Kaso nina Aiko at Happy, di pa tapos
July 23, 2006 | 12:00am
Hindi masama ang loob ni Ogie Alcasid na napunta kay Rustom Padilla ang gay role niya sa Zsa Zsa Zaturnnah, "Siguro, its not really meant for me, may mga bagay na hindi para sa yo and I believe Rustom can justify it," seryosong sabi ni Ogie na sinundot namin ng, "E, kasi tunay na bading si Rustom, ikaw hindi," at mabilis ding sinagot ni Ogie ng, "Bakit, magaling din naman akong mag-bading-bading, ah?"
At mukhang may kapalit kaagad ang gay role na nawala kay Ogie sa Regal Entertainment dahil, "May offer sa akin ang OctoArts, gay role rin for December daw, I still dont know with my manager kung tatanggapin niya, depende sa schedule ko."
Marami raw kasing naka-line up na shows ang singer/composer/tv host kaya hindi pa siya makapag-commit sa offer ni Mr. Orly Ilacad.
Muling naitanong kay Ogie kung kumusta na ang asawang si Michelle Van Eimeren at kung wala ba itong balak pumasyal ng Pilipinas dahil parati na lang wala ang mag-iina niya sa mga espesyal na events sa buhay ni Ogie na isineselebra rito sa Pilipinas.
"Actually, were working it out by next year, e, nag-iisip din ako kung pauuwiin ko sila kasi nag-aaral ang mga bata, so depende rin sa schedule. Siyempre gusto ko ring dumalaw sila rito," esplika ni Ogie.
Aminado rin ang nangungulilang ama na nami-miss niya ang mag-iina niya kaya nga kapag naroon siya sa Australia ay ibinibigay niya lahat ng gusto ng mga bagets, ang kaso, "Hindi na nila alam minsan ang value ng money, kapag pinagsasabihan ko nga sila na masuwerte sila dahil theyre living a comfortable life, naiinis ako sa mga sagot nilang "Yeah dad".
"Yung eldest ko, marunong naman mag-ipon kasi may gusto siyang bilhin para sa sarili niya na sabi ko, mag-ipon siya kung may gusto siyang bilhin," kwento pa ni Ogie.
Gustong iklaro ng magkakaibigang Madonna Happy Ongpauco, Mariquita "Alana" Montelibano at Ronaldo Serrano na hindi sila natalo sa kasong isinampa nila kay QC Councilor Aiko Melendez-Jickain tulad ng ipinalalabas ng konsehala.
Ayon mismo kina Alana at Ronald, "We just want to clarify na sa 10 cases na isinampa namin kay Aiko, dalawa ang na-dismiss, yung Oral Defamation at hindi naman mabigatyun because dagdag lang yun ng attorney namin.
"Ang talagang kaso namin sa kanya ay Physical Injuries na umakyat sa korte at ang arraignment namin ay sa August 16 sa Makati Metropolitan Trial Court, Branch 62.
"Kaya nagtataka kami kung ano yung sinasabi niyang na-dismiss daw yung kaso namin sa kanya."
At ang ikinaso naman daw nina Aiko at ng mga kasama niya sa tatlong magkakaibigan na Unjust Vexation, Oral Defamation and Question of Honor ay pawang dismissed.
"Siya ang talo kasi ni isa sa ikinaso niya sa amin, walang sumampa sa korte. I Just want to clear that issue and just want to clear our names here, kasi baka isipin ng ibang tao na hindi alam ang nangyari, e, totoo nga na we lose the case which is not," esplika pa ni Alana.
Tinanong din namin ang magkakaibigan kung sakaling humingi na ng dispensa si Aiko since nagpakumbaba na raw ito sa interviews niya at manganganak na siya one of these days?
"Madaling magpatawad sa taong humihingi ng tawad. Paano mo patatawarin ang taong kung hindi naman nanghihingi ng tawad? Were just human, were not perfect, lahat tayo nagkakamali rin.
"But theres a proper way in doing this kasi she has to face the damages, nagbayad kami ng abogado. Open naman kami sa settlement, eh," katwiran ng magkakaibigan.
Sina Alana at Happy ay okey lang na magkaayos na sila ni Aiko pero si Ronald daw ay masama pa rin ang loob dahil siya raw yung nabugbog ng husto ng bodyguard ni Aiko na naging dahilan para operahan ang ilong niya dahil tumabingi ang buto nito at kailangan pa uling operahan para muling maayos.
"Kaya after kong matanggap itong resolution, Im going to file a case against her sa Orani, Bataan for Moral Damages naman, kasi ako yung talagang biktima rito, pinagbintangan akong boobmasher, e, hindi ko naman ginawa yun. Why will I do that, Im a businessman and I have a name to protect, why will I do that," esplika naman ni Ronald.
At si Happy na nasa Bacolod at kausap ni Alana sa cellphone ay may message kay Aiko, "It took 9 months bago lumabas ang resolution, so hindi true na idinaan namin sa lakas ang kasong ito dahil kung talagang malakas kami, hindi ito aabot ng ganito katagal, sa legal na paraan namin ito ipinaglaban at walang palakasan dito." REGGEE BONOAN

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended