^

PSN Showbiz

Si Gina Pareño ang orihinal na pasaway na artista!

- Veronica R. Samio -
Hindi pa ako nagsusulat nung panahong sumikat si Gina Pareño bilang myembro ng Stars ’66 (Pepito Rodriguez, Rosemarie Sonora, Ricky Belmonte, Edgar Salcedo, Dindo Fernando, Loretta Marquez, Blanca Gomez at Bert Leroy, Jr.) ng Sampaguita Pictures. Kasabay ng aking pag-aaral ng kolehiyo sa UST ay proofreader ako sa Weekly Graphic at sumasama na sa mga lakarang showbiz ni Manay Ethel Ramos, ang itinuturing na Dean ng mga Entertainment Writers at entertainment writer din ng Graphic nun.

Tanda ko na napakasikat nun ng walong kabataang artista, lalo na si Gina na bukod sa pasaway ay talaga namang maganda at pinaka-may makulay na buhay sa walo.

Tanda ko rin na may naka-galit itong isang movie writer na talagang inapi niya. Para lamang ito makalaban sa kanya ng sabayan ay nagpatulong ito para maitatag ang Philippine Movie Press Club (PMPC) na naging weapon ng mga nagsusulat nun sa mga artistang tulad ni Gina Pareño.

More than 30 years ago na yun at isa nang ipinagkakapuring aktres ngayon si Gina, ang tanging naka-survive among the Stars ’66.

The many years have taught her to be mabait and humble at marahil reward niya yung pagiging isang mahusay na aktres o baka naman talagang isinilang siyang isa nang mahusay na aktres, di kaya, Gina?

Maski na sa kanyang mature years patuloy pa ring nagiging isang mahusay na aktres si Gina. She has just bagged the Best Actress award para sa pelikulang Kubrador ng MRL Films sa 8th OSIAN Cine Fan Festival of Asian Cinema. Bukod sa Best Actress nanalo rin ito ng Best Film at Best Director (Jeffrey Jetturian).

Nanalo rin ang pelikula bilang Best Film sa International Critics Jury-Fipresci Award sa 28th Moscow Int’l. Film Festival. Imbitado ito sa International Filmfest ng Toronto, Pusan, Hawaii, Sao Paolo, Thessaloniki, Vancouver, Brussels, Asia at Rome.

Sa dami ng mga pagpapalabas nito sa ibang bansa, unfair naman kung di ito mapapanood ng mga Pinoy kaya nagpasya ang producer nito na si Joji Alonzo na ipalabas ito dito sa atin, sa Agosto 16, sa SM Mall of Asia, Megamall, Southmall, North Edsa, Gateway, Glorietta 4, Market Market at Festival Mall.

Ginagampanan ni Gina Pareño ang role ng isang kubrador sa jueteng na kung saan ay tampok din sina Miguel Castro, Neil Ryan See at si Mr. M ng Star Magic.
* * *
Tatlong bagong mukha pa ang nadagdag sa humahabang roster ng mga bagong discoveries ng Viva – sina PJ Valerio, 16, nadiskubre nang sumali siya sa 1st season ng Star In A Million at nakasama sa Top 30; Ivan Carapiet, 18, model, actor, at isang professional car racer at si Ashley Gruenberg, 17, nakakabatang kapatid ni Polo Ravales, fashion model at isang financial management student ng Miriam.

Si PJ ay kasalukuyang co-host ng Walang Tulugan with the Master Showman at regular sa Posh sa QTV 11. Pinay ang mother niya at German naman ang kanyang ama. Naninirahan ang pamilya sa San Diego. US. Umuwi si PJ dito nung 2004 para magbakasyon at di na siya nakaalis pa.

Apat na taon lamang nang magsimulang mangarera si Ivan. Nakasali na siya sa mga bansang Macau, Switzerland at Japan. Siya ang kasalukuyang champion ng Formula Toyota Cup Series.

Mayro’n siyang Spanish German blood at kamag-anak siya ni Johnny Manahan. "Akala ko madali lang umarte, mas madali pala ang mangarera," sabi niya.

Ayaw sana ni Ashley na ipagsabing kapatid siya ni Polo pero, wala siyang paraan para maitago ito.

Thirteen lamang siya nang tumanggap ng offers para gumawa ng komersyal. Tumanggi siya dahil gusto niyang makatapos muna ng pag-aaral. Di rin siya nakaiwas pero nangako sa mga parents niya na magtatapos siya ng pag-aaral. Isang cheerdancer siya from 1st to 4th year in high School sa St. Paul Pasig.
* * *
E-mail: veronica@philstar,net.ph

ASHLEY GRUENBERG

BERT LEROY

BEST ACTRESS

BEST DIRECTOR

BEST FILM

GINA

GINA PARE

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with