^

PSN Showbiz

"Trabaho lang ang drama namin ni Piolo" — Judy Ann

-
Nakausap namin si Judy Ann Santos pagkatapos ng premiere night ng Umaaraw, Umuulan. Ginambala namin ang pagkukuwentuhan at walang puknat na pagtititigan nila ni Ryan Agoncillo at hiniram siya sa boyfriend.

Ikatutuwa ni Ryan na very proud sa kanya si Judy Ann dahil magaling siya sa pelikula at gwapo sa lahat ng eksena. Hindi halatang nagpaturo siya ng right acting sa girlfriend at pati sa dubbing, inalalayan siya nito.

Sa first week ng September na magtatapos ang Sa Piling Mo nila ni Piolo Pascual. Kung malulungkot ang fans nila sa nalalapit na pagtatapos ng kanilang soap, matutuwa naman ang supporters nila ni Ryan dahil baka matuloy na ang pagsasama nila sa telebisyon.

Hindi naniniwala si Judy Ann na makaka-apekto sa love team nila ni Piolo ang tsikang girlfriend na nito si Rica Peralejo. Tuloy din naman daw ang tambalan nila kahit nakipag-relasyon siya kay Ryan.

"Kung masaya siya sa iba, masaya ako para sa kanya. Kami naman ni Piolo, ‘di nagkukwentuhan ng heart matters. Trabaho lang ang drama namin. Kung totoong sila na ni Rica, good for him," pahayag ni Judy Ann. — NITZ MIRALLES

vuukle comment

GINAMBALA

JUDY ANN

JUDY ANN SANTOS

NILA

PIOLO

PIOLO PASCUAL

RICA PERALEJO

RYAN

RYAN AGONCILLO

SA PILING MO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with