^

PSN Showbiz

Japanese male model, napataas pati benta ng lipstick!

ISYU AT BANAT - ISYU AT BANAT Ni Ed De Leon -
Nabigla kami sa isang kwentong nabasa namin, pero totoo yon. Isang car company ang nagdagdag ng produksiyon ng kotse ng apat na ulit ang dami, matapos na yon ay ipa-endorse nila sa isang Japanese actor, si Takuya Kimura. Tumaas din daw ang sales ng isang sikat na denim pants, matapos na i-endorse ito ni Takuya.

Natawag pa ang aming pansin nang sabihin na siya ang kauna-unahang lalaking nag-model at nag-endorse ng lipstick sa Japan, at sampung doble ang naging sales noon.

May report din na lahat ng ginawa niyang teleserye ay naging malaking hit sa Japan, at ang pinakamababang ratings na nakuha niya ay 28 %. Ang average rating ng kanyang mga tv series ay 30 %. Lumalabas ding karamihan sa kanyang mga fans sa Japan ay mga babae, at mga bading din.

Bumaba raw ng kaunti ang kanyang popularidad nang pakasalan niya ang singer na si Kudo Shizuke, pero muling tumaas ang kanyang popularidad nang mabalitang mag-didiborsyo sila.

Kagaya rin yan dito sa atin, bumababa ang popularidad ng mga matinee idols basta nag- asawa na sila, kasi hindi na sila "available" at di na rin desireable sa paningin ng mga fans.

Kung iisipin natin, bakit may mga sumisikat na ganyang artista sa Japan? Bakit sa Korea at iba pang mga bansang Asyano ay sikat na sikat din naman ang singer at aktor na si Rain.

Kung titingnan mo, mas may hitsurang di hamak ang maraming artistang Pilipino. Kung panonoorin mo naman ang acting nila, napaka-ordinaryo naman. Ganun din ang mga serye na ginagawa nila.

Kaya lang siguro sumisikat ang mga artistang dayuhang iyan ay dahil suportado sila ng kanilang mga producers. Tingnan ninyo, hanggang dito sa atin nakakarating ang mga seryeng ginagawa nila at nagkakaroon sila ng mga fans. Iyan ang problema natin, walang masyadong foresight ang mga tao rito sa atin, at ang mga producers natin ay ayaw mamuhunan sa mga artista natin.
* * *
Gusto lang naming ipaalala sa inyo, sa Agosto 11 ang kapistahan ni Santa Clara, ang patrona ng mga walang anak, mabuting bokasyon, ng magandang panahon, at patrona rin ng telebisyon. Ang malaking pagdiriwang ay gagawin maghapon sa monasteryo ng mga mongha ni Santa Clara diyan sa may kanto ng Katipunan Road at Aurora Boulevard sa Quezon City.

Kung mayroon kayong mga kahilingan sa Diyos, subukan din ninyong mag-nobena kay Santa Clara.

AGOSTO

ASYANO

AURORA BOULEVARD

KATIPUNAN ROAD

KUDO SHIZUKE

QUEZON CITY

SANTA CLARA

TAKUYA KIMURA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with