^

PSN Showbiz

Movie industry, balik sa dating sigla

RATED A - Aster Amoyo -
Naaaliw kami sa ex-PBB housemate na si Uma Khouny dahil kahit isa na siyang sikat na celebrity ngayon, hindi pa rin pumapasok sa kanyang utak ang pagka-showbiz. Sa presscon ng Oh My Ghost, isang horror-comedy movie na pinagbibidahan nina Rufa Mae Quinto at Marvin Agustin sa ilalim ng OctoArts Films at kung saan siya ipinapakilala, very straightforward siya kung sumagot.

Lebanese ang ama ni Uma at Filipina naman ang kanyang ina at sa Israel naman siya ipinanganak at lumaki. May giyera ngayon sa Israel at Lebanon, hindi ba siya worried sa kanyang ama at sa bagong pamilya nito?

"Hindi naman po dahil malayo naman sila sa lugar ng giyera," aniya.

Dahil Israeli passport ang hawak ni Uma, nag-apply siya ng working permit para magtrabaho rito sa Pilipinas.

Kumusta na sila ng kanyang dating kasamahan sa PBB house na si Cass Ponti?

"Okey naman kami. We’re still very good friends, lumalabas kami at nagkatawagan?"

Nasaang level na ba ang kanilang relasyon?

"In a scale of 1 to 10, nasa 9-1/2 na kami," pag-amin niya, isang indikasyon na may unawaan na silang dalawa.

Nang balingan naman namin si Paolo Contis kung saang level na ang relasyon nila ni Isabel Oli, pabiro naman nitong sinabi na nasa 9 and 1/4 na raw sila.

Si Carlos Agassi naman na kasama rin sa movie ay umamin na meron siyang non-showbiz girlfriend at mahigit dalawang taon na ang kanilang relasyon. Ayaw nga lamang pangalanan ni Carlos ang kanyang girlfriend dahil very private person daw ito.

Sina Uma, Paolo at Carlos ay siyang mga rapist ni Rufa Mae sa nakakaaliw at nakakatakot na Oh My Ghost na matutunghayan na sa mga sinehan simula sa Agosto 16. Ito’y pinamahalaan ni Tony Y. Reyes.
* * *
Mukhang gumaganda na ang takbo ng movie industry dahil mas marami ang output sa taong ito kumpara sa mga nakaraang taon. Maging ang ilang movie producers na pansamantalang huminto sa pagpu-produce ay bumalik na rin sa paggawa ng pelikula tulad ng Viva Films, Seiko Films at Violett Films.

Maging ang Star Cinema ay mas marami ang pelikula sa taong ito kaysa nung isang taon. Maging ang OctoArts Films na pang-Metro Manila Film Festival lamang ang ginagawa ay gumagawa na rin ng mga non-festival films. Kapag nagtuluy-tuloy ang pagganda ng takbo ng movie industry, tiyak na mas maraming artista at movie workers ang magkakaroon ng trabaho.

Ibig naman naming bigyan ng kredito si Mother Lily Monteverde ng Regal Films na hindi huminto sa pagpu-produce kahit hindi kumikita ang iba niyang mga pelikula.

Samantala, mukhang unti-unti na ring bumabalik ang enthusiasm ng OctoArts big boss na si Orly Ilacad sa pagpu-produce ng pelikula. Pagkatapos ng showing ng Oh My Ghost ngayong Agosto 16 ay tatlong pelikula kaagad ang kanyang sisimulan na pawang kalahok sa darating na MMFF, ang Enteng Kabisote 3 na muling pagbibidahan ni Vic Sotto, ang Short Time na muling pagsasamahan nina Rufa mae Quinto at Marvin Agustin at ang Karma na pagbibidahan naman ni Gretchen Barretto.
* * *
Sina Marvin Agustin, Paolo Contis, Carlos Agassi at Uma Khouny ang nagbuking kay Rufa Mae Quinto na dumadalaw sa set ng Oh My Ghost si Erik Santos nung ginagawa pa nila ang pelikula at sila rin mismo ang nagpatunay kung gaano ka-sweet ang dalawa.

Marami rin ang nakapuna na mas naging religious si Rufa Mae magmula nang maging sila ni Erik. Nabawas-bawasan na rin umano ang pagka-kikay ni Rufa Mae.

Hindi rin problema kina Rufa Mae at Erik kung nasa magkabila silang bakod 2 at 7.

Dahil sa sobrang busy nila sa kanilang respective careers, halos once a week na lamang umano sila kung magkita at nagtitiyaga na lamang sila sa tawagan at palitan ng text.
* * *
Sina Carmi Martin at Gene Padilla ang mga ispesyal na panauhin bukas ng gabi sa Bahay Mo Ba ‘To na pinangungunahan nina Ronaldo Valdez at Tessie Tomas.

Ang Bahay Mo Ba ’To ay tinatampukan din nina Gladys Reyes, Wendell Ramos, Keempee de Leon, Francine Prieto, Sunshine Dizon, Sherilyn Reyes, Mike ‘Pekto’ Nacua at iba pa mula sa direksiyon ni Al Quinn.
* * *
Sayang at hindi namin nakita nang personal si Julian ng My Girl nang ito’y dumalaw ng Pilipinas kamakailan lamang. Naku-cute-tan kami sa Korean TV series na ito at hindi namin ikinakaila na talagang sinusubaybayan namin ito.

Habang papalapit na ang pagtatapos ng My Girl ay lalong nagiging exciting at kapana-panabik ang mga episode nito.
* * *


Personal:
Happy birthday bukas (Aug. 1) sa ‘reyna’ ng entertainment press na si Manay Ethel Ramos.
* * *
E-mail: [email protected]

BAHAY MO BA

CARLOS AGASSI

CENTER

MARVIN AGUSTIN

NAMAN

OH MY GHOST

RUFA MAE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with