Uma, hindi man lang nagbihis sa presscon ng kanyang movie!
August 6, 2006 | 12:00am
Naniniwala kaming sanay nang matsismis sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid kaya, di na conscious sa kanilang mga kilos. Sweet kung sweet ang dalawa kahit sa harap ng press. Kung malisyosa kami, bibigyan namin ng ibang meaning ang ginawa ni Ogie na to check kung wala nang lagnat ang kasosyo sa Indi Music, idinampi ang palad niya sa neck ng dalaga.
Si Regine naman, inalis ang kung anong dumi sa buhok ni Ogie at sa gesture nilang yun, mag-iisip ka pero, dahil ilang beses na silang tumanggi, sa kanila kami naniniwala. "Mr. President ang tawag ni Regine kay Ogie dahil CEO at President ang designation nito sa itinayo nilang recording company at Chief Finance Officer naman si Regine.
Mauunang i-release ng Indi Music ang movie soundtrack ng "Til I Met You" at pinaaabangan ni Regine ang duet nila ni Robin Padilla. Kasama sa album ang "Alipin" ng Shamrock at gusto na naming marinig ang version niya sa kanta na theme song nina Kapitan Min at Jang Geum sa Jewel In The Palace. May duet din sila ni Dennis Trillo sa album nito na isusulat ni Ogie.
Andrea Jean ang napiling pangalan nina Genesis (dating Patricia Javier) at American husband niyang si Robert Walcher pag babae ang ipinagbubuntis ng actress. Pinagsamang pangalan ito ng mother ni Robert (Andrea) at ina ni Genesis (Jean). Mukhang sigurado ang mag-asawa na baby girl ang isisilang ni Genesis at girls name ang kanilang inihanda.
Natutuwa si Patricia dahil mahal din ng kanyang asawa ang kanyang pamilya. "Nanay" nga ang tawag nito at buong pamilya kay Jean at inakalang yun ang pangalan ng biyenan.
Bumalik na sa San Diego ang husband ni Patricia at naiwan siya ritot magpo-promote ng kanyang "Songs From My Heart" album ng Viva Records. Nagbibigay din siya ng testimony sa simbahan at isini-share ang kanyang pinagdaanan bago nagka-asawa.
"Take care of my baby," ang isa sa bilin ng asawa kay Patricia at yun ang gagawin nito.
Habang tina-type namin ang kolum na ito, naka-schedule ang last presscon ng Oh, My Ghost na showing sa August 16. Aabangan ng press ang suot ni Uma Khouny dahil sa first presscon, dumating itong naka-puruntong shorts at t-shirts. Walang masama sa suot niya kaya lang, nag-effort ang mga kasama niyang magbihis.
Itinuro si Uma ng isang press kay Marvin Agustin na natawa at nag-dialogue ng "Nagbihis ako ha!" Gusto lang sigurong maging komportable ni Uma sa pagharap sa press kaya, ganoon ang kanyang suot.
Iniintriga si Uma dahil hindi sa Star Cinema kundi sa OctoArts Films ang kanyang first movie. Hindi rin daw niya alam at nagpapasalamat siya kay direk Tony Reyes na kumuha sa kanya sa role ng isa sa rapists ni Rufa Mae Quinto.
Si Regine naman, inalis ang kung anong dumi sa buhok ni Ogie at sa gesture nilang yun, mag-iisip ka pero, dahil ilang beses na silang tumanggi, sa kanila kami naniniwala. "Mr. President ang tawag ni Regine kay Ogie dahil CEO at President ang designation nito sa itinayo nilang recording company at Chief Finance Officer naman si Regine.
Mauunang i-release ng Indi Music ang movie soundtrack ng "Til I Met You" at pinaaabangan ni Regine ang duet nila ni Robin Padilla. Kasama sa album ang "Alipin" ng Shamrock at gusto na naming marinig ang version niya sa kanta na theme song nina Kapitan Min at Jang Geum sa Jewel In The Palace. May duet din sila ni Dennis Trillo sa album nito na isusulat ni Ogie.
Natutuwa si Patricia dahil mahal din ng kanyang asawa ang kanyang pamilya. "Nanay" nga ang tawag nito at buong pamilya kay Jean at inakalang yun ang pangalan ng biyenan.
Bumalik na sa San Diego ang husband ni Patricia at naiwan siya ritot magpo-promote ng kanyang "Songs From My Heart" album ng Viva Records. Nagbibigay din siya ng testimony sa simbahan at isini-share ang kanyang pinagdaanan bago nagka-asawa.
"Take care of my baby," ang isa sa bilin ng asawa kay Patricia at yun ang gagawin nito.
Itinuro si Uma ng isang press kay Marvin Agustin na natawa at nag-dialogue ng "Nagbihis ako ha!" Gusto lang sigurong maging komportable ni Uma sa pagharap sa press kaya, ganoon ang kanyang suot.
Iniintriga si Uma dahil hindi sa Star Cinema kundi sa OctoArts Films ang kanyang first movie. Hindi rin daw niya alam at nagpapasalamat siya kay direk Tony Reyes na kumuha sa kanya sa role ng isa sa rapists ni Rufa Mae Quinto.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
January 19, 2025 - 12:00am