Victor, nagdi-direct sa ABS-CBN!
July 20, 2006 | 12:00am
![](./main/20060720/images/show2.jpg)
"Kaya siguro akala ng mga tao ay nawawala na ako sa limelight. Dito sa bago kong pelikula ay kakaiba ang role ko na isang kontrabida at makakalaban ng mga superheroes," aniya.
Nagdidirek na si Victor gaya ng huling bahagi ng Bora at ngayon, siya na rin ang director ng Your Song. Sakaling mabigyan ng break na makapagdirek sa pelikula, gusto niyang maging artista niya sina John Lloyd Cruz at Baron Geisler. Walang problema sa magiging bidang babae.
Maswerte kay Victor ang MMFF kung saan entry ang SuperNoypi dahil nagkamit na ito ng award two years ago bilang Best Supporting Actor para sa pelikulang Filipinas.
Naghiwalay naman ng maayos ang dalawa matapos ang pag-uusap sa Eastwood kaya normal lang ang kilos nila kapag nagkikita.
Pero may balitang umaasa pa rin si Angelica na silay magkakabalikan ng ex-boyfriend kaya hindi ito tumatanggap ngayon ng mga manliligaw.
Bida sa White Lady ang seksing aktres na palabas na ngayon under Regal Entertainment.
"Ang gwapo pa naman niya kaya nakakaapekto rin ito sa kanyang personalidad," sey pa nila.
Bilang si Nacho na kusinero, naisip niyang kumita ng pera para makatulong sa mga batang lalaking ulila, para makakain naman sila ng masarap. Gusto rin niyang magpa-impress sa magandang si Sister Encarnacion.
Bilang wrestler, ginamit niya ang pangalang "Lucha Libre", katuwang ang patpating si Esqueleto. Dahil bawal sa mga nangangasiwa ng simbahan ang ginagawa niyang pagre-wrestling, nagsuot siya ng asul na mascara para itago ang kanyang identity. Pero hanggang kailan niya maililihim ang lahat kahit dakila naman ang kanyang layunin?
Bago niya ginawa ang pelikulang Nacho Libre, natakot si Jack Black sa kalalabasan ng pelikula. "Paano kung hindi ako kumwela? Bakit kailangan pa akong magsuot ng ganun kahigpit na bottom tights? Para na rin akong nakahubad!" sabi niya.
Pero lumabas na katawatawa siya sa kanyang costume at pinaggagawa, kaya gumanda ang pelikula. "Doon lang ako nakahinga ng maluwag pagkatapos," pahayag niya.
Ang Nacho Libre ay mula sa Paramount Pictures at ginagampanan din nina Ana dela Reguera, Hector Jimenez, Richard Montoya at Peter Stormare sa direksyon ni Jared Hess.
Ipinamamahagi ito sa Pilipinas ng United International Pictures sa pamamagitan ng Solar Entertainment. Palabas na ito sa maraming sinehan.
Kain ng kain ng isang putahe ang iniinterbyung aktres at di namamalayan na nanilaw na ang ngipin nito dahil sa dilaw na sarsa.
"Dilaw na dilaw ang kanyang mga ngipin kaya lang dedma na lang ako dahil mabait naman siya," anang reporter.
Wala nang regular show ang magandang aktres pero visible pa rin ito sa mga TV guesting.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended