Jen, di na masaya sa Viva!
July 29, 2006 | 12:00am
"Hindi ito totoo!" ang may pagkabiglang sabi ni Jen Rosendahl nang kunan namin siya ng pahayag tungkol sa bali-balitang iiwan na niya ang Viva dahilan sa walang nabibigay ito sa kanyang solo projects.
"Kung walang Viva, wala ring Jen Rosendahl. At saka may mga assignments naman ako. Di nga ako bida sa Reyna na pinagbibidahan ni Keanna Reeves pero, maganda ang role ko rito. Ako yung beauty queen na palaging tumatalo sa kanya," aniya.
Inaabangan na rin ang bagong video ng Viva Hot Babes na kung saan ay nag-topless si Jen.
Itatampok na rin sa Magpakailanman ang istorya ng kanyang buhay.
Unti-unti nang napapansin ang kahusayan ni Marc Velasco di lamang sa pagtugtog ng gitara kundi maging sa folksinging. Napapanood ito Fridays at Saturdays sa The Woodmans Head, isang British pub na matatagpuan sa P. Burgos St., sa Makati City.
Isang multi-talented artist-songwriter-musician si Marc na mayrong AB Economics degree mula sa Ateneo de Zamboanga. Nang dumating siya ng Maynila ay nagpatuloy siya ng pag-aaral sa Ateneo de Manila kunsaan nagtapos din siya ng MassCom-Journalism.
Hindi natin namamalayan, pero nasa bansa pala si Jasmine Trias ng American idol. Katunayan, mapapanood siya ngayong hapon sa SM Sta Rosa at bukas sa SM North Edsa. Bahagi ang mga palabas ng promo ng kanyang self-titled album sa Universal Records. na isa nang certified gold. Magkakaron siya ng show at autograph signing.
Ngayong gabi naman ang pinaka-aabangang concert ni Sharon Cuneta para sa kanyang mga Kabalen sa Clark Expo, Angeles City, Pampanga. Pinamagatang Megastar Sharon Cuneta Live in Pampanga, ang concert ay prodyus ng Live Artist Production. Special guest niya si Christian Bautista.
Palabas din ngayong gabi ang Two of a Kind ng Royale Era Entertainment na nagtatampok kina Pops Fernandez at Ogie Alcasid kasama sina Gladys Guevarra at Ritchie Paul Gutierrez.
Mapapanood ito sa Dusit Hotel Nikko Makati, 7NG dinner at 9NG showtime. Sponsor ang GMA, Calayan, Bench, Onecard at Don Henricos. Tumawag sa 7272534/7272536/09198191389 para sa tiket.
"Kung walang Viva, wala ring Jen Rosendahl. At saka may mga assignments naman ako. Di nga ako bida sa Reyna na pinagbibidahan ni Keanna Reeves pero, maganda ang role ko rito. Ako yung beauty queen na palaging tumatalo sa kanya," aniya.
Inaabangan na rin ang bagong video ng Viva Hot Babes na kung saan ay nag-topless si Jen.
Itatampok na rin sa Magpakailanman ang istorya ng kanyang buhay.
Isang multi-talented artist-songwriter-musician si Marc na mayrong AB Economics degree mula sa Ateneo de Zamboanga. Nang dumating siya ng Maynila ay nagpatuloy siya ng pag-aaral sa Ateneo de Manila kunsaan nagtapos din siya ng MassCom-Journalism.
Palabas din ngayong gabi ang Two of a Kind ng Royale Era Entertainment na nagtatampok kina Pops Fernandez at Ogie Alcasid kasama sina Gladys Guevarra at Ritchie Paul Gutierrez.
Mapapanood ito sa Dusit Hotel Nikko Makati, 7NG dinner at 9NG showtime. Sponsor ang GMA, Calayan, Bench, Onecard at Don Henricos. Tumawag sa 7272534/7272536/09198191389 para sa tiket.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended