^

PSN Showbiz

Walang nanliligaw kay Jennylyn!

ISYU AT BANAT - ISYU AT BANAT Ni Ed De Leon -
Natuwa kami noong isang araw, nang maisipan naming pumasok sa isang record shop na kasama ng isang bookstore. Marami kasi kaming nakitang mga album nare-issue, na kung iisipin mo ngayon, hindi lamang dapat bilhin para pakinggan kundi para maitago na rin at gawing bahagi ng koleksiyon lalo na kung ikaw ay mahilig sa musika.

Una naming nakita ang isang CD na naglalaman ng mga awitin ni Rosita dela Vega. Isa siyang sikat na singer noong 50s. Nagsimula siya ng kanyang career bilang isang professional singer noong 1941, at sumikat noong panahon ng Hapon. Si Rosita dela Vega ang nagpasikat ng mga kantang "Luneta," "Titina My Titina" at ang naging pamilyar sa ating "Mambo Magsaysay."

Hindi maganda ang sound reproduction. Halata mong galing yon sa mga lumang plaka na may gasgas na. Pero ano pa man ang sabihin ninyo, ang pakikinig diyan sa plaka ni Dela Vega ay magbibigay sa atin ng ideya kung ano ang tunog ng musika noong 50’s.

Nakita rin namin ang isang album ng Tilt-Down Men, ang combo ni Tito Sotto. Musika naman yan noong 60s. Natatandaan namin, nasa elementary grades kami nang mauso ang mga kantang yon. Kasama roon ang "Together", "Bus Stop", "Holiday", "Don’t You Care" at marami pang iba. Nang marinig namin yon, natuwa kami. Isipin ninyo, iyong musika noong bata pa kami ay marinig naming muli.

Mas maganda ang sound reproduction ng CD ng Tilt-down Men, dahil siguro nga nai-save ang master copies noon, at saka noong 60’s naman, may stereo na. Hindi kagaya noong 50’s na hi-fi pa lang ang recording.
* * *
Hindi namin maintindihan kung bakit ba tila nagpa-panic ang mga taong nasa likod ni Jennylyn Mercado at nagpipilit silang mai-deviate ang mga issues tungkol sa kanyang involvement at lovelife, sa pamamagitan ng pagli-link sa kanya kung kani-kanino.

Noong una, ang pinalabas nila ay nanliligaw sa kanya si Patrick Garcia. Hindi yata kinagat yon ng publiko dahil sa malabnaw na statement ni Patrick na halata mong showbiz na showbiz. Ngayon naman ang itinuturo nilang nanliligaw sa kanya ay ang dating basketball player na si Marco Alcaraz.

Bakit hindi na lang nila sabihin na walang nanliligaw kay Jennylyn matapos silang mag-split ni Mark Herras? Dahil ba nangangahulugan yon na hindi siya desireable?
* * *
Pinag-uusapan daw ng mga male stars ang isang may pangalan din namang female star. Maganda naman siya, pero kaya raw medyo iniiwasan siya ng mga lalaki ay dahil kumakalat na nga ang picture niya na nakalabas ang dibdib, at sinasabing katunayan yon na na-iskoran na siya ng dati niyang boyfriend. Sino nga ba namang lalaki ang papayag na maging tagasalo na lamang ng isang babaing napagsawaan na ng iba? Kaya naman pala wala ng pumapansin sa kanya ngayon.

BUS STOP

DELA VEGA

ISANG

JENNYLYN MERCADO

MAMBO MAGSAYSAY

MARCO ALCARAZ

NOONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->