^

PSN Showbiz

Rufa Mae, di nagustuhan ang comment ni Goma kay Erik!

-
Tinawagan namin si mommy Carol Santos, ina ng magkapatid na Jeffrey at Judy Ann Santos tungkol sa kasong pambubugbog na isinampa ng kanyang pangalawang anak na si Jackie Santos laban sa asawa nito two days ago sa QC Fiscal’s Office.

Ipinaliwanag sa amin ng ina ng magkakapatid na away mag-asawa na humantong sa pananakit kaya’t kinakailangang ipagbigay alam na sa pulis para sa proteksyon at nagsampa na rin ng kasong violations against women. 

"Actually, matagal nang hiwalay si Jackie sa asawa niya kasi nga may babae, e, paano ka pa makikisama kung may ibang babae na?  Kaya wala na siyang dapat pakialam sa anak ko kasi hiwalay na sila, e, bakit niya sinaktan? Ni minsan hindi ko nakanti ang anak ko, tapos heto, sasaktan lang ng kung sino?

"Kaya nung nagsampa si Jackie, in full force kaming mag-iina, kasama ko si Jeffrey at Juday plus Ryan (Agoncillo) na panay ang alo sa akin.

"Walang pwedeng manakit sa mga anak ko, lalo na mga babae ‘yan, tingin ko bakla ang pumapatol sa babae," matigas na tinig ni mommy Carol.

As of now ay nasa bahay nila ni Budaday sa North Susana Heights nakatira si Jackie kasama ang tatlong anak, "Para hindi puntahan ng lalaking yun.  Ang kapal ng mukha niyang saktan ang anak ko, wala na nga siyang trabaho, ganyan pa siya?" irritable pang sabi ni mommy Carol.

Samantala, sumigla uli ang tono ng ina ni Juday nang kumustahin namin ang tv commercial nilang mag-ina.

 "Hayun, may two shooting days pa ako, sa August 5 and 6, series kasi ‘yun kaya hindi pa tapos," say sa amin.

 Nakapagtataka kung paano napapayag ang mahiyaing ina ng aktres?

"E, hindi raw matutuloy yung tv commercial kung hindi ako kasama kasi yun daw ang concept, e, sayang naman kasi malaki rin ang tf ni Juday do’n, makakatulong din sa pambayad niya sa mga bayarin," esplika pa niya.

Hindi nahiyang aminin ni Mommy Carol na inaabot siya ng 7 takes dahil sa ninenerbyos at maraming anggulong kinukunan. 
* * *
Hindi nagustuhan ni Rufa Mae Quinto ang binitiwang salita raw ni Richard Gomez na bakit si Erik Santos ang mas pinili nitong maging boyfriend kesa kay Piolo Pascual?

Kung hindi kami nagkakamali ay inamin ng komedyanang aktres sa S-Files na ‘sila’ na ni Erik na kapwa niya talent sa Backroom Inc.

At simula ro’n ay kung anik-anik ng reaction ang naririnig ni bombshell Rufa Mae tungkol kay Erik at isa na nga raw si Goma.

Say daw ni Rufa Mae sa ilang katotong nakausap niya, "Kaibigan ko si Goma at nagkikita kami sa mga event, pero hindi ko pinapansin ‘yang isyu na ‘yan, but since lumalaki na, siguro it’s about time na kausapin ko siya, hindi kasi maganda."

Hindi nga naman maiaalis na hindi makarinig ng side comments ang sexy comedienne dahil matagal nang kinu-kuwestiyon ang gender ni Erik. — Reggee Bonoan

vuukle comment

BACKROOM INC

CAROL SANTOS

ERIK

ERIK SANTOS

GOMA

JACKIE SANTOS

JUDAY

RUFA MAE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with