^

PSN Showbiz

Ruffa, pinasikat ng nanay niya!

- Veronica R. Samio -
Habang nagtatagal ay mas lalo pang dumadami ang hinahawakang mga talents ni Annabelle Rama. Ito ay bukod pa sa kanyang asawang si Eddie Gutierrez, mga anak na sina Ruffa, Richard, Raymund, Ritchie Paul, at ang mas bunso pang mga kapatid ni Ruffa na isa-isa na ring nagpasyang mag-showbiz. Sa kanila lamang ay abala na si Annabelle pero, hindi hadlang ito para tumanggap pa siya ng iba, tulad nina Ramon Christopher, Melissa Avelino, Tin Arnaldo, Karen delos Reyes, Mara Garcia, Era at Michelle Madrigal, Antoinette Taus at marami pang iba.

Bagaman at marami ang nag-aakalang ang kanyang anak na si Ruffa ay nasa kandili na ng kumpanya ni Angeli Pangilinan Valenciano, ang Manila Genesis, mariin itong pinabulaanan ni Annabelle at sinabing pumasok lamang si Angeli dahil sa Church nila. "Si Ruffa sumikat dahil ako ang nagma-manage sa kanya," anito. "Wala akong galit kay Angeli, okay naman kami kaya lamang ang napupuna ko, never kong narinig na pinuri niya si Ruffa."

Sa kabila ng kanyang kasikatan at gayundin ang komersyal na ginawa niya kasama ang kambal na sina Richard at Raymund, inamin ni Annabelle na naka-take 20 siya nang gawin niya ang nasabing komersyal. "May pinapabasa kasi silang script sa akin eh bulol ako. Sabi ko ako na lang ang bahala, iso-short cut ko na lang. Okay naman lumabas yung sarili kong dialogue," pagmamalaki niya.

Masaya naman si Annabelle dahil lahat ng alaga niya ay nabibigyan niya ng trabaho. Nakakapagpasok din siya ng talents di lamang sa GMA7 kundi maging sa ABS CBN. Katunayan, ang bago niyang talent na si Antoinette Taus ay sa Dos niya ipinapasok. Gayundin si Karen delos Reyes na baka maipasok niya sa isang serye.
* * *
Hindi naman ipinagkakaila ni Angelica Panganiban, gumaganap na White Lady sa matagumpay na horror film ng Regal Entertainment na may kaparehong titulo na dinirek ni Jeff Tan at kumita ng P5.8M sa pagbubukas nito sa mga sinehan nung nakaraang Miyerkules, na nag-uusap sila ni Carlo Aquino at magkasama sila nung mag-guest siya sa The Buzz.

Totoo rin na pinapaghintay niya ito sa dressing room hanggang sa makatapos ang kanyang interview.

"Pero, di kami gumigimik. At kailangan bang magkabalikan kami para kami magkasama? Kahit naman break na kami ay magkaibigan pa rin naman kami, may pinagsamahan na di agad namin makakalimutan. Pitong taon din ang naging relasyon namin, di ito basta-basta mawawala.

"Inimbita ko rin siya sa premiere night ng White Lady pero di siya nakapunta dahil may taping siya. Siguro kung nakita kami run mas lalo pang hahaba ang tsismis.

"Totoong break na kami at walang third party involved, siguro lang sa tagal ng aming relasyon ay kinailangan namin ng space, yun lang," paliwanag niya.
* * *
E-mail: [email protected]

vuukle comment

ANGELI

ANGELI PANGILINAN VALENCIANO

ANGELICA PANGANIBAN

ANNABELLE

ANTOINETTE TAUS

KAMI

NIYA

RUFFA

WHITE LADY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with