ED DE LEON

INAMIN

IWA MOTO

JACKIE RICE

KANILANG

NILA

SA JAPAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with