^

PSN Showbiz

Labanang Pacquiao, Montano, Ortega para vice mayor ng Maynila!

-
Deretsahang idininay ni Phoemela Baranda sa The Buzz nung Linggo ang naisulat namin dito sa PSN last week (Wednesday) na umiinom siya sa oras ng trabaho.

Maraming detalye kaming ibinigay para mapatunayang umiinom siya sa oras ng trabaho at sa katunayan ay naka-quote pa mismo ang mga source namin at binanggit din naming may mga footages pang nakunang tumutungga nga siya ng alak na nakalalasing.

Hindi na sana namin babalikan pa si Phoemela dahil expected na naming itatanggi niya uli ito tulad ng nauna niyang pagdi-deny sa isyung humitit siya ng marijuana ka-jamming ang ilang staff ng Extra Challenge nung nasa Baguio City sila na naging dahilan kaya siya tsinugi sa nabanggit na programa at nalipat na nga siya sa ABS-CBN.

Pero sa The Buzz nung Linggo ay deretsahan niyang "inamin" na nagkamali na siya noon sa isyung droga at hindi na raw mauulit pa lalo’t nabigyan na siya ng pangalawang chance.

Inamin din niya na umiinom siya ng wine kapag may mga okasyon at hindi naman daw iyon maiiwasan, okey na sana, kaso hindi raw siya umiinom kapag oras ng trabaho, e, ano yung mga nakunang footages sa ilang showbiz events na tumutungga siya ng inuming nakalalasing?

Ipinakita sa nasabing programa ang nasulat namin dito sa PSN tungkol kay Phoem na siya niyang itinanggi.
* * *
Naaliw naman kami rito kay mommy Dolly Ann Carvajal ni IC Mendoza dahil marami itong kwento tungkol sa ‘dalagita’ niyang anak na hindi namin ini-expect na manggagaling mismo sa kanya.

Nakakuwentuhan kasi si Dolly Ann ng isa naming kasamahan sa trabaho at ibinabalita ang mga movie project ng anak at ilang tv guestings.  Masaya si Dolly Ann sa tinatakbo ng career ng anak.

Maya-maya ay nabanggit na raw ni Dolly Ann na, "Naku, si IC, magpapadagdag na rin ng butt kasi napag-isip-isip niyang need niya yun."

In fairness, oo nga kasi payat si IC at wala nga siyang butt kaya tama lang na magpadagdag siya at may tv coverage ang programang Ang Pagbabago ng GMA-7 tungkol dito.

Ang luka-luka naming katoto ay naitanong sa ina ni IC kung bakit butt lang ang padagdagan, bakit hindi pati yung ‘harapan’ nito ay dagdagan na rin para lumaki tulad ng ginawa sa isang actor na may jowang sexy actress ngayon.

Ang nakakalokang say daw ni Dolly Ann, "Naku, hindi na need, sa totoo lang kung naging tunay na lalaki si IC, bongga hahabulin siya ng mga babae kasi sobrang laki."

Ano kayang say ni IC na ibinuking ng kanyang mother dear?
* * *
Ano ba talaga ang gustong karera ni WBC International Featherweight Champion Manny "Pacman" Pacquiao?.

Sa nakaraang birthday party ni Ms. Cristy Fermin sa Metro Bar ay nag-concert daw siya at base sa mga nakapanood ay mukha siyang "call boy" sa suot niya dahil fitting na kumikintab-kintab na shirt at fitting din ang pantalon na halos bakat daw ang hinaharap at mega promote na rin siya ng kanyang album.

Tapos may dalawang pelikula pa siyang gagawin sa FLT Films, na tila wala siyang care kung nag-flop ang Pacquiao Movie dahil katwiran niya ay si Jericho Rosales naman ang bida at hindi siya.

Pero ang pelikulang Lisensyadong Kamao na si Manny mismo ang bida at kasama sina Eddie Garcia, Sheree at Juliana Palermo na distributed ngayon ng Viva Video ay kumikita naman, kaya ang ibig sabihin ay basta si Manny, sure hit tulad ng kaliwa’t kanan niyang product endorsements na malalakas din.

Hindi lang namin alam kung mananalo siya kapag natuloy siyang kumandidatong Vice-Mayor ng Maynila dahil makakalaban niya si Cesar Montano (na nag-iisip pa kung sa Maynila siya kakandidato o sa Bohol) at Robert Ortega na nag-last term na bilang Konsehal ng Maynila.
* * *
Mukhang na-trauma si Judy Ann Santos sa nangyari sa kanyang ate Jackquiline Santos-Bumatay na binugbog ng asawang si Don Bert Bumatay dahil tila nagdadalawang isip itong magpakasal sa kanyang boyfriend na si Ryan Agoncillo next year.

Hindi sa January 2007 ang altar date ng dalawa, nasa kalagitnaan ito, pero base sa nangyari ay mukhang mauurong ito lalo’t nagsalita pa ang ina nilang si Mommy Carol Santos na mag-isip munang maigi bago magpakasal dahil hindi ‘yan kaning isusubo na kapag napaso ay basta na lang iluluwa. – REGGEE BONOAN

ANG PAGBABAGO

ANO

BAGUIO CITY

CESAR MONTANO

DAHIL

DOLLY ANN

MAYNILA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with