^

PSN Showbiz

’Di pwedeng tanggihan ni Susan si Dolphy!

-
Kaarawan ngayong araw na ito ng nag-iisang Movie Queen ng Philippine Movies na si Ms. Susan Roces kaya naman masaya siya sa presscon ng comeback TV series niyang John En Shirley na mapapanood na bukas, Sabado (July 29) sa ABS-CBN kasama sina Dolphy at Maricel Soriano.

Maraming nagulat sa muling pagbabalik ng ‘reyna’ sa TV dahil nga maraming beses nang inalok ito, pero iisa parati ang sagot niya, "NO".

Kaya naman ang unang tanong sa kanya ay kung paano siya na-pursuade ni Ms. Kitchie Benedicto para lumabas sa TV muli.

"Actually, hindi na ako kailangang i-pursuade pa dahil nu’ng malaman ko na makakasama ko sina Dolphy na una kong nakasama sa pelikulang Boksingero at si Maricel (Soriano) sa Inday, Inday sa Balitaw, ano pa ba ang kailangan kong isagot kundi ‘oo’ na?

"Follower ako ng John en Marsha for 17 years. Hesitant lang ako nung una na tanggapin ang project, dahil baka hindi ko maibigay ‘yung hinihingi ng role at saka kung matatanggap ba ako ng followers ng John en Marsha?

"So, I really felt nervous and excited sa project na ito, lalo na ‘yung gagampanan kong role na mala-Doña Delilah na mataray at totoong tao. So lahat ‘yun naisip ko, until we had our first taping day, masaya naman, isang family kami talaga," kwento ni Ms. Susan Roces.

Bukod do’n, it’s about time raw na muli na siyang tumawa o magsaya, hindi na lang daw puro problema ang iniisip niya o kung anu-ano.

Huwag isnabin ang ‘En’ sa John En Shirley dahil kay Ms. Susan pala iyon bilang si Encarnacion na biyenan ni Marya na tila sa kanya nabuhay si Doña Delilah na nagsasabing, "John, magsumikap ka" in a subtle way nga lang kasi nga mag-balae sila ni Dolphy sa nabanggit na TV series.
* * *
Kung hindi babaguhin ang plano ay nakatakdang sagutin ni Phoemela Barranda ngayong Linggo sa The Buzz ang isyung tumutungga siya sa oras ng trabaho at iba pang isyung may kinalaman sa trabaho niya.

Naalarma raw kasi sa isyu ang mga bossing ng mga programang kasama si Phoemela dahil hindi raw maganda ‘yun for her image at kailangan daw protektahan siya kaya kailangan niyang magpaliwanag tungkol dito.

Hindi palang namin naamoy kung aaminin ba o idi-deny ni Phoemela ang isyu at sana hindi dahil marami siyang footages na nakunan habang umiinom at maging nung tipsy na siya!

Kaya naman pala mega-deny siyang nagda-drugs siya dahil hindi naman pala drugs ang kinahuhumalingan niya kundi alak? –REGGEE BONOAN

DAHIL

DOLPHY

INDAY

JOHN EN SHIRLEY

KAYA

MARICEL SORIANO

MARSHA

MS. SUSAN ROCES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with