^

PSN Showbiz

Aga, magkakaroon ng talkshow

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Kuwentuhan to the max ang nangyari sa birthday dinner ng ‘dean’ ng entertainment journalism na si Ms. Ethel Ramos the other night na ginanap sa Florabel restaurant sa Podium.

Kasabay ng nasabing dinner ni Tita Ethel ang birthday dinner din ng pinaka-mahal niyang talent na si Aga Muhlach na magsi-celebrate ng kanyang birthday on August 6.

Present siyempre ang common friends nina Tita Ethel and Aga although mas maraming friends ni Tita Ethel.

Present si Sen. Bong Revilla, Rudy Fernandez, Phillip Salvador, Navotas Mayor Toby Tiangco, Mother Lily Monteverde and daughter Roselle, Ricky Davao, Tirso Cruz III and his wife Lyn, Paul Cabral, Andeng Ynares and her sister Rowena at marami pang iba.

Andun din syempre ang talent managers na sina Tito Douglas Quijano, Tita Dolor Guevarra, Shirley Kuan, Girlie Rodis, Pat P. Daza, Lawrence Tan at marami pang mga kaibigan niya sa panulat like Ricky Lo, Cristy Fermin, Veronica Samio, Maridol Bismark, Isah Red, Ian Fariñas, Shirley Pizarro, Gie Trillana, Ernie Pecho, Nora Calderon, Leah Salterio, Peachy Guioguio among others.

Sa friends ni Aga, present sila Serafin Pua (Lily’s Peanut Butter), Tonton Manlongat, Gelo Serrano, Icel, Father Tito Caluag at marami pang iba.

Maraming kwento si Fr. Tito. Pino-propose nila pala na magkaroon ng sariling chapel ang ABS-CBN at starting next week, may daily mass na rin sa Kapamilya Network.

Si Father din ang nag-mention na after ng Ok Fine, malamang na isang mala-MMK show ang gagawin ni Aga. Pero bagets ang ika-cater nilang audience at sila nila Aga ang magho-host ng programa. Wala pang definite tungkol sa nasabing project pero ongoing na ang talks between him and ABS-CBN.

Si Fr. Ang partner ng grupo nila Aga sa project na PAG-ASA, isang project na sinimulan nila nina Tita Ethel para sa mga ilang mga batang hindi nagkaroon ng pagkakataon na mag-aral.

Si Direk Joyce Bernal naman, ang dami pala niyang naka-line up na project kasama na ang movie nila nina Aga at Sharon Cuneta, ang kay Sarah Geronimo and nagpapa-direk din sa kanya si Regine Velasquez.

Medyo late nang dumating si Charlene Gonzales, galing daw siya sa taping ng At Home Ka Rito. At kaka-hair extension din lang niya dahil kailangan niya ng new look for SM pictorial.

At nang mag-joke kami kay Charlene kung willing siyang mag-pose for FHM ngayong sunud-sunod ang mga sexy mom cover ng nasabing men’s magazine, violent ang reaction ni Aga. "Kung puwede nga parati siyang naka-jacket," react ni Aga.

Si Kuya Ipe, hindi niya kasamang dumating si Emma Karen na persistent ang rumor na hiwalay na sila. Tempted na akong tanungin kung totoo ang tsismis. Pero siyempre, wala kami sa proper venue to ask him.

Si Daboy, parang hindi nagkasakit. Healthy ang hitsura at walang trace na na-opera siya. Hindi naman sa kanya masamang magpuyat pero kung hindi niya gagawin, mas maigi.

Katabi ko sa table ang guwapong mayor ng Navotas, si Mayor Toby. Kuwento niya na sa eight barangays sa Navotas na dating binabaha, ngayon, two barangays na lang ang hindi nila napapagawan ng pumping stations na siya ngayong nagko-control ng flood sa kanyang nasasakupan. Kung tutuusin, marami siyang na-implement na project sa Navotas.

Maraming showbiz friends itong si Mayor kaya madalas ito sa mga showbiz functions.

Kuwentuhan din ang tungkol sa bilihan ng pirated copies ng DVD ang Metrowalk. Dami raw do’ng copy ng mga hard to find na movies. Kaya lang ang siste, aware kaya si OMB Chairman Edu Manzano na may nagngungulekta raw sa Metrowalk na nagpapakilalang taga-OMB? Definitely, hindi aware dito si Chairman Manzano dahil talagang dibdiban ang kampanya niya against piracy kaya lang, talagang madulas ang mga namimirata.

Naki-join nga pala sa party si Ms. Liza Gokongwei. Very humble pala si Ms. Liza na may-ari Summit Publishing.

Pinag-usapan din si Keanna Reeves na pati ang manager niyang si Boy Abunda ay pinagdududahan na ang kinukuhang komisyon. Pati raw ang P10,000 na talent fee ay ayaw na nitong tanggapin.

Anyway, grabe, marami pang kuwento tungkol sa birthday celebration nina Tita Ethel and Aga.

Mother and son na ang turingan ng dalawa. Kaya nga birthday wish niya, "more wealth for Aga" dahil sure na more din ‘yun para sa kanya, di ba tita Ethel?

Cheers for Aga and Tita Ethel...

vuukle comment

AGA

AGA AND TITA ETHEL

DIN

ETHEL

NAVOTAS

NIYA

TITA

TITA ETHEL

TITA ETHEL AND AGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with