^

PSN Showbiz

Vic, Pia, magkasama sa HK Disneyland

- Veronica R. Samio -
Isang reader natin ang nag-email ng isang photo niya na kuha kasama si Vic Sotto sa Hongkong. Ayon sa ating female reader, nasa Hongkong siya nung July 17-22 at nakita niyang magkasama sa Hongkong Disneyland ang sikat na host ng Eat Bulaga kasama ang kanyang co-host at current apple of his eyes na si Pia Guanio.

"Bakit kailangan pa nilang mag-deny ng kanilang relasyon gayong nakikita naman sila ng marami na magkasama?" tanong ng reader na ayaw nang magpabanggit ng pangalan. (Di na po nila itinatago ang kanilang relasyon. Umamin na po si Pia tungkol dito.-Ed)
* * *
Nakapagtatakang di nagkadebelopan sina Rufa Mae Quinto at Marvin Agustin, mga stars ng Oh My Ghost ng OctoArts gayong inamin ni Rufa Mae na kahit tapos na ang unang pelikulang pinagsamahan nila, ang Super B ay madalas pa rin silang lumabas na magkasama.

"Marvin is one of my closest friends in the business. Di namin nakita ang isa’t isa sa ibang level, talagang magkaibigan lang kami. Madali akong naka-relate sa kanya dahil pareho kaming family-oriented. Hanga rin ako sa kanya dahil di siya takot mag-experiment sa roles," sabi ng sexy star tungkol kay Marvin.

Si Rufa Mae ay isang multo sa movie na namatay sa pagtatangka niyang maiwasan ang balak na pangre-rape sa kanya nina Paolo Contis, Uma Khouny at Carlos Agassi.

"Maraming nakatutuwang eksena rito, lalo na yung court scene dahil I got the chance na maka-eksena sina Jose Manalo at Sugar Mercado. Maaaliw talaga ang manonood, " sey ni Rufa Mae.
* * *
Ongoing sa buwang ito ng Agosto ang 777 celebration ng Ratsky. 777 stands for the 7th anniversary of Ratsky Malate sa last week of the 7th month of the year (July) at 7 banda (True Faith, Impulse, Novia, Play, Nostalgia, Serenity, K&the Boxers at Six Part Invention) ang halinhinang aaliw sa mga pupunta rito.

Tampok din sa buwang ito si Randy Santiago (Aug. 3, 11, 18, 25) True Faith (Aug. 4), Karylle ( Aug. 11, 18 & 25), Cueshe with Jeazell ( Aug. 17) at Magic of Erik Mana (Aug. 19).

Nasa Morato naman si Jericho Rosales at ang Jeans Band (Aug 4), True Faith (Aug. 5), Cueshe & Jeazell (Aug. 10), Side A (Aug. 19) at The Dawn (Aug. 25).

Pwedeng tumawag sa Malate (5238608-09) at Morato (3739882).
* * *
Dumating na si Marri Nallos, ang tinaguriang Crystal Voice of Asia mula sa kanyang annual vacation in London at bukas ay simula na ng promo ng kanyang album sa Sony-BMG Records. Kakanta siya sa thanksgiving concert at fundraising ng Congregation of the Blessed Sacrament (Sacramento), Province of Our Lady of the Assumption na pinamagatang 50 Years na Kami sa Sta. Cruz Church kasama ang Tiongco Brothers, Juan Rodrigo at Christian. Ang kikitain dito ay gagamitin ng SSS Foundation para sa lumalaking bilang ng mga seminarista.

Carrier single ng album ay "Mahal Naman Kita" na ginawa ni
Marizen Yanesa-Soriano at ang bersyon niya ng "Imagine" ni John Lennon at ang "You Are My Destiny" ni Paul Anka na pinagduetan nila ni Juan Rodrigo.

Kumakanta si Marri Thursdays sa Hyatt Casino & Hotel Manila at isa siya sa mga interpreter ng
Bilib Ako Sa ‘Yo Pinoy Awit Abroad na ilulunsad via live webcast.
* * *
E-mail: [email protected]

vuukle comment

AUG

BILIB AKO SA

CARLOS AGASSI

CENTER

CONGREGATION OF THE BLESSED SACRAMENT

JUAN RODRIGO

RUFA MAE

TRUE FAITH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with