Aiai, naka-move on na!
July 24, 2006 | 12:00am
Malaking selebrasyon ang naghihintay sa week-long celebration para sa ikatlong taon ng Klownz - Araneta Center na pag-aari ng business partners na sina Allan K. at Aiai delas Alas na magsisimula ngayong Lunes.
Samantala, kumusta na kaya ang singer-TV host-comedienne at negosyanteng si Aiai matapos mag-fail ang relasyon nila ng kanyang non-showbiz ex-boyfriend na si Jun Hinahon?
"Nakapag-move on na ako," nakangiti nitong tugon over merienda sa Klownz - Araneta Center.
Medyo nabago lamang ang timpla ng mukha ni Aiai nang may magsabi sa kanyang kini-claim umano ng kampo ni Jun na ginagamit siya (Jun) sa publicity ng singer-comedienne bagay na hindi nito nagustuhan.
"Ang kapal niya. Bakit ko naman siya gagamitin? In the first place, sino ba ang nanloko kanino? Nagbulag-bulagan ako sa kanya yun pala ay niloloko lang niya ako dahil may iba siyang babae," tugon ni Aiai.
"Kung puwede nga lamang ay ayoko na siyang pag-usapan pa dahil nasisira lamang ang araw ko. Ang problema lamang, sa tuwing may presscon ako ay parating nauungkat ang pangalan niya.
"Pero ang importante ngayon ay nakapag-move on na ako at mas maigi na rin na maaga kong na-discover kung anong klase siyang tao," dugtong pa nito
Para maiba ang mood ni Aiai, sinabi namin sa kanya na may nagpadala sa akin ng e-mail na isang Filipino guy na naka-base sa New Jersey, USA at kinukuha ang e-mail address ng singer-comedienne dahil gusto siyang makilala nang husto. Maya-maya lamang ay balik na naman sa pagiging kalog at kikay ni Aiai.
Ilang araw na lamang ang hihintayin at magsisimula na ang pinaka-aabangang local version ng American Idol, ang Philippine Idol na magsisimula nang matunghayan sa darating na Linggo, July 30 sa ganap na ika-walo ng gabi sa ABC-5.
Ang Pilipinas sa pamamagitan ng ABC-5 ang ika-35 bansa sa buong mundo ang nakakuha ng franchise ng pinakasikat na reality based singing search. Ang license ng nasabing format ay nakuha ng ABC-5 sa Fremantle Media Limited.
Sa 169 promising contestants na dumaan sa audition mula Luzon, Visayas at Mindanao, 24 lamang sa mga ito ang makukuha na siya namang maglalaban-laban sa kauna-unahang Philippine Idol.
Naaliw kami sa dalawang finalists ng Close-Up to Fame 2 na sina Ara Hanesh at Reb Sibal na nag-grand finals nung nakaraan. Malaki ang hawig ni Ara sa ex-wife ni Martin Nievera na si Pops Fernandez habang si Reb naman ay pinaghalong Mark Herras, Marvin Agustin at Bimbo Cerrudo.
Sa presscon ng Close-Up to Fame 2, tinanong si Ara kung type niyang palitan ang kanyang pangalan dahil may Ara Mina na. Since hawig si Ara Hanesh nina Pops at Ara ang kanyang pangalan, iisang pangalan kaagad ang lumitaw sa isipan ng mga dumalong press, si Jomari Yllana, ang common denominator nina Pops Fernandez at Ara Mina.
Samantala, si Vince Saldana na anim na taong gulang nang mag-migrate sa Guam ay pamangkin pala ni Piolo Pascual. Ayaw niyang gamitin ang kanyang sikat na tiyuhin para lamang makilala siya. Sinabi rin nito na manalot matalo siya sa Close-Up to Fame 2 ay ipagpapatuloy umano niya ang kanyang showbiz career.
Natutuwa kami para sa bunsong anak ng OctoArts big boss na si G. Orly Ilacad na si Catherine Ilacad dahil ito ang sumusunod sa yapak ng kanyang ama pagdating sa negosyo. Si Cat ang katuwang ng kanyang daddy sa pagpu-produce ng pelikula at itoy labas sa sarili niyang negosyo, ang Posh Nails na may tatlo nang branches - sa may Greenhills, sa Taft Avenue at sa may Tomas Morato na katabi lang ng Virgin Cafe.
Dahil sa magandang service ng Posh Nails, the hand and foot specialist, parami nang parami ang kanilang mga kustomers at karamihan pa sa mga ito ay mga celebrities tulad nina Joyce Jimenez, Dingdong Dantes, Bernard Palanca, Rovilson Fernandez, Greg Martin, Alessandra de Rossi, Tanya Garcia, Nikki Valdez, Zoren Legaspi at marami pang iba.
E-mail: [email protected]
Samantala, kumusta na kaya ang singer-TV host-comedienne at negosyanteng si Aiai matapos mag-fail ang relasyon nila ng kanyang non-showbiz ex-boyfriend na si Jun Hinahon?
"Nakapag-move on na ako," nakangiti nitong tugon over merienda sa Klownz - Araneta Center.
Medyo nabago lamang ang timpla ng mukha ni Aiai nang may magsabi sa kanyang kini-claim umano ng kampo ni Jun na ginagamit siya (Jun) sa publicity ng singer-comedienne bagay na hindi nito nagustuhan.
"Ang kapal niya. Bakit ko naman siya gagamitin? In the first place, sino ba ang nanloko kanino? Nagbulag-bulagan ako sa kanya yun pala ay niloloko lang niya ako dahil may iba siyang babae," tugon ni Aiai.
"Kung puwede nga lamang ay ayoko na siyang pag-usapan pa dahil nasisira lamang ang araw ko. Ang problema lamang, sa tuwing may presscon ako ay parating nauungkat ang pangalan niya.
"Pero ang importante ngayon ay nakapag-move on na ako at mas maigi na rin na maaga kong na-discover kung anong klase siyang tao," dugtong pa nito
Para maiba ang mood ni Aiai, sinabi namin sa kanya na may nagpadala sa akin ng e-mail na isang Filipino guy na naka-base sa New Jersey, USA at kinukuha ang e-mail address ng singer-comedienne dahil gusto siyang makilala nang husto. Maya-maya lamang ay balik na naman sa pagiging kalog at kikay ni Aiai.
Ang Pilipinas sa pamamagitan ng ABC-5 ang ika-35 bansa sa buong mundo ang nakakuha ng franchise ng pinakasikat na reality based singing search. Ang license ng nasabing format ay nakuha ng ABC-5 sa Fremantle Media Limited.
Sa 169 promising contestants na dumaan sa audition mula Luzon, Visayas at Mindanao, 24 lamang sa mga ito ang makukuha na siya namang maglalaban-laban sa kauna-unahang Philippine Idol.
Sa presscon ng Close-Up to Fame 2, tinanong si Ara kung type niyang palitan ang kanyang pangalan dahil may Ara Mina na. Since hawig si Ara Hanesh nina Pops at Ara ang kanyang pangalan, iisang pangalan kaagad ang lumitaw sa isipan ng mga dumalong press, si Jomari Yllana, ang common denominator nina Pops Fernandez at Ara Mina.
Samantala, si Vince Saldana na anim na taong gulang nang mag-migrate sa Guam ay pamangkin pala ni Piolo Pascual. Ayaw niyang gamitin ang kanyang sikat na tiyuhin para lamang makilala siya. Sinabi rin nito na manalot matalo siya sa Close-Up to Fame 2 ay ipagpapatuloy umano niya ang kanyang showbiz career.
Dahil sa magandang service ng Posh Nails, the hand and foot specialist, parami nang parami ang kanilang mga kustomers at karamihan pa sa mga ito ay mga celebrities tulad nina Joyce Jimenez, Dingdong Dantes, Bernard Palanca, Rovilson Fernandez, Greg Martin, Alessandra de Rossi, Tanya Garcia, Nikki Valdez, Zoren Legaspi at marami pang iba.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended