^

PSN Showbiz

Sam Milby, "little boy" ni Rica

PARINIG NGA! - Lanie M. Sapitanan -
Nakita ko uli si Jonalyn Viray na hindi na talaga mapigilan ang pagpayat. Hindi raw kasi siya makatulog sa gabi. Nagkaroon na raw siya ng insomnia kaya ang pampalipas oras niya hanggang makatulog ay ang pagbabasa ng libro na Philippine Ghost Stories.

Isa si Jonalyn sa 20 delegates sa World of Champions ng bansa sa August 5-13. Kaya busy si Jonalyn sa paghahanda sa nasabing contest. Anim na categories ang kanyang sasalihan. Seryoso si Jonalyn na pag may nag-alok sa kanyang producer doon sa naturang event para bigyan siya ng show ay tatanggapin daw niya. Ito rin ang first time na lalabas siya ng bansa pagkatapos niyang manalo sa Pinoy Pop Superstar.
* * *
Sinasabi ni Rica Peralejo na inspired siya ngayon dahil kay Sam Milby na tinatawag niyang "little boy".

Inaamin ni Rica na naging instrument daw si Sam para maging christian siya. Marami nang ka-church member si Sam na nag-i-invite kay Rica na umatend ng service nila, pero lately lang daw ay hindi na siya nakatanggi sa singer-actor.

"Hindi ko naman kailangang ipagsigawan sa buong mundo na christian na ako. Gusto ko lang in my own little way maging living testimony ako, dahil hindi naman overnight nagbago na ako. One step at a time! Basta I’m happy now. I have inner assurance and peace," kwento ni Rica.

Sobra raw ngayon ang bonding nila Sam at Rica, pero hindi bilang lovers kundi prayer partners. Ngayon daw ay inaalalayan siya ni Sam pagdating sa mga spiritual matter.

Pero big sister naman ang papel ni Rica kay Sam kung saan binansagan niya itong "little boy" dahil lahat ng kilos at desisyon ni Sam ay ipinaalam at ikinokunsulta niya kay Rica. Kung tama ang kanyang gagawin na kahit sa mga simpleng bagay lang tulad ng kanyang porma. Twenty two na si Sam, pero parang seventeen yrs. old lang daw ito kung umasta at ate ang tawag niya kay Rica na 25 yrs old naman.

"Ate okey ba yung suot ko?" madalas na tanong sa kanya ni Sam.

Samantala, muling binabalikan ni Rica Peralejo ang kanyang first love, ang singing.

Naalala ko pa nung Ang TV days sinabi ni Rica na gusto niyang maging Broadway singer at nahilig pa siya noon sa mga Disney songs. Pero sabi nga ni Rica, hindi siya napunta sa ganung linya dahil nagsimula siyang maging teenybopper hanggang maging sexy siren at more on dancing at acting ang ginagawa niya.

Ngayon, muling gustong patunayan ni Rica na may talent din siya sa singing. Hindi lang basta singing ang gusto ni Rica. Kundi katulad ng kanyang idol na si Regine Velasquez na trendsetter pagdating sa music.

"Hindi lang basta gusto kong kumanta at patunayan na may ibubuga ako sa singing, kundi I want to make music. Kaya unique yung mga songs ko sa album. Hindi siya sumasabay sa uso kundi something na catchy at danceable that I hope people will appreciate," paliwanag ni Rica.

Ang album ni Rica na pinamagatang "Bollywood Fever" ay isang pop term na ang ibig sabihin ay belly dancing kung saan may touch of pop music na ibinagay sa pagiging sexy siren at pagiging isang dancing queen kung saan din hinangaan ng husto si Rica. Susubukan ni Rica na magpauso ng sarili niyang music na meron ding touch of Indian ang dating.

Ang "Bollywood Fever" album ni Rica ay naglalaman ng mga original songs tulad ng "Gumalaw Na," "Tayo Na’t Magsayaw," "Belly Dancing" at isang revival songs na "Tears" na release ng Galaxy Records at Capstraxx.

BASTA I

BELLY DANCING

BOLLYWOOD FEVER

JONALYN

RICA

RICA PERALEJO

SAM

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with