Ang ginawa kay Ethel, ginawa rin kay Gwen!
July 30, 2006 | 12:00am
"Bollywood Fever" ang title ng album na ginawa ng sexy star na si Rica Peralejo. Ang tinatawag na Bollywood ay ang bansang India, dahil nakikipaglaban sila sa dami ng nagagawang pelikula sa Hollywood noong araw. Hanggang ngayon ang India ang nangunguna sa Asya sa paramihan ng ginagawang pelikula, bagamat sinasabi ng mga kritiko na talo naman sila ng Korea sa creativity at technical advancement sa pelikula.
Pero totoo rin ang sinasabi nila, napakahilig ng mga taga-India sa musika, kaya nga ang mga pelikulang Bollywood, sabihin mo mang action, drama, o kahit na ano pa siya, tiyak na may isang eksena kung saan may isisingit na musical portion.
Kung pakikinggan ninyo ang musika sa album ni Rica, talagang tunog Indian iyon. In fact iyong isang kanta niya, katunog noong dance music sa pelikulang Lagaan, na umani ng maraming awards sa ibat ibang festivals sa buong mundo.
Magandang ideya yan, dahil gumawa siya ng tribute sa musika ng isang bansang Asyano. Siguro kung magiging ok ang resulta ng kanyang album, maaari naman siyang gumawa ng iba pa na inspired naman ng kultura ng iba pang mga bansa. Maaari rin naman siyang gumawa ng inspired ng kultura ng Pilipinas.
Mabuti naman at naisipan ni Rica na gumawa na rin ng album. Ang totoo, medyo mahina ngayon ang music industry. Bihira kasi ang gumagawa ng album dahil sa matinding piracy. Bukod doon, masyadong busy ang mga artists sa kanilang mga concerts kung saan sila kumikita ng mas malaki, at dahil doon hindi halos nila maasikaso ang maghanda para sa recordings. Kaya nga bukod sa problema ng piracy, ang isa pang problema nila ay parang nagkukulang din sa recording artists.
Kailangan kasi may mga baguhan ka, na tatanggapin ng publiko. Ok naman ang timing ni Rica, at ang kanyang popularidad bilang isang aktres ay plus factor din para mabili ang kanyang album.
Parang hindi maganda ang naging comment ng bold star na si Gwen Garci tungkol sa kanyang dating boyfriend na si Andrew Wolfe. Lalo na nga ang kanyang comment na sana huwag niyang lokohin si Keanna.
Hindi man niya sinabi, parang inaamin niya na noong silang dalawa pa ni Andrew ay nag-take advantage ito sa kanya. Para bang sinasabi niya ngayon na niloko siya o inisahan siya ng dati niyang boyfriend.
Noong panahon na sinasabi ito ni Ethel Booba, dahil inaamin naman niya noon na naging boyfriend din niya at naka-live in si Andrew ng apat na araw, galit na galit si Gwen at sinasabing buwag daw pagbintangan nang ganoon si Andrew, kasi nagkabalikan sila. Ngayon na naging syota yon ni Keanna Reeves, iba na ang sinasabi niya.
Kahit na raw sa kanyang pinupuntahang beauty parlor at spa, hindi matigil ang pagkukuwento ng isang matronang showbiz personality tungkol sa kanyang batam-batang boyfriend, na halos anak na nga lang niya. Mukhang open din naman ang matrona na kailangan niyang datungan ang kanyang boyfriend ngayon, dahil kung hindi ba naman papatulan siya ng isang lalaking napakabata at guwapong kagaya ng boyfriend niya ngayon?
Kaya nga lang, kilalang gold digger ang boyfriend niyang yon.
Pero totoo rin ang sinasabi nila, napakahilig ng mga taga-India sa musika, kaya nga ang mga pelikulang Bollywood, sabihin mo mang action, drama, o kahit na ano pa siya, tiyak na may isang eksena kung saan may isisingit na musical portion.
Kung pakikinggan ninyo ang musika sa album ni Rica, talagang tunog Indian iyon. In fact iyong isang kanta niya, katunog noong dance music sa pelikulang Lagaan, na umani ng maraming awards sa ibat ibang festivals sa buong mundo.
Magandang ideya yan, dahil gumawa siya ng tribute sa musika ng isang bansang Asyano. Siguro kung magiging ok ang resulta ng kanyang album, maaari naman siyang gumawa ng iba pa na inspired naman ng kultura ng iba pang mga bansa. Maaari rin naman siyang gumawa ng inspired ng kultura ng Pilipinas.
Mabuti naman at naisipan ni Rica na gumawa na rin ng album. Ang totoo, medyo mahina ngayon ang music industry. Bihira kasi ang gumagawa ng album dahil sa matinding piracy. Bukod doon, masyadong busy ang mga artists sa kanilang mga concerts kung saan sila kumikita ng mas malaki, at dahil doon hindi halos nila maasikaso ang maghanda para sa recordings. Kaya nga bukod sa problema ng piracy, ang isa pang problema nila ay parang nagkukulang din sa recording artists.
Kailangan kasi may mga baguhan ka, na tatanggapin ng publiko. Ok naman ang timing ni Rica, at ang kanyang popularidad bilang isang aktres ay plus factor din para mabili ang kanyang album.
Hindi man niya sinabi, parang inaamin niya na noong silang dalawa pa ni Andrew ay nag-take advantage ito sa kanya. Para bang sinasabi niya ngayon na niloko siya o inisahan siya ng dati niyang boyfriend.
Noong panahon na sinasabi ito ni Ethel Booba, dahil inaamin naman niya noon na naging boyfriend din niya at naka-live in si Andrew ng apat na araw, galit na galit si Gwen at sinasabing buwag daw pagbintangan nang ganoon si Andrew, kasi nagkabalikan sila. Ngayon na naging syota yon ni Keanna Reeves, iba na ang sinasabi niya.
Kaya nga lang, kilalang gold digger ang boyfriend niyang yon.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended